You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
1.
My cooking enthusiasm continues! Tuwang tuwa ako sa pagluluto ko recently. Ang dami nya kasing benefits:
- hindi nasasayang yung mga binili naming gulay
- nakakatipid kami at nasusunod ang food budget namin
- homecooked meals are healthier
- happy si Kenneth na laging may food tuwing lunch break nya
- I feel somewhat creative pag mino-modify ko yung mga recipes na nakikita ko

Happy ako sa discovery ko na ‘to kasi ang dali lang pala gumawa ng fruit jam! Kala ko kelangan pa ng heat at pakulo, pero may simple version pala. Few months ago, bumili ako ng blackberries at na-disappoint ako kasi ang asim. Yun din yung nangyari sa blueberries na binili namin last month. Hindi matamis. Hindi ko titiisin na kainin yung mga yun kasi bukod sa hindi enjoyable, magkaka-heartburn lang ako sa asim, so nilagay ko na lang sila sa freezer. Gagawin ko na lang silang smoothies in the future para hindi masayang. Kaso hindi nangyari kasi nawala na yung hilig ko sa smoothies. Kaya ang perfect na nakita ko yung simple jam recipe na yun. Nagkaron ako ng idea kung pano i-consume yung sour frozen fruits. Na-counter nung honey yung asim kaya palatable na sya for me.


Since puro karne kami last time, naisipan kong lutuin naman yung salmon. Simpleng bake lang with garlic butter. I partnered it with quinoa and veggies para ma-utilize ko yung zucchini at bellpeppers. Gusto ko lang ng konting crunch kaya nilagyan ko ng potato chips on the side.

Eto mainit-init pa. Kakaluto ko lang kanina. Tofu at eggplant lang talaga yung nasa recipe pero since meron kaming tirang isang slice ng pork belly, isinama ko na. Happy ako dito kasi nagamit ko dito yung kamatis at talong.
2.
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.








