Categories
Ramblings Travel

Ano Pa

Di ako masyadong mapakali. Parang ang dami kong kailangan isipin pero di ko maisip kung ano. Malapit na kasi akong umalis pauwi ng Pinas. 1 week na lang. Feeling ko ang dami ko pang nalilimutan. Iniisip ko yung mga dapat kong ibilin kay Kenneth. Kanina naturuan ko na sya kung pano diligan yung mga halaman ko. At least naka-install na yung pet cam, mababantayan ko sila. Ano pa ba.

Categories
Happy Things Life

Happy Things #4

Taxes

YES! Tapos ko nang i-file yung taxes namin. Struggle lang talaga gawin yung taxes ko kasi nga self-employed ako pero kaya naman. Kasi kung sa accountant, baka magkano yung isingil sakin since iba-iba yung sources of income ko tapos may crypto pa. Baka mahirapan sya masyado tapos singilin ako ng malaki.

YES ULIT! Kasi may tax refund kami this year. 4 digits! Baka bumawas kami dun pang-apply ng citizenship namin tapos konting pampa-happy tapos the rest sa investments na.

Categories
Ramblings

“Ang Tanga Mo Nanaman”

Nakakatawa. Bigla kong naisip yung mga nabasa at narinig ko about meditation. Ang tinuturo kasi, kapag nagta-try ka raw mag-meditate at may pumasok na thought, wag mo raw pigilan yung thought. Hayaan mo lang daw pumasok at umalis. Tapos kausapin mo raw yung thoughts mo without judgment. Tapos ang sasabihin mo raw ay, “Hi thought. I see you thought. I acknowledge you chuchu” basta something na very formal at gentle.

Categories
Art Career

It’s Been 2 Years Since I Resigned

Madami akong personal struggles sa pagiging freelancer ko kaya pakiramdam ko nakatulong yung libro ni Celeste Headlee na Do Nothing. Yung naiisip ko noon na advantages ng pagiging freelance, parang naging problema ngayon.

Categories
Career Hobbies

A Plethora of Interests

Gusto kong maging successful na:

Categories
Life

Happy Things #3 | 🐶🕯🧋🧡🪴✏️

TJ

Nakapagpa-book na ko ng ticket to Pinas! Isa talaga sa mga pinaka na-eexcite ako (bukod sa makasama ang pamilya ko) ay makatikim ulit ng Tender Juicy hotdog. Nakalista na pati ang mga gusto kong kainan. Top 3 sa listahan: