
TJ
Nakapagpa-book na ko ng ticket to Pinas! Isa talaga sa mga pinaka na-eexcite ako (bukod sa makasama ang pamilya ko) ay makatikim ulit ng Tender Juicy hotdog. Nakalista na pati ang mga gusto kong kainan. Top 3 sa listahan:
- Lasagna ng Greenwich
- Ramen Nagi
- KFC hot shots. At Krushers! May Krushers pa kaya..

Disney+ Trial
Nagkaron kami ng 7 days Disney+ trial kaya nag-catch up ako sa mga usong movies na nakikita ko nung mga nakaraan. Sobrang nag-enjoy ako sa Encanto at Raya and the Last Dragon.
Tsaka pala yung Eternals. Di ko inexpect na magugustuhan ko.


BOGO
Late na βtong blog ko pero last month may buy 1 get 1 promo ang Happy Lemon. Twice a week ata kaming naka milk tea nakakainis na nakakatuwa. Buti March na ngayon wala nang promo. Wala nang tukso.

Heart to Heart
May pinapanood kaming vlog ng isang couple tapos nagtatanungan sila ng mga relationship questions. Pag mga ganito, usually nakikisagot kami. So ip-pause ko yung vlog tapos sasagutin namin yung mga tanong.
Naiyak ako dun sa question na ano raw yung pagkukulang or something na pwedeng i-improve ng wife/husband mo. Eh in short kaya ako naiyak kase wala syang masagot. Sabi ko, βAno nga?! Ano ako perfect?β Wala daw talaga syang maisip. Sasabihin nya daw sakin pag nagkaron pero as of now daw wala raw talaga. Ayun na-touch lang ako.
May sinabi pa pala sya na, βIβm a spoiled husband.β Haaa?? Eh parang ako nga ang spoiled. Pero kung ganun man ang naffeel nya, eh di good to know. It’s a tie π


New Shoot
May tumubo! Mukang may pag-asa pang gumanda βtong halaman ko kahit puro kagat ang mga dahon. Ang dami kasing CAT-erpillar dito sa apartment π


Home Office
Type na type ko yung bagong pwesto ng work area ko. Dati kase nakaharap ako sa bintana so nakakasilaw minsan yung liwanag. Ngayon sa pader na ko nakaharap kaya mas masarap na sa mata. Nakakaganang mag-drawing pati.