Categories
Life Today's Log

Today’s Log #16 | “Tim’s”

SATURDAY

7:20 AM

Nagulat ako gising na rin si Kenneth. Ilagay ko daw yung weighted blanket sa kanya hindi nya daw kaya. Kawawa naman. Nagpa-booster shot kasi sya kahapon plus flu shot. Tig kabilang braso kaya hinang hina.

8:12 AM

Mali. Bakit ko in-open ang Messenger. Pagkatapos ng Messenger, Instagram naman. Wala na. Dire-direcho na.

10 AM

Gutom na kami. Tinamad akong magluto. Sira na kasi yung umaga ko. Mamayang hapon na lang. Nag-order sya ng sisig sa Pares Bistro tapos ako naman yung breakfast wrap at donut sa Tim’s.

Haha naalala ko nung una kong narinig sa pinsan ko dito yung “Tim’s”. Nabano ako. Sa isip ko, “Ahhh. “Tim’s” pala dito.” Sa Pilipinas kasi buong “Tim Hortons”. Lalang.

$31.48

10:24 AM

Mas naunang dumating yung pagkain ko. Naalala ko rin nung nag-oopisina pa ko. Ito lagi ang binibili ko sa umaga pag wala akong baon.

Si kulit

Bakit kaya pag naaalala ko yung mga office days ko parang lagi ko syang naro-romanticize tapos makakaramdam ako ng happy and heartwarming feelings. Pero kung aalalahanin ko ng sobra, araw-araw kong pinapaulit-ulit sa sarili ko na gusto ko nang mag-resign.

Baka nami-miss ko lang yung routine kasi ngayon wala ako nun. Flexible hours kung flexible hours.

10:41 AM

Nag-open ako ng YouTube. Tapos bumalik ako dito kasi may naisip nanaman ako. Siguro pagod na pagod na yung utak ko sa mga biglaang pagsulpot ng thoughts.

Pero eto nga yung naisip ko. Napansin ko kasi ang dalas ko na mag-YouTube. Tapos napaisip ako, ganito ba ko dati? Malamang hindi kasi ang bagal ng internet sa Pilipinas. Mababadtrip ako pag buffer ng buffer so titigilan ko na lang.

Kaya naman totoo yung sinabi dun sa isa kong binabasa na Do Nothing ni Celeste Headlee. Nakakatulong daw sa work efficiency ang advances sa technology pero on the other hand, pa-improve din ng pa-improve ang mga distractions. So anong solusyon? Hindi ko alam. Hindi ko pa tapos basahin.

A welcome distraction

11:27 AM

Watched GAYLE’s live performance of abcdefu. Again. Gusto ko na ginawang medyo pop rock yung arrangement. Naalala ko ang rock star dreams ko.


Na-spoil ako ng YouTube Premium 2-month trial. Extra irritated ako sa mga ads ngayon.

1:53 PM

So fresh and so clean clean. Ang bango ko na. Nag-decide na kong maligo kasi nanlalambot ako. Kung hindi pa ko maliligo baka abutin ako ng hapon na walang nagagawa.

Magluluto na ko. Busy pa rin panonood ng Dexter si Kenneth.

Ang saya na nakagawa ako ng meal plan this week

3:22 PM

Tagal pala lutuin nun. Dami kong ginayat na gulay. Sakit ng wrist ko. Bumabalik nanaman yung madalas na pagsakit ng kanang kamay, wrist, at braso ko. As in mag-click lang ako sa mouse o mag-type sa phone sasakit na. Kaya bumili ako ng ganitong mouse. Mukang nakakatulong naman.

Makapag Duolingo na muna bago ko pa malimutan. À plus tard!

3:55 PM

Kakatapos ko lang mag rant dito sa blog ko. Naka-private yung post just in case mabasa nung tao na yun. Or mga tao na yun? Secret. Parang nagsisi tuloy ako na pinost ko sa IG ko ‘tong blog ko na ‘to. Parang nare-restrict tuloy yung mga pwede kong sabihin.

Maglalaro na muna akong Axie.

6:41 PM

Last week nag-subscribe ako dun sa ’30 Days to Better Habits’ na pakulo ni James Clear, author ng Atomic Habits. Hindi ako ganun ka-hopeful kasi lagi namang sa una lang ako magaling. Tapos after ilang days or weeks, balik na ulit sa dati. Pero nag-subscribe pa din ako at tina-try ko pa din syang gawin. Testing lang.

Every 3 days may ipapadala daw syang e-mail na may kalakip na lessons kung pano yung effective way para mag-stick ka sa mga habits na gusto mong i-build. Nasa lesson #3 na ko. Sabi sa lesson #3, gumawa daw ako ng plano. Kaya nilista ko yung gusto kong morning routine ko para hindi ako nagugulo sa umaga.

Pag nagawa ko ‘tong lahat sa umaga, ang ganda na ng simula ng araw ko. Ano kaya.

7:55 PM

Kakatapos ko lang makipag video call sa Mama. Sunday nga pala ng umaga dun. Ganitong araw at oras sila usual na tumatawag. Akala ko tampo sakin ang Mama kasi pinagalitan ko kahapon. Ang kulit kasi. Pero hindi naman pala tampo. Tagal din namin nag-usap. As usual kasama sa usapan ang paguwi ko. Hays kelan kaya ako matutuloy paguwi.

Malapit nang mag 8 PM. Iniisip kong agapan ang tulog ko. Mga 9 siguro para mas maaga akong magising bukas. Kung magigising siguro ako ng 5 or 5:30 AM mas maganda.

Bigla kong naalala yung ita-transfer kong pera sa bank account ko sa Pinas. Pambayad ng kung ano-ano. Transfer ko muna.

$227.99

8:29 PM

Magta-try akong magbasa and hopefully, antukin na ko by 9:30 PM. Good night!

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s