Madami akong personal struggles sa pagiging freelancer ko kaya pakiramdam ko nakatulong yung libro ni Celeste Headlee na Do Nothing. Yung naiisip ko noon na advantages ng pagiging freelance, parang naging problema ngayon.
I was wrong about freelancing…
Nagkakaron ako ng guilty feelings everytime manonood ako ng Netflix or magna-nap kasi pakiramdam ko hindi ko deserve pumetix dahil “feeling” ko wala pa ko masyadong nagagawa. Operative word yung “feeling” kase hindi ko alam kung feeling ko lang ba na hindi ako productive kahit productive naman talaga ako? Wala na kase akong batayan eh. Wala akong officemates na mapagkukumparahan. Hindi ko alam kung pano i-measure yung productivity ko kasi wala akong structure.
Kaya siguro ako na-obsess sa productivity videos noon. Ngayon medyo na lang.
We are overworked and overstressed, constantly dissatisfied, and reaching for a bar that keeps rising higher and higher. We are members of the cult of efficiency, and we’re killing ourselves with productivity.
— Do Nothing by Celeste Headlee
Even on weekends at manonood ako ng series or magb-browse ng TikTok videos, parang hindi ako mapakali. Kasi iniisip ko kung enough ba yung nagawa ko nung weekdays para rumelax ako ng weekends. Yung mga activities na supposedly nakakalibang ay hindi ko 100% ma-enjoy.
Kaya nung binasa ko ‘tong libro na ‘to, medyo naliwanagan ako at nagkaron ako ng guide somehow. This book offers a paradigm shift para mas ma-enjoy natin ang leisure time natin.
Am I really being efficient?
Nung nag-quit ako sa office job ko, sobrang excited ako sa possibilities. Ang dami ko nang magagawa! Lahat ng gusto ko! LAHAT!
At yun ang naging problema. Sa gusto kong isiksik lahat ng interests ko sa free time na nakuha ko, na-stress lang ako. Na-stress ako kase pakiramdam ko kulang pa rin yung oras ko. At kung ipa-prioritize ko lang yung top 3 na gusto ko, hirap na hirap akong pumili. Ang hilig kong mag-jump from one thing to the next. Kaya yung prior skills na na-build ko sa pagtugtog ng piano for example, nagdi-diminish rin kasi hindi ako consistent.
I realized it was not my circumstances that caused my stress but my habits. While my list of duties got shorter, I found new duties to fill the empty space. I decided I finally had time to make my own bread and learn Spanish. Instead of cooking the tried-and-true favorites in my recipe book, I searched the internet for new and exotic dishes that required an hour of driving in order to gather the ingredients.
— Do Nothing by Celeste Headlee
Relateeee.
We are driven, but we long ago lost sight of what we were driving toward. We judge our days based on how efficient they are, not how fulfilling. We search for the best method of doing everything, from holding meetings to exercising to barbecuing, and we are lured by the “ultimate tools” to improve our lives.
— Do Nothing by Celeste Headlee
UGHHHHH.
Cha-ching
Ang goal after kong mag-quit ay kumita habang ginagawa ko yung gusto ko which is mag-drawing. Kaso after a few months, bakit parang hindi ko na sya nagugustuhan. Bakit ang naging focus na lang ay yung kita? Yung income. Kaya nagkaron ako ng phase na hindi ako nag-drawing. It was an 8-month hiatus from creating. Dinistract ko yung sarili ko sa iba kong mga interests.
Swerte naman ako kasi walang pressure from external forces na kailangan kong kumita ng ganito kalaki. Pero ang lakas nung pressure na nanggagaling sa sarili ko to the point nga na hindi na ko nage-enjoy. Kase pag nagd-drawing ako, laging may kaakibat sa utak ko na, “Pano ko pagkakakitaan ‘to?” Nakakainis. Hindi nakakatuwa. Ang pangit sa pakiramdam pero hindi ko maalis-alis. Kaya naman naka-relate din ako sa quote na ‘to:
The modern man thinks that everything ought to be done for the sake of something else, and never for its own sake.
— In Praise of Idleness by Bertrand Russell
No regrets but there’s still a lot to do
Ngayon, I’m still in the process of finding a balance. It takes a lot of effort na alisin yung money aspect sa ginagawa ko kasi nga ngayon lang naman ako naging jobless. Pagka-graduate ko, naghanap ako agad ng trabaho at sanay ako na meron akong steady income.
Pero pinili ko ‘to so dapat galingan ko. Galingan hindi lang sa mismong ginagawa ko pero galingan din mag-manage ng mindset at work flow ko.

Mahirap kasi wala akong senior workmate na nasa katabing cubicle lang na matatapik at mapagtatanungan tungkol sa pasikot sikot ng trabaho. Wala akong kilala na pwede kong maka one-on-one para i-evaluate ang performance ko. Kaya talagang umaasa na lang ako sa mga artist vloggers sa YouTube kung paano ba. At sa asawa at sa mga kapatid at kaibigan ko para tingnan nila yung gawa ko kung maganda ba. Kaya hindi mo siguro talaga maaalis sa mga creatives na wag lagyan ng significance yung number of likes sa pinopost nilang drawing/illustration kasi pwedeng yun lang yung basehan nila kung okay ba yung ginagawa nila.
Ayun. Nawala yung mga bagay na hindi ko gusto sa office setting pero napaltan ng bagong challenges. At kung tatanungin ako kung aling difficulties at inconveniences ang pipiliin ko, eto pa rin talaga ang pipiliin ko. I hope maka-adjust na ako at mas maging clear headed. Forever thank you sa asawa ko for the unlimited support. Ang laki masyado ng tiwala sakin. I hope hindi ka madisappoint.
