Categories
Canada Life

January 2 Part 2

Sabi ko na nga ba eh magiging okay-ish na din ako after. Pagkatapos ko dun sa January 2 blog post ko, nanood kami ng Star Wars ni Kenneth pero nakatulugan ko yung The Empire Strikes Back. Isa ako sa konting percentage ng tao na hindi pa napapanood ang Star Wars. So since nakatulog ako kagabi feeling ko yun lang ang gagawin namin ni Kenneth maghapon. Baka matapos namin yung buong franchise ngayon.

Para naman hindi puro depressing stuff ang nandito, eto yung isa sa mga bagay na nillook forward ko. Baka lumipat na kami ng apartment next month. Yahoo. Baka 2-BR yung kunin namin pero titingnan pa sa budget. Halos kapresyo kasi nung apartment namin ngayon pero bagong bago tapos merong in-suite laundry at dishwasher. Tapos yung usual na ref, stove at microwave meron na din. Kaya perfect time na lumipat. At ang pinaka importanteng part, it’s pet friendly!! Excited na ako para kina Cashew and Walnut. Ang struggle lang is mag-disassemble ng mga malalaking furniture. Pero ok lang it’s gonna be worth it. Sana okay talaga dun sa apartment na yun. Kaka-excite hihi.

Kahit mostly okay na ko ulit, may mga stragglers pa din na kailangan kong gawan ng action pero dine-delay ko. Katulad nung portfolio para makapasok ako sa Digital Media Design program. Kelangan kong galingan pero siguro magstart na lang ako after kong umattend nung information session sa January 8. Isa pa eh yung approval ng leave ko sa February. Hindi talaga ko pinayagan kahit unpaid leave. May isa pang option akong ita-try pero pag hindi pa din, magreresign na ko. Kaya dapat ko nang ayusin yung online shop ko para may income pa din or maghanap ako ng online job.

Eto namang mga to eh somehow within my control. Talaga lang na pag nawala ako sa mood or nadepress ako, nawawalan ako ng ganang gumalaw. Kaya kelangan kong mag snap out of my current state at mas maging positive. Maghanap ng inspiration at magisip ng maayos. Kasi kung hindi, para akong hinihigop ng dilim at lungkot and as a result, nawawalan ng pakinabang. Ang grim pero yun talaga ang naffeel ko nowadays. Usually parang tatawanan ko lang or gagawin kong light ang mga bagay bagay pero kelangan ko tong i-address. Akala ko pa naman puro happy thoughts tong post na to pero ito na lang siguro yung one last hurrah ng pagkadepress ko. Feeling ko on the verge na talaga ako sa depression pero kita ko pa naman yung liwanag sa dilim. Haha grabe bakit ganito na kong magsalita. Usually hindi ko ine-entertain yung ganitong thoughts pero baka makatulong pag sinusulat ko. Parang andito ako sa state na nasakin yung decision kung hahayaan ko akong lumubog or magiging malakas ako para labanan yun. And I’d like to think of myself as a strong person. Sobrang madidisappoint ako sa sarili ko pag hahayaan ko to. Madami naman akong dapat ipagpasalamat at may mga tao pa din namang hindi disappointment sa buhay ko. Kelangan mo talagang magfocus sa liwanag o dun sa positive and really try to magnify it. Wag mong hahayaang mag-fade. Okay! I think na-sort out ko na ng maayos ang mga nasa isip ko at alam ko namang equipped ako para labanan ang pangit na parte ng sarili ko. Seryoso muna tayo ngayon.

Categories
Canada Life

January 2

Nakakainis ang lungkot lungkot naman ngayong Christmas season. Gusto ko nang matapos. Nakakalungkot na dati sobrang favorite ko ang December pero ngayon gusto ko syang murahin. Parang lumipas lang yung birthdays namin at Pasko na parang wala lang. Eto dapat yung pinaka masayang month of the year eh. Anyare?

Dumagdag pa yung stress ko sa mga kamaganak ko at yung pressure na magbigay ng magbigay dahil Pasko. Tapos yung paguwi ko nakaka stress na din kasi alam mong may expectation na dapat madaming pasalubong tapos for sure may mga kain pa yan sa labas. Tapos mahihiya naman ako kung hindi ako ang magbabayad. Kasi may mga kamaganak kami sa ibang bansa and every time na uuwi sila noon, yun yung nassense ko sa mga kamaganak ko na dapat sagot nung balikbayan. Hindi nila naiintindihan na posible namang kapusin din kahit nandito sa ibang bansa. So yun ang naiisip ko kahit pauwi pa lang naman ako. Pwede ding ako lang nagiisip nito pero pinapahirapan ko lang talaga ang sarili ko. Nastress na ko agad kahit wala pa ko sa sitwasyon na yun. Eto yung alam kong isang problema sakin na hindi ko naman macontrol. Advance ako masyado magisip.

Isama mo pa yung mga tao na sobrang hindi ko magets bakit kayang kaya nilang mang seen zone after kang may sabihin na malungkot or basta something na kareply reply dapat. Mga insensitive at walang pakealam. Hindi ko talaga kasi yun kaya. Hindi ako ganun kaya masama sa loob ko. Yun yung mga times na gusto ko na lang i-delete yung Messenger ko kasi mga walang kwenta namang mga kachat. Libreng magreply baka nakakalimutan nyo lang. Wag na lang kayong magstart ng conversation kung di nyo naman kayang makipagusap ng matino. Walang pwedeng magsabi na imposibleng gawin yun kasi may isa din akong katulad ko na hindi bastos kachat. Salamat naman at least may isa. Actually parang dalwa. Thank you sa inyong dalwa.

Gustuhin ko mang lumabas ng bahay para kahit papano ba eh may gawin, mas pinili kong magkulong na lang dito sa bahay. Mukang wrong move pala. Dapat pala lumabas kami. Sobrang lamig naman kasi. Nakakatamad lumabas hindi nakakatuwa yung lamig. Napapaisip ako baka talagang hindi kami para dito. Or hirap lang akong tanggapin na ganito talaga dito. Pinili naming pumunta dito. Eh hindi ko naman kasi inexpect na ganito kalamig at magiging ganito kalungkot.

Kala ko pagpunta namin dito mas magkaka financial freedom kami. Parang lalo pa ngang nagiging limitado. To think hindi kami maluho. Damit ko nga paulit ulit eh. Buti na lang wala naman akong pake. Ang importante laba. Hay siguro kung wala kaming pusa mga baliw na kami. Baka kelangan ko na talaga ng psychiatrist. Parang ang unhealthy ng mind ko. Lahat parang either kinakainisan ko or ikakalungkot ko. Minsan yung mga pusa na lang namin ang nakakapagbigay ng comfort sakin. Buti na lang din mas nakakausap ko na si Kenneth parang mas nagkakasundo na kami ngayon.

Sana phase lang to. Hirap na hirap kasi akong humugot ng saya sa mga bagay na meron dito at meron ako ngayon. Lahat na lang naiisip ko yung mga wala. Yung mga taong wala at mga bagay or lugar na wala. Nung kumain kami sa Jollibee ayun ang saya ko non. Tapos magffade na pag lumipas na. Para bang yung scene sa Inside Out na movie. Feeling ko biglang hahawakan ni Sadness yung ball of joy tapos ayun, malungkot na. Parang nung mga nakaraan naman ok ako. Bigla lang nag-Pasko tapos nasira na. Puro masasayang pictures na lang ang nakikita ko. Scroll pa din naman ako ng scroll.

Nakakatawa pagtingin ko sa date, Pasko pa din pala dito. Kala ko December 26 na. Tulog kasi kaming dalwa kanina tapos paggising ko nakita ko 9:00 pero di ko alam kung AM or PM. Inisip ko AM. PM pa lang pala. So Pasko pa. Gusto ko nang mag January 2.

PS:

Most of the time, pag malungkot or galit ang post ko, after kong ilabas dito, gumagaan yung pakiramdam ko kahit papano. Kaya kalimitan, yung feeling ko dito sa post ko at yung feelings ko after kong i-post to, magkaiba na.

Categories
TV

Think Before You Share

Nakatulugan ko yung pagluluto ng adobo. Akala ni Kenneth tapos na yung adobo so nilagay na nya sa ref. Ni hindi ko pa man lang natitikman anong lasa. Sabado ng umaga ngayon tapos Thursday ng gabi ko sya niluto. Hindi pa namin nakakain. Buti adobo.

Medyo mabigat yung loob ko ngayon kasi may napanood akong morbid na docu series sa Netflix. Putangina talaga yun. Nakakabadtrip si Nick kung maka-recommend alam naman nyang magiging sensitive sakin yung palabas na yun. Bastos. Kase exagg na ngayon yung fascination ng mga tao sa mga serial killers. Super bini-binge nila sa Netflix yung mga ganun, tapos may podcasts na din about dun. Hindi ko kaya kasi empath nga ako. Kaya naiinis ako kay Kenneth pag nanonood ng mga ganun kasi pano ka nagiging okay after manood ng mga ganun. Ako kasi hindi ko maalis agad sa isip ko sobrang nakakadisturb yung mga pinaggagawa nila. Tapos naimagine ko yung mga victims. Ugh.

Pero may napulot ako dun sa pinanood ko na yun. Yung particular na murderer na yun, bullying yung parang naging root cause talaga. Si Ted Bundy din ang alam ko nabully eh. Hindi kasi ako nagp-pay attention nung pinapanood ni Kenneth so di ko sure. And may extreme narcissistic behavior sila. And dito yung nagiging isa sa mga problema. Nagffeed sila sa attention na binibigay ng mga tao.

Kaya yung mga tao na akala nila harmless lang yung fascination nila sa mga glorified serial killers, kasi iniisip nila out of curiosity lang naman, gusto lang nilang malaman pano nakaka-get away tong mga to sa simula, and yung iba nabibilib kung gano katalino or pano nila natatakasan yung mga evil ways nila. Akala nila wala silang ginagawang negative pero in some ways kase, eto kasi yung gusto ng killers. Na i-focus sa kanila yung attention ng mga tao kasi narcissists nga sila. So katulad ngayon na nabibigyan sila ng lime light, gustong gusto yun ng mga aspiring serial killers. For sure somewhere out there nagpa-plano na sila pano sila magkaka docu series sa Netflix. Pagalingan na sila nyan para mapansin sila. Oo maganda din naman maging aware ang mga tao kung ano yung nagiging origin or pano sila naging ganun para ma-prevent in a way. Kaso ang exaggerated na lang talaga ngayon kasi ang dami na, sobra, kasi alam nilang bumebenta eh. For me hindi na healthy yung amount.

Kaya yun din yung message nung docu series na yun nung huli. Think before you share. Kasi pag nag-viral sila, accomplishment sa kanila yun. Pero may other side din na pag hindi naman sila mapansin, baka gumawa sila ng mas extreme na bagay para mapansin sila. Ang hirap. Siguro ayusin na lang yung docu series na wag masyadong i-glorify kung gano sila ka-scheming and devious. Kasi dito sa pinanood ko may nagsabi na ang “brilliant” daw nung killer. I-leave out na lang nila yung mga ganung comments. Mas ipakita na lang nila kung gano ka-pathetic and ka-loser tong mga demonyo na to.

Yung iba kasing tao, sobrang nabibilib and naa-amaze sa kanila. Siguro ang dali lang sa kanila na maging ganun kasi hindi nila kakilala yung victim, hindi nila kamaganak or kaibigan. Ang key takeaway nila after manood is, “Ang clever naman nung killer!”, tapos nalilimutan na nila yung victims. Kaya stop na. Wag na natin masyadong tangkilikin yung mga ganyan. Hindi na cool.

 

Categories
Canada Ramblings

Random Thoughts #5

More than a year here in Canada and this conversation still sounds so absurd to me.

AT THE BUS STOP

LOLO: Next week will be warm. Just minus two, minus six (degrees Celsius).

LOLA: Yeah that’s nice.

Diba. Kelan pa naging warm and negative 6 degrees? Satin nga sa Pinas yung 24 nilalamig na ko. Pero kahit ang weird pakinggan, super nag-agree ako kay lolo. Kase nung mga nakaraang araw, -30 degrees. Grabeng lamig. So kung ang forecast next week ay -2 or -6, ang saya. Maakit pala si Kenneth lumabas non.

Ang dami kong naiisip sa bus na gusto kong ikwento sa future self ko pero inaantok na ko ngayon. Makaidlip muna at hindi pa ko pwedeng makatulog nagluluto pa kong adobo.

Categories
Insights

Fear

Crush na crush ko si Daniel Padilla so syempre pinanood ko yung uncut interview nya sa TWBA. Buti tinapos ko kahit ang haba kase ang ganda nung usapan sa huli.

TITO B: Ang natututunan ko, minsan, yung hindi natin alam, excites us.

D: You have to control your fear. Mahirap pag nagpakain ka sa takot. Parang nagpapakain ka na sa dilim. Hindi pwede. Kelangan mo syang i-convert into excitement. Ako kase nilalabanan ko yun. Minsan may mga bagay kang pagsisisihan kase natakot ka eh. So mas magandang talunin mo na. Nag-fail man ako, pero buti ginawa ko.

O diba. Haha. Super helpful kasi nito sakin kasi over thinker ako. Ang OA na minsan. So thank you sa advice ng aking crush haha.

Categories
Canada Family Money Diaries

Busy Friday

Wala kaming pasok ngayon ni Kenneth pero ang busy ng araw na to.

  • Nagpacheckup ako and diniscuss kung anong nangyari dun sa surgery ko nung November 8. Ayos naman daw, mukang natanggal naman ang dapat matanggal. Plus Letrozole. Plus may binayaran kaming $650 (Php 26k) na IVF registration fee. Wala lang yun as in registration lang. Naka-lista lang pangalan mo. Napaka-mahal eh. Non-refundable pa.
  • Pumunta kami sa mall (Polo Park) at namili pa ko ng extra pasalubong. Grabe wala na talaga kaming pera. As in pa-negative na. Hindi ko matiis na hindi bumili kahit wala na talaga kaming budget. Hays.
Snowflakes ๐Ÿ˜
  • Pumunta kami sa isa pang mall (Winnipeg Outlet). Again, pasalubong. Tapos binalik namin yung mugs na binili namin last week. Haha. Ganito kasi yun. May Christmas party sa Dec 25 yung mga Filipino community dito ng mga tito ko. It comprises of mga 8-10 families. Sabi ng tito ko, magbigay daw kami ng something sa bawat pamilya kase ganun daw sila. So kahit alam ko sa utak ko na paubos na nga yung pera namin, na-pressure ako. So nung may nakita kaming mga naka-sale na mugs na $9 (Php 360) each, yun na yung naisip kong ipang regalo sa mga pami-pamilya. So times mo sa 8, $72 din yun! Mug sya na may parang nakabalot na crochet dun sa pinakang body tapos may box of hot chocolate sa ibabaw. Basta ganun, hindi sya basta basta mug. So ayun nga. Binalik namin. Haha. Wala na kong pake kung anong sabihin ng tito ko o nila na wala kaming regalo. Na-pressure and nahiya lang talaga ko nung una. Kasi ang thinking ko kahit noon pa, bakit ka magreregalo kung alam mo namang wala kang budget. Siguro ayaw kong masabihan na kuripot ako kahit totoo namang wala lang talaga kaming extra na pera. Feeling mo kasi na hindi ka papaniwalaan. And totoong kuripot ako pag wala akong pera pero pag meron ang generous ko. Eh ang problema, nagpapaka-generous ako ngayon kahit wala na nga kaming pera. So kelangan kong pigilan ang sarili ko. Kelangan magpaka-practical. Sabi ko nga kay Kenneth, wag na kong regaluhan sa birthday ko. Kahit nasweet-an ako, medyo nainis ako na may binili pa ding regalo. Sumasakit talaga ulo kakaisip ng bayarin namin sa credit card. Umabot na sya ng $1,700 (almost Php 70k) eh uuwi pa kami ng Pilipinas next year. Hays. Hindi kasi ako sanay na may utang kaya hindi ako mapakali. Eto nagsisimula na namang sumakit. Tapos pa, meron akong need na mag-explain sa kanila (sa pamilya ko) na wala akong masyadong pampasalubong. Pwede bang matic na na maisip nila na kaya konti ang pasalubong ko is dahil kulang ang budget namin hindi dahil nagkukuripot ako? Pwede bang yun yung maisip nila? Nasstress talaga ako. Para bang sobrang kelangan kong i-defend yung sarili ko at mag-explain ng todo para mapapaniwala sila. Lalo pa nung sinabihan ako ng tita ko na, “Ang dami nyo na sigurong ipon pampasalubong.” Kahit ba sabihin na pabiro lang yun, nakakadagdag sya sa pressure. Pag sinabi mong, “Wala nga ang daming bayarin.” feeling mo hindi ka pinapaniwalaan. Pano kaya namin babayaran yung $1,700 na yun. Hays.
  • ย Ganun pa man, masaya pa din in general ang araw na to. For some reason, super okay ang bonding namin ni Kenneth ngayon. Na-feel ko ulit na super love na love namin ang isa’t isa tapos tawanan lang kami. 8 years na kasi kaming magkasama so hindi mo makakaila na nag-fade na yung super kilig moments. Pero ngayon bumalik ng konti. Nakatulong din siguro yung pagkain kasi ang sarap nung mga inorder namin. Hehe. Since ang mahal nung bill namin, sabi ko yun na yung birthday celeb ko kahit 2 days to go pa bago ako mag-birthday.
Sayang saya sya sa steak nya
  • After nitong mga to, pagod na kami. Lalo na ko kasi naka-upo lang naman sya tapos ako yung nag-iikot paghahanap ng pasalubong. Paguwi namin ang sakit pa din ng ulo ko so nagpamasahe ako kay Kenneth. Nakatulog ako agad haha. Di na kami nakapag-record ni Nick ng Ketchup Pepisode. Yun talaga ang pinaka-stress reliever ko pag minamasahe ni Kenneth yung ulo ko.
  • Nagising ako ng mga past 12 midnight tapos gising pa din sya. Nanonood sya ng video ng nagluluto ng chicken. Tapos tinatawanan namin si tita kasi nakakatawa yung mga side comments nya habang nagluluto sya. Ayun masaya pa din hanggang sa pagtulog. Sana laging ganito para naman hindi miserable yung buhay namin dito sa Canada. Exaggerated lang yung miserable pero talagang mas masaya kasi sa Pinas.