Categories
Ramblings

Balahibong Pusa

Since mahilig kami sa mga fluffy cats, sobrang daming fur everywhere. Kaya din kami bumili ng air purifier para mabawasan kahit konti. At since sobrang daming fur everywhere at mahilig silang sumampa sa table lalo na pag kumakain kami, napupunta ang fur nila sa pagkain namin. Minsan makikita ko may isang balahibo dun sa isusubo ko.

Kaya ko naisip banggitin dito kasi natawa ako nung sinabi ko kay Kenneth na β€œPag may nakikita akong balahibo sa pagkain ko pinapabayaan ko na kinakain ko na rin” tapos ang sagot nya β€œAko din.” Haha nung una kasi tinatanggal ko pa. Tapos nasanay at naumay na ko.

In conclusion, mas mabuti nang kumain ng balahibo ng pusa, wag lang buhok ng tao. Goodnight.

😻😻😻

Categories
Ramblings

Coincidence

Share ko lang dahil nacool-an lang ako ng very slight.

Two people named Bea DMed me on Instagram almost at the same time (as in few seconds lang yung interval) thanking me.

The first Bea thanked me for sending her resources because she’s also interested in art and graphic design then the second Bea thanked me for sending them a free box of Hello Fresh.

La lang yun lang πŸ˜„

Categories
Canada Ramblings

Random Thoughts #5

More than a year here in Canada and this conversation still sounds so absurd to me.

AT THE BUS STOP

LOLO: Next week will be warm. Just minus two, minus six (degrees Celsius).

LOLA: Yeah that’s nice.

Diba. Kelan pa naging warm and negative 6 degrees? Satin nga sa Pinas yung 24 nilalamig na ko. Pero kahit ang weird pakinggan, super nag-agree ako kay lolo. Kase nung mga nakaraang araw, -30 degrees. Grabeng lamig. So kung ang forecast next week ay -2 or -6, ang saya. Maakit pala si Kenneth lumabas non.

Ang dami kong naiisip sa bus na gusto kong ikwento sa future self ko pero inaantok na ko ngayon. Makaidlip muna at hindi pa ko pwedeng makatulog nagluluto pa kong adobo.

Categories
Canada Insights Life Ramblings

Fleeting Dreams

ELEMENTARY

Nung elementary ako (specifically nung grade 5 and 6) ang wish ko lang ay:

  • Maging kasing cool ni Jolina Magdangal

Sobrang idol ko non si Jolina ginagaya ko yung hairstyle at fashion nya.

  • Palaguin ang stationery collection ko

Sobrang uso noon samin ang mga stationery. Pagandahan ng stationery tapos susulatan mo yung mga kaibigan mo. Kahit noon ang hilig ko na talaga sa mga paper goods. Kaya nung nadiscover ko yung Papemelroti ang saya saya ko.

  • Magka-menstruation

Inis na inis ako non. Kelan ba ko magkaka-menstruation?! Yung mga kaklase ko meron na. Kumbaga sa millennials ngayon: major fomo. Haha. Cool ka pag nagka-period ka na. Eh wala late bloomer ako. First year highschool na ata ako nagkaron.

  • Gusto ko lang laging tumambay sa bahay ng bestfriend ko na si May at magkwentuhan tungkol sa mga crush namin sa school at mga crush naming boyband

Ang crush ko noon si Justin Timberlake at si Ben ng A1. Ayoko pang maging highschool nung mga time na yun kasi magkakahiwalay kami ng bestfriend ko. Sa ibang school kasi sya papasok. Pag nagtatanungan kaming mga classmates kung saan papasok ng highschool, iba ibang school yung sinasabi nila. Hindi dun sa school na papasukan ko. So pagdating ng highschool wala akong kakilala.

HIGHSCHOOL

Nung highschool ako, ang wish ko lang ay:

  • Tanggalin yung curfew ko at payagan akong mag-inom ng mga magulang ko

Gusto kong tumambay kasama ang barkada ko na hindi ako kukulitin ng Mama na umuwi na. Gusto ko ng madaming adventures nung highschool kaso nga, lagi akong papauwiin ng maaga.

  • Bukod sa pagtambay with friends, ang gusto ko lang non ay mabili ko yung mga gusto kong libro sa National Book Store

May time na since wala akong pambili, tatambay ako sa NBS tapos dun ko babasahin yung libro. Kaso hindi ko naman yun matatapos so nabibitin ako pagbabasa.

So may internal monologue na nangyayari sa isip ko, “Pag ako may trabaho na, bibilhin ko to, at ito, at ito. Lahat ng librong gusto ko.” Fast forward na may trabaho na ako at hindi pa uso ang e-books, ang kuripot ko pa din bumili ng libro. So sa Booksale ako madalas pumupunta.

Jackpot

Hahaha

  • Gustong gusto kong magka digital camera

Kaya nung niregaluhan ako ng tito ko na nasa UK ng pambili ng digi cam, tuwang tuwa ako. Mahilig kasi akong magpicture ng kahit ano. Yung patay na butiki sa tagiliran ng SM, yung mga kinakalawang na barbwire dun sa damuhan ng isang subdivision, scotch tape, mga sinampay, every single inuman documented, tapos syempre sarili ko. Ang emo ko pa naman dati so very dramatic yung mga shots ko.

Ngayon hindi na ko ganun kahilig magpicture ng very random na mga bagay. Namiss ko yung old self ko na yun. Ngayon parang laging Instagrammable dapat. Kaya siguro ang hilig kong mag-reminisce. Naaalala ko yung mga traits ko noon na gusto kong ibalik at gusto kong dalhin hanggang pagtanda ko.

My 1st digital camera. Wala pang IG ng panahon na to pero may pa-flat lay tayo.

The patay na butiki sa tagiliran ng SM. Not a joke.

How poetic 😁

  • Gusto kong maging rockstar

No explanation needed.

Kilig ako dito kasi nameet ko yung crush ko na bassist ng Hilera

COLLEGE

Nung college ako, ang wish ko lang ay ganun din:

  • Tanggalin yung curfew ko at payagan akong mag-inom at umuwi ng madaling araw

Inggit na inggit ako sa mga kaklase ko na pinapayagan silang uminom at abutin ng madaling araw paguwi. Sinasabihan ako ng mga kaibigan ko na ang tanda ko na daw, bakit hindi pa din ako pinapayagan uminom? Asa pa naman na payagan ako. So lagi na lang sikreto.

Inuman sa gutter while stargazing

  • Magpabutas sa kilay katulad nung kay Amy Lee ng Evanescence

Hindi ko to nagawa. Gawin ko kaya ngayon?

  • Ang isa pa pala, gusto kong payagan na akong magboyfriend

Ayaw naman ng Papa. Tandang tanda ko yung laging dialogue ng Papa na, “Pagka graduate mo, pagbabang pagbaba mo ng stage, kahit mag-asawa ka na agad.” Basta wag lang daw habang nagaaral. So ayun, lagi ulit sikreto.

Pero kahit naman bawal uminom, bawal abutin ng madaling araw at bawal magboyfriend, ginawa ko pa din yun lahat. Kaya sobrang sakit ng ulo nila sakin. As in sobra. Dalwang beses akong lumayas sa bahay. Yung isa pala ako na yung pinalayas.

Okay ang grades ko sa school, naging scholar pa nga ako at one point. Yun ang pang-bargain ko sa kanila. Pero pag inabutan ako ng galit ng Papa ko, sasabihin sakin na, “Hindi ko kailangan ng matalinong anak! Ang gusto ko ay sumusunod!”

  • Magkaron ng sariling piano

Yung piano kasi nasa bahay ng lola ko. Pwede naman akong magpractice dun kaso, yung pinsan ko na baby pa at that time, naiistorbo ang pagtulog pag nagpa-piano ako. So pagsasabihan ako ng tita ko na hinaan ang pagtugtog. Ang hirap naman ng ganun. So medyo nawalan na ko ng gana.

Internal monologue: “Pag ako nagkabahay, bibili ako ng piano. Hindi pwedeng walang piano.”

  • Mas dumami yung wish ko nung college. Wish ko din non na tumira ako sa Maynila.

Lagi akong nagd-daydream na makatira ako sa Maynila. Tapos naiimagine ko na ang ganda ng kwarto ko, hindi makalat. Tapos nakaupo ako sa may bintana habang nagbabasa ng libro or nanonood ng tv series tapos umuulan sa labas. Sobrang comforting nung thought na yun sakin. Parang hot chocolate na may mini marshmallows. Mahilig din kasi akong magbasa ng teen magazine non. Dun ko napipicture yung Manila life kasi nakikita ko dun yung mga featured nilang hangout spots, mga restaurants na wala sa probinsya namin, mga magagandang malls, etc. Parang ang saya sayang tumira sa Manila based dun sa mga magazines na yun.

Internal monologue ko nung college: “Gusto ko nang magsolo sa bahay. Yung walang magsasabi sakin kung anong oras ako dapat umuwi. Yung hindi puro na lang bawal lahat. Pag yun na-achieve ko, sobrang saya ko na. Parang wala na kong hihilingin pa.”

My old room

Fast forward na nakatira na ko sa Maynila, na-experience ko na yung mga hangout spots. Natikman ko na yung cookie sa Brother’s Burger na based dun sa teen magazine na nabasa ko, the best cookie daw. Ginupit ko pa yun dun sa magazine tapos dinikit ko sa dingding ng kwarto ko. Na-experience ko nang mag-solo sa apartment habang nagbabasa at umuulan sa labas. Ang sarap talaga. Hanggang ngayon isa pa din yun sa mga favorite kong mangyare. Pero hindi totoo yung, “Wala na kong hihilingin pa.” Ang babaw lang talaga ng mga gusto ko noon.

Spot the cookie article

AFTER COLLEGE

Nung nagtatrabaho na ko (sa Pilipinas muna), ang wish ko lang ay:

  • Mabili yung mga gadgets na gusto kong bilhin

Gusto ko nung bagong iPhone, iPad, Macbook Pro. Gusto ko nung Fuji na mirrorless camera.

As of now, meron na ako ng mga ito kaya masaya naman ako. Pero yung saya or yung high, ang bilis lang. Since na-fulfill ko na yung karamihan sa wishlist ko, parang nababawasan na yung spark or yung spice sa buhay. Basta yung parang something na meron kang dine-desire at looking forward ka dun sa araw na mangyayari yun. Pag nawala yun, parang ang meaningless ng buhay. Kailangan ko ng panibagong wishlist and not necessarily materyal na bagay. Dadamihan ko pa para mas masaya.

Internal monologue: “Parang ang hirap maging billionaire katulad ni Kylie Jenner. Kasi pag dumating sa point na madali na lang sakin bumili ng kahit anong gusto ko, parang ang boring na. Kaya tamang millionaire na lang. ASA.”

  • Magsugal everyday

Mga nanghihingi ng balato 🀣 Hindi pa kami ni Kenneth dito haha.

Sobrang adik ko sa Texas Hold’em at pusoy dati. Nung nasa Maynila na, level up na. Casino na. Nagkaron pa ng time na pumupunta ko sa casino mag-isa. Buti ngayon tapos na yung phase ko na yun.

  • Ma-try yung mga restaurants na magaganda ang reviews

Nagkaron ng time na every week kami sa Ramen Nagi. Sobrang dami naming nakainan na masasarap. Di ko na ma-mention lahat basta ang dami at ang sarap. Ang daming choices. Nakaka-miss kumain ng masarap.

  • Makapag-travel every year sa iba ibang lugar

Ang saya na na-experience ko ang Japan, Singapore, Korea, Taiwan at Hong Kong + Macau. Hindi ganun kalaki ang sweldo namin sa Pilipinas pero nakakaipon at nakakatravel kami. Pero ngayong nasa Canada na at lumaki-laki na ang sweldo, anyare?

  • Ma-approve yung application namin sa Canada

Internal monologue: “Pag ako nakatira na sa Canada, hindi siguro ako mabobore dun. Ang dami sigurong pwedeng mapuntahan tapos ang sasarap ng pagkain. Mabibili ko na siguro lahat ng gusto kong bilhin tapos ibibili ko ang Mama nung branded na bag na gusto nya tapos ang Papa ibibili ko ng iPad. Makaka-travel kami kung san namin gusto. Tapos pag nasa Canada na kami wala na dun yung mga toxic na tao. Madali na rin akong makaka-attend ng mga concerts (hindi pa ko nakaka-attend ng concert hanggang ngayon). Last but not the least, siguradong safe dun (naholdap kasi ako sa Makati). Magkakaron na ako ng peace of mind.”

Pero ngayong nasa Canada na kami… ewan.

CANADA

Nung nagtatrabaho na ko dito sa Canada, ang wish ko lang ay:

  • Makauwi

Gusto ko nang magbakasyon sa Pilipinas. Hindi ko alam kung gusto ko bang bumalik na lang sa Pilipinas at iwanan na tong Canada or baka phase lang to. Hindi ko pa din alam. Pag namimiss ko ang Pilipinas, nalilimutan ko yung mga ayaw ko sa kanya. Yung traffic, yung paranoia na baka maholdap na naman ako, yung sweldo na maliit, yung mga nakakatakot na lindol, mga toxic officemates, yung masikip naming apartment, yan mga naiisip ko off the top of my head. Pag namimiss ko ang Pilipinas, ang naiisip ko mostly ay yung mga magagandang parts. Makakasama ko na ulit ang pamilya at mga kaibigan ko, makakakain na ko ng masarap, may lasa na ang hipon at kasag, walang madulas na snow, walang nakakamatay na weather, magkakaron na ulit kami ng nightlife, hindi ko na poproblemahin kung pano makipag-small talk sa mga puti, yung mga chismisan namin ng mga officemates ko, family and friends ko ulit. Ang hirap talaga ma-kuntento.

  • Makapag-resign sa boring kong trabaho at maging freelance artist na may sustainable na income

Gusto ko yung ganito. Nasa loob lang ako ng bahay, freelancer. Hawak ko ang oras ko. Pag low batt na yung iPad, magpapahinga muna ako sa pagddrawing at manonood ng tv series. Kaso nga, hindi stable ang income. Baka hindi kami mabuhay dito sa Canada.

  • Maka-move sa ibang province or sa Australia

Hindi talaga ako ganun kasaya dito sa Winnipeg. Minsan iniisip ko baka dahil homesick lang ako pero parang hindi talaga. Gusto kong mag-try sa ibang lugar. Baka mas dun ko mahanap yung balance. Ang layo kasi masyado ng Canada sa Pilipinas. Kaya iniisip kong mag-move kaya kami sa Australia? Yun ang gusto kong ma-figure out. Hindi naman ako naghahanap ng perfect na lugar, gusto ko lang na mas madami yung positives kesa sa negatives. Dito kasi parang ang dami kong hindi gusto. Sana mahanap ko yun.


So ayun. From Jolina-loving-gusto-ko-nang-magsolo-at-maging-independent to I-feel-miserable-buy-me-a-one-way-ticket-to-Pinas. Nakakatawa lang ang buhay. Dati gustong gusto kong makawala pero ngayon gusto ko nang makabalik. Kung may nagbabasa ng blog ko, i-message nyo nga ako. Do you feel me? Sabagay. Ang boring naman kung laging masaya.

Categories
Ramblings

First Day of Anatomy Class

Kanina, nagd-daydream na naman ako about school days. Nung elementary, highschool tapos nung college. Yung mga highlights ng student days ko. Naalala ko nung first week ng college, nakapaskil sa bulletin board yung mga top 10 sa college entrance exam per subject. Basta tanda ko may English & Math tapos baka yung iba IQ and Logic. Basta almost lahat dun sa subject na yun andun yung pangalan ko tapos nasa top 5. Tapos ako non syempre ang yabang ko deep inside pero kunwari too cool to care ako. Haha. Pero pag dating ko sa bahay binida ko na agad sa mga Mama tapos ang Kuya, 2nd year college sya non, nakita din pala nya yung bulletin board. Tapos sinasabi nya daw sa mga kaklase nya, “Kapatid ko yan!” Ngayon nasasayangan ako dapat pala pinicturan ko yung bulletin board πŸ˜„ Kase yung mga top students nung highschool nataasan ko pa sa ibang subjects dun sa college na entrance exam. Eh wala naman ako sa top nung highschool kase di ako masipag magaral. May pagka-trouble maker ako non kaya nagulat siguro sila na napasama ako dun sa top. Muntik pa kong masuspend nung highschool kase nagdala ako ng baraha sa school tapos tinuruan kong magsugal yung mga seatmates ko. Nahuli kame tapos nakita nung teacher yung mga perang pusta. “Kaninong baraha yan?” Eh since catholic school super against sila sa any type ng gambling kaya ayun. Example lang yun mababaw pa lang yun.

Back to first few weeks ng college. Parang first day namin sa Anatomy class non. Tapos isa yun sa mga kinakatakutan na subjects ng nursing students; kasama na ko dun. So first dayΒ  non so medyo basic pa yung discussion. Nagtanong yung professor sa class kung sang intestine daw naa-absorb ang nutrients, kung sa small daw or sa large intestine. Sa isip ko, very basic yung tanong kasi napag-aralan na to nung elementary pero naririnig ko yung mga kaklase ko ang sabi “Laaaarge!”. Sabi ko “Smaaaall.” pero medyo mahina lang pero loud enough para marinig nung prof. So since hindi unanimous ang sagot namin, pinataas nung prof kung sino daw ang in favor sa large intestine. Lahat sila halos tumaas. For a split second, nag-doubt ako baka mali ang stock knowledge ko. Tapos pinataas na kung sino ang sa small intestine so tumaas ako ng kamay eh di tinginan sila kase ako lang ang tumaas. Yung iba pa ang sama ng tingin. Sure na sure siguro sila sa sagot nila. Kung alam ko lang na papatayuin ako para i-explain yung sagot ko, hindi na sana ko tumaas ng kamay. Eh first day kase tapos super di pa ko komportable at hindi ko naman kilala ang 95% sa kanila. At hindi ko naman alam pano i-explain. Basta alam ko lang na yun ang tamang sagot. Grr. So inulit ko lang yung statement nya kanina (words not exact), “Sa small intestine naa-absorb yung nutrients from food tapos sa large intestine napupunta yung waste.” Kahit di ko na-explain ng very hard, mukang good enough na sa kanya yung sagot ko kase sabi nya, “Correct. The small intestine absorbs nutrients and minerals blah blah blah…” Tapos after nya mag-explain tinawag pa nya kong “Miss Genius” Arrghh. Cringe. Genius hindi naman ako genius. Baka sobrang mag-expect sila na sobrang talino ko hindi naman. Ayun 80 lang yung final grade ko sa Anatomy haha. Genius pala ha.

Kala nya siguro nung first day na yun isa ko sa mga magiging butihing estudyante nya pero after ilang weeks lang nakita nya din ang totoo kong kulay. From Miss Genius naging Miss Problematic. Lagi nyang sinisita yung black nail polish ko na minsan nagtutuklap tuklap na. Isa yun sa mga hindi nya nagustuhan. Tapos yung pinaka-worst ko sigurong ginawa sa klase nya, at ngayon eh hindi ako makapaniwalang ginawa ko yun kase sobrang rude, eh nung habang nagdidiscuss sya, nag earphones ako kase meron akong gustong pakinggan na kanta. Sa isip ko nun, ok lang yun kase hininaan ko naman yung volume para makinig ko pa din yung dini-discuss nya. Ang tanga nung argument πŸ˜‚ Pero nung na-look back ko sya after ilang years, sobrang mali talaga haha. Napaka-rude. Nung nakita nya kong naka-earphones, “Miss Abadilla, naririnig mo ba ko?” Sabi ko, “Yes po.” Tapos hindi ko pa din tinanggal yung earphones. Nagtino na naman ako ng konti lalo nung sinabing 85 na daw ang passing. Parang 2nd year college pinatupad yun. Buti na lang.

Medyo madami pa kong naaalala pero tinamad na ko kasi nagising na si Kenneth tapos sa kanya ko na nakwento lahat tinamad na kong ulitin for now. Babayu.

Categories
Ramblings

Short Story

Pagkatapos kong mag-CR, naisip ko na mag grocery at dumaan sa Boulangerie para bumili ng discounted bread. Malapit na kasi mag 7PM. Pagbaba ko ng office, nakita ko yung officemate ko papasok. Sabi ko sa kanya, “Uy ang aga mo ah!” 8PM pa kasi pasok nya. Pagpasok ko ng Grand (amoy) Canal Mall, binati ako nung security guard ng usual nya na, “Buona sera!” Umakyat muna ako para i-check kung may aloe vera gel na sa MUMUSO (wala pa din). Sabi naman ni ate na taga MUMUSO, “Annyeong haseyo! Mumuso!” Napansin ko medyo madaming tao. Friday kasi siguro. Nung papunta na ko sa tinapayan, may madadaanan uli ako na guard. Eh di bumati sya ulit ng, “Buona seraaa!” tapos sinundan nya ng “Bukas ang zipper nyo Ma’am.”

Categories
Ramblings

randomness

Waaah! Nasira ref namin. Ah ah nakakasura. Pano na ko makakapagluto ng masasarap (?) na pagkain?? Hay. Sana mapaayos pa ref namin. Kung ako nga masusunod sana bumili na lang kami ng bagong ref. Second hand lang kasi yung ref namin na yun. Hay pano na.

May consultation nga pala ko mamayang 2pm sa Health Way Greenbelt. Mag-12 PM na pala. Tinatamad pa ko maligo. Saka ansarap ng panahon ansarap mahiga lang at magchill. Kainis parang tumila na ulan. More rain please!

Ay sige pala pupunta ko Greenbelt tas dun na din ako kakain. Kaya lang. I have no money. Magbabayad na ko ng kuryente namin bukas kaya wala na talaga. Ang mahal ng kuryente namin eh. 2,711! Halos tig 1k kame. Grr. Kung kelan naman nagtitipid ih.

Gusto ko na itry yung lucid dreaming.

Kakasura ang tamad ko ngayon. Where is the motivation??

Categories
Family Ramblings

121212 and other things

Ang cool ng date na to. 121212 (Dec. 12, 2012). Matagal na ulit bago magkaron ng ganto kasi 2013 na ang kasunod. 12 lang naman ang months.

Malapit na birthday ko. Sana makabili na ko ng iPod touch na 5th gen. Tanda ko na 24 na ko. Parang dati sabi ko mag-aasawa na ko ng gantong edad. Tas ngayon kung iisipin mo, parang antagal pa nun mangyayari. Wala pang pera. Wala pang ipon.

Limang oras na ko dito sa office at limang oras na din akong walang ginagawa. Wala pa kong chat kahit isa. Inaantok na ko. Nagttumblr lang ako, internet ng konti. Kain.. Yun na yun. Parang gusto ko na ng mahirap-hirap na trabaho. I want to be a medical coder. Kelan kaya yun.. Hai.

Pangit ng balat ko. Wawa naman magiging anak ko.

Uuwi na ko sa Pagbilao bukas πŸ™‚ Halos isa’t kalahating buwan na din nung huli kong uwi samin. Kaya ko pina-adjust VL ko, para makauwi na ko bukas.

Ang boring ng buhay dito sa Maynila pag wala kang kasama. Pag solo ka lang sa bahay. Nakakadepress. Feeling mo andami mong problema. Konting pangyayari na di mo nagustuhan parang nagiging malala. Pag nagkasakit ka, nakakaiyak kasi wala ka man lang kasama para alagaan ka. Maaawa ka na lang sa sarili mo. Nakakatamad din maglinis ng bahay kasi wala naman ibang makakakita ng kalat mo kundi ikaw lang. Kahit nakakatuwa dahil pauwi na si Kenneth, di pa din ako matuwa ng lubusan dahil alam kong aalis din sya. Baka mas matagal pa. Hai. Nakakalungkot. Nakakainip. Pag nagluto ako ng kakaibang potahe, nakakalungkot din kasi ako lang ang kakain. Gusto kong ipatikim sa iba kung masarap ba, kung kulang pa o kung patapon yung niluto ko. Buti na lang din samin muna nakatira si Nick, pero madalang din kami magkita dahil sa shift ng trabaho namin. Dadating ako ng bahay, wala sya. Dadating sya ng bahay, tulog ako. Pag gising ko, tulog sya. Pag gising nya, nakaalis na ko. Pero ok na din, iba pa din yung pakiramdam na alam mong may kasama ka sa bahay kesa sa wala talaga.

Kaya natutuwa na kong umuwi samin. Madami ako kasama sa bahay. Miss ko na ang Mama, ang Papa, mga kapatid ko, Daddy, Mommy, Tito at Tita ko, mga pinsan ko, si baby Gilian, mga barkada ko, mga Pagbilaoins, etc.

Napaka-ironic. Dati rati, naiisip ko nang magsarili. Tas natutuwa ako sa idea na solo lang ako sa bahay tas parang ang saya. Naiimagine ko dati parang mas sasaya ako sa ganung buhay. Siguro dahil dati, hindi ko naiimagine yung mga parts na kelangan mong maglinis, magluto, magbayad ng bills, magtipid at kung ano ano pa. Haha nakakatawa lang. Parang dati winiwish ko yung buhay na ganun. Yung magnenet lang ako, magbabasa ng libro tas solo lang ako. Mali pala. Di pala nakakatuwa.

Categories
Ramblings

deonat

Na-curious kase ako. Tas ang description pa eh non-sticky, non-staining, alcohol at paraben free. Di ko lang alam kung ano yung paraben na yun. Search ko mamaya.

Mabilis sya matuyo. Ewan ko lang kung ok yung mismong action nya. Nagsisisi ako kung ba’t yung spray form ang binili ko. Ang hirap pindutin tas napapa-spray pa sa muka ko yung iba. Sa susunod roll-on na lang. Yun eh kung maganda ang effect.

Categories
Ramblings

perfect life

A perfect life would be:

β€’ Makabili ng Nikon Coolpix AW100, 13-inch Macbook Pro, Canon PowerShot S100, HTC One S at piano

β€’ Manood ng series, movies, mga gusto kong reality shows at cooking shows kahit kelan ko gusto

β€’ Mag-tumblr at mag-blog

β€’ Mag-piano

β€’ Mag-travel around the world at mag ala pro photographer