MONDAY
10:10 AM
Wow nasusunod ko ang morning routine na ginawa ko. Tapos na kong mag-meditate, yoga, magbasa (naka 45 mins ako agad sa goal kong 1 hour per day), kitty care (scoop litter + refill tubig + vacuum ng nagkalat na litter) at gratitude journal. Naksss.
Pero mukang hindi ko magagawa yung exercise. Kasi after kong mag-yoga, nakaramdam ako ng several sharp pains sa tagiliran ko, yung area na inoperahan ako. Kaya maghihinay hinay muna ako.

Nag-check ako ng e-mails at dumating na yung e-mail na ilang days ko nang inaabangan. Mukang parating na yung Apple Watch bukas! Hihihi.
Ang mura nung plan na yun sa Telus. $14 (Php 560) lang monthly. Pero with taxes, magiging $20/month (Php 800). Pero ayos pa din. Yun yung luma nilang model na naka-sale, yung Series 5.
Maliligo na ko para makakain na ko. Kasama sa morning routine ko na kakain lang ako or magp-prepare ako ng pagkain pag tapos na kong maligo.
10:50 AM
Eto yung mga binili kong pakulo sa muka nung Black Friday sale na hindi ko alam kung may epekto ba. Pero since mura lang naman tapos sale pa, bakit hindi.

Sale na Apple Watch, sale na skincare products. See a trend? Rare akong bumili pag hindi naka-sale. Kahit yung itlog hindi ako sa grocery store bumibili, kasi mas murang magbenta ng itlog dito sa pharmacy sa baba ng apartment namin. Nakakahinayang kasi kung parehong produkto lang naman. Eh kung pwede mo namang mabili ng mas mura.
Pwede na kong kumain.
11:45 AM
Wala nga palang kakainin si Kenneth kasi yung tirang luto kahapon ay vegetarian. Kaya ang hirap din minsan mag-switch kasi ang hilig nya sa karne. Tapos dalwa-dalwa pa ang lulutuin kong potahe para ma-accommodate yung gusto naming dalwa. Kaya bago ako kumain nagluto muna ako. Eto yung request nya nung isang araw.

Eto sakin.

Dami pang tira. Plano kong ilagay sya sa tortilla wrap. Gumawa rin akong smoothie.

Hindi ko inexpect yung sarap. Muka kasing suka. Masarap pala yung combo na yun.

Maglalaba na ko. Hindi actually laba. Magwa-washing machine. Or magl-load ng damit sa washing machine? Ang haba masyado. Laba na lang.
3:30 PM
Almost 3 hrs ko palang ginawa yung poster para sa book club. Ewan ko ba kung bakit sobra akong effort sa paggawa ng mga ganito eh hindi naman ‘to graded. Wala naman ‘tong bayad. Ang alam ko lang pag hindi ko ‘to ginawa from scratch at kumuha lang ako ng template sa Canva, hindi ako mapapakali.

Nagutom ako. Kakainin ko na lang yung tira kong burger kahapon. Bagong burger sya sa McDo. Ang tawag ay Bacon ‘N Crispy Onion Quarter Pounder. Ok naman. Kulang pa rin sa sauce kahit nagpa extra sauce na ko.

5:10 PM
Axie habang nanonood ng The Big Bang Theory.
8:15 PM

Ang saraaaap. Kapiranggot lang yung nilagay ko na hot sauce pero medyo naanghangan na ko. Next time isang patak lang ang ilalagay ko.

10:10 PM
Magbabasa na ko hanggang makatulog.