Categories
Family Life Ramblings

Ramblings #44 | Character Development

Na-appreciate ko yung “Happy wedding anniversary” greetings sa family group chat without a single comment about pagkakaron ng anak. At kung naglalaro man yun sa isip nila, I still appreciate that they held their tongues (or thumbs). It’s just so refreshing. There’s hope! Boomers are learning!!

Sana wag mabati.

Categories
Family

Dearest Gentle Readers

Nalaman ko na nagbabasa pala ng blog ko ang mga tita ko. Hello Ate Bengsya and Ate Gigi (at kung sino pang family member na hindi ako aware) 😅 I didn’t expect na magiging interested silang magbasa ng mga sinusulat ko, kaya naman yung mga bagay na hindi pa dapat nila malaman, nagkakaron na pala sila ng idea. Nakakatawa tuloy yung mga theories nila.

Categories
Family Life

Masamang Balita

May nagtanong sakin dati, bakit ako komportable magkwento dito whether nakakahiya, nakaka-proud, nakaka-conscious, nakakalungkot, etc. Kasi parang ang hirap daw. Bakit daw ang dali lang sakin. Wala akong instant na naisagot. Kasi for the longest time, I just write without actually questioning it.

Categories
Family Pilipinas Travel

Ohana + LDR Problems + My Daughters | Pinas 2024 Pt. 3

Feb 15-19

DAY 11

Halos buong araw nasa bahay lang ako ng lola ko. May pa-going away lunch for Mclein at AJ kasi pabalik na silang Canada. As usual, super iyak ang Mommy hehe.

🥺🥺
Categories
Family Pals Pilipinas

Made it Out of the Group Chat! + Pagbilao Life + Valentine’s Dates | Pinas 2024 Pt. 2

Feb 10-14

DAY 6

Happy 60th Papa!

Few months ago, pinapapili ko ang Papa kung uuwi ako sa 60th birthday nya, or uuwi ako ng Pasko. Mahagad kasi masyado kung twice ako uuwi this year. Sabi nya Pasko na lang daw ako umuwi. Lahat kasi ng relatives namin na nasa abroad ay uuwi ng Pasko, so parang ang gustong sabihin ng Papa ay mas sulit kung Pasko ako uuwi.

After some weeks, tinatanong ko kung anong gusto nyang regalo. Ang sagot nya, “Gusto ko ay nandito ka.” Tina-try nyang sabihin in a joking manner pero alam kong he means it. Ang hindi nya alam, uuwi talaga ko sa birthday nya kasi hindi ko matiis na hindi umuwi huhuhu.

Categories
Family Pilipinas Travel

Nostalgia + Comforting Hugs + Bagong Talent | Pinas 2024 Pt. 1

February 5-9

DAY 1

📍 NAIA Terminal 1

Old But New

Dumiretso kaming Glorietta pagkasundo nila sakin sa airport. Nung naglalakad na kami sa loob, it was pure nostalgia. Pagkakita ko sa Burger King, naalala ko yung isang date namin ni Kenneth na kakagaling lang namin sa away kaya bad mood pa rin ako. Nakita ko rin yung Mcdo, na lagi kong binibilhan ng chocolate cake na sobrang sarap. Pizza at lasagna ng Shakeys. Food court!! *buntong hininga habang nakapikit* Ang daming memories 🤍

Categories
Family Happy Things Motherland

Happy Things #22

Feb 5, 2024

Everything on this list happened all in one day.

Motherland

My PH trip! Pangatlo ko na ‘tong uwi simula nung nag-migrate kami nung 2018. Ito rin yung pinakamatagal, one and a half months. Ang happy sa feeling habang bumabyahe kami pauwi sa probinsya namin. Busog yung mga mata ko sa mga sightings na dati na, pero feeling bago ulit.

Categories
Family Life Motherland

Ramblings #41 | Pasalubongs

Ang dami nang nangyareeee. Nakapag Japan na kami, bumisita sa farm ng lolo at lola ko, nanalo kami sa casino, et cetera (btw ngayon ko lang napansin na French pala ang etc.) Pero ang kwento ko ngayon ay simple lang.

Categories
Family Happy Things Life Pals

2023 Highlights

  1. We got sick around the first week of the year so we spent the New Year binging K-drama and playing card games.
Categories
Family Life

Frazzled Nerves

I’m feeling a lot of nerves today kasi sobrang excited ko sa paguwi ko! Excited akong magspend ng time with family, kumain ng masasarap, bumalik ng Japan, mag sister bonding sa Manila, at makasama si Almond, and hopefully, sabay na kami pabalik! AGGHHHHH nakaka-excite!!