You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
Two weeks na ko dito sa Pilipinas at kakagaling ko lang sa sakit. Wala pa ko sa isang daang porsyentong lakas kasi medyo punga pa rin ako at may konting sakit ng ulo. Hindi pa rin maayos ang tulog ko. Nagigising pa rin ako ng 2AM then hindi na ko makakatulog ulit. Pati sa pagta-type ngayon hirapan ako kasi na-sprain ko yung daliri ko.
Halos kakagising ko lang at dito ako natulog sa in-laws ko. Everytime umuuwi ako na hindi ko kasama si Kenneth, I make sure na matulog dito ng ilang nights to spend time with my in-laws. Looking forward ako lagi na mag-stay dito kasi dito ako nakakabawi ng tulog. Parang ito ang aking mini spa retreat after ng mga sunod-sunod na activities with my family.
1.
Nung hinahatid pa lang ako ni Kenneth papunta sa airport, di ko talaga maramdaman yung excitement paguwi. Umiyak pa nga ako sa byahe. Hirapan pa rin akong i-accept na hindi ko makikita ang Mommy pagdating ko.
Kaming mga nasa abroad, halos sabay-sabay yung flight namin pauwi kaya medyo kagulo sa family group chat tungkol sa updates kung nasan na kami. At the same time, merong lungkot, kasi na-iimagine namin ang Mommy na nakikigulo sa sobrang excitement. Ito yung pinakahihintay nya. Na makumpleto ang mga anak nya. Pero hindi na nya naabutan.
Merong nag-message sa group chat ng, “Mommy andito na sila 😢” at “Ito ang matagal nang inaantay ng Mommy.” Hays lalo na kong naiyak.

2.
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.





