Sobrang dami kong kwento. Pero limot ko na kung ano ano yun. Magstart ako sa natatandaan ko.
November 6 – Tuesday
Nung isang araw nagpa-wax ako. Feeling ko di ako mahihirapan sa pagpunta dun sa salon kasi one bus lang from work. Little did I knowww… Ganun kasi ako madalas. I-ssearch ko kung pano pumunta, tapos pag andun na ko saka ko i-ssearch kung pano umuwi. So pag search ko ng pauwi, tatlong bus pala ang sasakyan ko š« Three unfamiliar routes. Takot ako kasi baka maiwan ako ng bus tapos hindi ko pa kabisado yung mga bus stops eh ang lamig lamig. Ayokong magpalakad-lakad para maghanap ng bus stop. Feeling ko pag naligaw ako sa ganitong lamig matatagpuan na lang akong frozen to death kung saan.

First time ko na-feel non na naninigas na yung muka ko. Yung kamay ko kahit naka-gloves talagang nagna-numb na. For a split second, naisip ko, parang di ko na kaya at baka bumigay na yung katawan ko. Pine-pep talk ko na lang yung sarili ko tapos pa-talon talon ako para dumaloy yung dugo ko. In short, naligaw ako ng slight. š Kita ko sa Google maps na ang lapit ko na sa bus pero di ko pa din makita yang lintik na bus stop na yan. Alam kong bulok ako sa directions pero hindi ko alam na ganun ako kabulok. So in short ulit, nakita ko na. Tapos 5 minutes pa bago dumating yung bus according sa Navigo. Feeling ko 5 hours yung 5 minutes hay ang lamig talaga. Tapos nung dumating yung bus parang woo! Ang saya! Parang best thing na nangyare sa araw ko yung pagdating ng bus. Habang palapit yung bus naiimagine ko na yung warmth pag pasok ko sa loob. Makakapagrelax na din ako.
November 7 – Wednesday
So after that traumatic experience… OA traumatic. 𤣠Nag “bundle up” ako nitong araw na to. Naks bundle up. Haha. Pero hindi pa din pala sapat! Sabi nung isa kong co-trainee kailangan ko ng mas makapal at mas mahabang jacket so plano ko nang bumili. Fuck tipid muna.
So naisip kong dumaan sa Superstore. Dito nagg-grocery mga tito ko so dito na din ako napunta. Malapit lang pati. Sabi ng tito ko kung kelan daw malamig saka ko naiisipan gumala. Natripan ko kasi na magluto tapos bibili din ako ng mga pambaon sa office para less work na din sa tita ko. Every morning kasi nagluluto sya tapos nadadamay pa ko sa pa-sandwich kasi pinanggagawa nya ng sandwich mga pinsan ko. So parang ang dali dali ng mornings ko kasi okay na lahat. Feeling ko para akong grade school na inaasikaso ng nanay ko.

Nung papunta kong Superstore, may mga areas na ang daming snow. Imbis na dun ako dumaan sa clear na road, dun ako sa may snow tumatapak. Tapos nabano ako nung lumubog yung sapatos ko sa snow. Parang feel na feel ko ba masyado. š May mga roads na parang may film lang ng snow na nakapatong so ang dulas. Ilang beses na ko muntik madulas kaya ang bagal ko maglakad. Kailangan ko ata ng parang spikes na nilalagay sa ilalim ng boots. Parang nabanggit ata yun ng tita ko sakin. One of these days.

Mga cool stuff (at least for me) na nakita ko habang naliligaw sa aisles ng Superstore:


Pinipigilan ko yung sarili ko na mag-explore masyado kasi baka dumami yung mabili ko, mabibigatan ako pagbibitbit. So parang ni-rush ko lang yung pagg-grocery ko tas umalis na ko.
November 8 – Thursday
Wala na ko masyado matandaan kasi Saturday na ngayon. Pero ang tanda ko sumama ko sa mga tito ko kasi papunta silang KP (Kildonan Place – nearby mall). Balak ko na kasi sundin yung advice ni Shanshan (officemate) na bumili ng mas makapal na jacket for fall.

Ang mahal! Hays. Buti na lang pay day na bukas. Tas bumili din ako ng kumodigan (coined it). Para kasi syang hybrid ng kumot at cardigan. Basta nakita ko lang din sya na parang magiging useful once tapos na kami sa training.
November 9 – Friday
PAY DAY! Ang saya saya saya ko! Kasi first time kong sumweldo ng ganun kalaki. Siguro sa iba hindi malaki pero sakin nalalakihan na ko. Hihihi. Kung icocompare ko sya sa dati kong work, yung 2 weeks na sinweldo ko dito is equivalent sa 1.5 month na sweldo ko sa Pinas. Natuwa talaga ako ng very hard. Excited na ko sa next pay day.
So ang una kong ginawa, nagpadala ako sa Mama at Papa ng konti kasi kakatapos lang ng anniversary nila. So gift ko yun. Tapos may dinner treat ako dito sa mga tito ko. Sabi nung tita ko nung minsan, “Ano san tayo sa sweldo mo?” Tas sabi ko, “Name it!” Hahaha! Kayayabang. Tapos sabi nung tito ko magkano daw ang budget. Sabi ko, “Sky is the limit!” Wahaha! Pero seryoso ako. Ngayon lang naman. One-time limited offer kasi first sweldo. Sa mga susunod coupons na. š
