Categories
French Ramblings

My Morning + Favorite Food | I Try to Blog in French #8

Bonjour à tous! It’s been a long time que je n’ai pas écrit en français ici. Je mange un sandwich au poulet et des frites from Popeyes (mon plat préféré). J’ai aussi commandé ma boisson préférée from Happy Lemon. Pendant manger, je regarde des cours de français sur YouTube.

Hello everyone! It’s been a long time since I wrote in French here. I’m eating a chicken sandwich and french fries from Popeyes (my favorite food). I also ordered my favorite drink from Happy Lemon. While eating, I’m watching French lessons on YouTube.

Categories
Ramblings

Note to Self: Read This When You Have PMS

Eto nanaman ang hormones. Basta ang bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko. Iniisip ko kung si Kenneth ba ang dahilan o overly sensitive lang ako. Or both. Tas pagtingin ko sa period tracker ko, 7 days na lang magkakaron na ko. Ughhh. Ang pangit sa pakiramdam. Naiisip ko nanaman na sana naging lalake na lang ako para wala na ng mga ganitong PMS shit. Kelangan ko ng serotonin boost.

Nag-Google ako at eto daw yung mga nakaka-increase ng serotonin:

  • Nuts, salmon, cheese, eggs, tofu, probiotics
  • Sunlight exposure or Vitamin D supplement
  • Physical activity
  • Massage

Maliligo na ko para maabutan ko ang before 10AM sun. Sana effective.

UPDATE: Inunahan ako ni Kenneth sa CR kasi kailangan na daw nyang umalis. Grr lalong kumulo ang dugo ko. Hindi pa kasi nag-CR kanina inuuna pa ang laro. Nawalan na ko ng ganang lumabas.

Categories
Ramblings

Fake Twitter #6

I am overstimulated. Di ko alam ang gagawin. Di ko alam ang uunahin. Umidlip kaya muna ako.

Categories
Life Ramblings

Bawal Magtanong

Nasungitan ako ng isang artist na ina-admire ko. Yung halos everyday ko pinapanood yung YT videos nya (sometimes I watch her videos multiple times because I find so much value in it), nag-join ako sa Patreon nya, nag-eengage ako sa IG posts nya, basta support kung suport. Tapos nag-message lang ako sa kanya asking a harmless and pa-cute question with paawa eyes emoji, ang dami na nyang nasabi. Defensive mode agad at wag na daw ako mag-message sa kanya sa IG about Patreon concerns. Luh. Anyare. At ang labo kasi super promote nga sya ng Patreon nya sa IG nya. So san ako magme-message? Eh nag-try nga ako mag-message sa Patreon nya before, di rin naman sya nagrereply dun. Tss.

Categories
Ramblings

Fake Twitter #5

Eto na ata ang pangatlong beses na nabulukan ako ng avocado. Siguro time na para tanggapin ko na hindi talaga ko magiging mahilig sa avocado na madalas kong nakikita sa mga healthy salad at sandwiches sa IG feed ko. Hindi na ko magpapa-influence sa inyo fit influencers.

Categories
Ramblings

Fake Twitter #4 (Edited)

Nagkaron ako ngayon at na-relieve ako. Patanda ako ng patanda, paayaw na paayaw kong maging nanay. Okay na ko sa ate at tita roles.

Naka-private yung uncut version.

Categories
Life Ramblings

Napansin Ko Lang…

  1. Na parang hindi na ko madaldal sa stories ko. Di na ko masyadong ma-caption. Phase lang ba ‘to o nagbago na ko? Hindi naman ako malungkot, nasa mood naman ako. Bakit kaya?
  2. Na ang takaw ko.
  3. Na nababawasan na yung pagka-involve ko sa drama ng ibang tao. Legit man o hindi legit yung drama. Which is nagugustuhan ko kasi masyadong affected ako dati to the point na nagiging overbearing na sa mental load ko. Na nalilimutan kong hindi ko nga pala yun problema. Inaangkin ko masyado. Ngayon, pakiramdam ko, sakto lang yung involvement ko. Ibig kong sabihin, nakakapagbigay pa din ako ng solicited advice, magaling pa din ang listening skills ko, pero hindi ko na dinadala yung worries hanggang maghapon or kinabukasan.
  4. Na hindi na masyadong maingay ang utak ko. Hindi na sya naliligaw masyado at kung saan saan napupunta.
  5. Na nahihirapan akong makaisip ng pang-lima para makumpleto ‘tong post ko. Gusto ko lang na lima sana. Ah. Napansin ko lang na hindi na ko tambay ng TikTok. Sa IG, diretso ako agad sa account na gusto kong tingnan. Di na ko nags-scroll kasi naman padami na ng padami yung ads at sponsored posts.
Categories
Ramblings

Fake Twitter #3

Ang dami kong gustong bilhin pero pigil na pigil ako. Worth $50 (Php 2,000) yung gusto ko pero kailangan kong magpigil. Apat na notebooks at limang pens yung $50. Hindi naman sya importante kaya nagpipigil ako. Pero GUSTO KO TALAGA!! Ughhh.

UPDATE: I did it 💸

Categories
Insights Ramblings

Bano

May pinapakinggan akong podcast at minention nung guest (artist sya) yung importance of keeping a sense of wonder. Dinescribe nya yung point sa buhay nya na umay na sya sa pagka-umay everytime kelangan nyang mag-grocery or mag-car wash siguro. Yung mga menial tasks. Mga should-haves natin sa buhay.

Categories
Ramblings

Fake Twitter #2

Watching an IG live and she said: “I’m in my 30s and I’m finally becoming who I wanted to be!” I resonated with that 🤍