Categories
Happy Things Hobbies Life Secrets

Happy Things #29

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Feeling Pro

First time kong makagamit ng stand mixer nung nag-bake ako sa bahay ng friend namin (Hello Aryan and Hudas!) Ang saya pala talaga nyang gamitin! As in konting seconds lang combined na lahat ng ingredients. Walang kapagod-pagod. Sobrang bano ko. Noon, ang tingin ko sa stand mixer ay pang-pro levelzz lang. Napapanood ko lang yun sa mga experienced bakers. Pero nung nakita ko sya sa bahay ng friend namin, at ginamit ko sya pang-bake ng revel bars, napaka-smooth and convenient pala talaga!

Nung una nga na-intimidate pa kong gamitin. Plano ko na talaga na i-mix lang yung dough using a spatula. Pero sa sobrang thick nung mixture, sumuko na ko. Sinubukan ko na yung stand mixer kahit hindi naman ako marunong mag-operate ng ganun. Pero siguro sa dinami-rami ng napanood kong baking videos sa buhay ko, na-figure out ko sya agad. Na-amaze din ako sa sarili ko kasi alam ko kung pano i-tilt yung head, kung pano i-detach yung mixing bowl sa base, kung pano yung pag-push and turn to remove the beater—all in one try. I was practically a natural at it. Meant to be talaga kami! Haha! Kaya naman sa isip-isip ko, “Gusto ko nitoooo!” And that’s what I got for my birthday!!

Hindi ko pa naman birthday pero in-advance ko na hehe. At buti na lang merong 12 months to pay, 0% interest sa Amazon (may kamahalan din baga). Sa sobrang excitement ko, chinat ko si Aryan para i-share ang good news. And her response made me cryyy…

I Love My Friends

This is my second happy thing. Literal na naiyak talaga ko sa reply ni Aryan:

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Happy Things Life TV

Happy Things #25 | Healthy Cats + Anime Binge + Nokia 3310

Walnut’s okay!

Walnut’s health scare is over! Feeling ko hindi naman talaga sya na-poison nung lily kasi naisuka nya naman agad, pero sabi pa rin nung vet, kelangan syang i-monitor for 72 hours to make sure hindi tinamaan yung kidney. Thankfully, normal yung apat nyang blood tests and she’s in the clear. Ang nakakaasar lang ay yung pilay nya caused by the nurses nung tina-try nilang i-restrain si Walnut para kunan ng dugo. Ka-badtrip. Accountable naman sila ang they will cover all expenses related to her limp (dapat lang!), pero nakakainis pa din. I think nag-iimprove naman yung pilay nya and aside from that, she’s healthy and well and back to her old self.

Categories
Happy Things

Happy Things #24 | Diaz Mansion Edition

Noodz

Displaying this Janice Sung print in the kitchen, where people can actually see it. Nasa kwarto lang kasi namin ‘to dati. This was the first thing I hung on our wall and I really love it. Also received some compliments about it which confirmed it was a good decision.

Categories
Life Secrets

Life Updates | Diaz Mansion + Pause Button + Joy to the World

You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

1.

We’re finally out of the Airbnb and settling into our new home. Kahit medyo matindi pa yung amoy ng pintura the first few days at wala kaming kagamit-gamit, being here brought us comfort. It immediately felt like home 😌 Dati hindi ko pa ina-acknowledge yung notion of buying a house. After reading some articles about renting vs buying, sabi ko kay Kenneth noon mag-rent na lang kami forever. Mas nakikita ko yung bahay as a liability, rather than an investment. Pero nung na-sense ko kay Kenneth na gusto nya talaga, I welcomed the idea. At ngayong tumitira na kami dito, I’m thankful for Kenneth’s insistence. Sobrang excited namin about anything house related. Every new thing na nadadagdag sa bahay, big or small, nakakakilig.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Canada Life

New Diaz’s Mansion

Parang hindi ko pala nakwento kung gano namin na-appreciate ‘tong bagong apartment namin. Nasa ‘washroom’ kasi ako kanina (hindi uso dito sa kanila ang CR) tapos maghuhugas ako ng kamay so binuksan ko yung gripo at bigla kong naalala na dun sa luma naming apartment, mga dalwa o tatlong beses sa isang buwan, ay madilaw yung tubig. Lumang luma na kasi yung apartment na yun. Kaya kalawangin na siguro yung mga tubo. Kaya hindi kami makaligo agad minsan kasi aantayin pa naming luminaw yung tubig.

Ano? Sa Canada naninilaw ang tubig?? Oo. Hindi ko din inexpect. Akala ko dito sa Canada hindi problema ang kalinisan ng tubig. Madami pa akong nadiscover na salungat sa ine-expect ko nung lumipat kami dito sa Canada. Napataas ata masyado ang expectations ko.

Pero dito sa bagong apartment, since last year lang ito itinayo, tapos pangalwa pa lang kaming tenant dito sa unit na to, almost brand new lahat. Kaya love na love namin ‘tong bagong apartment namin. Kaya naman medyo napapasipag ako ng kauntian para ma-maintain yung kagandahan. Pareho pa naman kaming tamad ni Kenneth. Pero kahit sya medyo sumipag.

  • No more sketchy people

So bukod sa tubig, neighbors. Nakwento ko na before pero again, sketchy yung mga neighbors dun sa dating apartment. Yung landlord na mismo ang nagsabi. Dito hindi kami nawawalan ng package. Mas matitino ang tenants dito.

  • Location

Katapat namin ang No Frills (grocery store), Shell, Starbucks, Dollarama (mga stuff na mura sa standards nila dito), Pizza Hut, may pet store, KFC, A&W (famous burger chain dito) at tsaka may isa pang kainan na burrito ata yung tinda. Yung No Frills pa lang ok na ok na. Sobrang walking distance lang. Pero for sure pag winter na kahit gano pa kalapit yan hindi ko gugustuhing maglakad papunta dun.

Yung yellow yung grocery store
  • Parking

Sa basement yung parking namin kaya kahit mag-snow, hindi na mahihirapan si Kenneth magpa-init ng sasakyan o magtanggal ng tumigas na snow sa ibabaw ng sasakyan. Less hassle.

Mas malaking office space
  • Appliance

In short, yung convenience. Sobrang sobrang convenient dito sa bago naming apartment. Yung kahit mas mahal ang binabayaran namin dito, parang sulit na sulit. Siguro madami pa pero ang last ko na lang naiisip ay yung dishwasher. Since pareho nga kaming tamad, hate na hate namin magdayag (maghugas). Eh since may eczema ako, si Kenneth ang designated dishwasher. Pero nung lumipat kami dito, may dishwasher nang kasama. Kaya ang ginhawa. Parang hindi na namin alam ang buhay ng walang dishwasher. Mawala na yung microwave wag lang yung dishwasher.

Kenneth’s savior
Another major plus, sariling washing machine at dryer. Hello Cashew 😘

Orayt yun lang. We love you new apartment. Kahit si Cashew at Walnut (mga pusa namin) sure kami na mas gusto nila dito.

Videos for cats pag malikot sila