Categories
Hanash

First Day of Anatomy Class

Kanina, nagd-daydream na naman ako about school days. Nung elementary, highschool tapos nung college. Yung mga highlights ng student days ko. Naalala ko nung first week ng college, nakapaskil sa bulletin board yung mga top 10 sa college entrance exam per subject. Basta tanda ko may English & Math tapos baka yung iba IQ and Logic. Basta almost lahat dun sa subject na yun andun yung pangalan ko tapos nasa top 5. Tapos ako non syempre ang yabang ko deep inside pero kunwari too cool to care ako. Haha. Pero pag dating ko sa bahay binida ko na agad sa mga Mama tapos ang Kuya, 2nd year college sya non, nakita din pala nya yung bulletin board. Tapos sinasabi nya daw sa mga kaklase nya, “Kapatid ko yan!” Ngayon nasasayangan ako dapat pala pinicturan ko yung bulletin board 😄 Kase yung mga top students nung highschool nataasan ko pa sa ibang subjects dun sa college na entrance exam. Eh wala naman ako sa top nung highschool kase di ako masipag magaral. May pagka-trouble maker ako non kaya nagulat siguro sila na napasama ako dun sa top. Muntik pa kong masuspend nung highschool kase nagdala ako ng baraha sa school tapos tinuruan kong magsugal yung mga seatmates ko. Nahuli kame tapos nakita nung teacher yung mga perang pusta. “Kaninong baraha yan?” Eh since catholic school super against sila sa any type ng gambling kaya ayun. Example lang yun mababaw pa lang yun.

Back to first few weeks ng college. Parang first day namin sa Anatomy class non. Tapos isa yun sa mga kinakatakutan na subjects ng nursing students; kasama na ko dun. So first day  non so medyo basic pa yung discussion. Nagtanong yung professor sa class kung sang intestine daw naa-absorb ang nutrients, kung sa small daw or sa large intestine. Sa isip ko, very basic yung tanong kasi napag-aralan na to nung elementary pero naririnig ko yung mga kaklase ko ang sabi “Laaaarge!”. Sabi ko “Smaaaall.” pero medyo mahina lang pero loud enough para marinig nung prof. So since hindi unanimous ang sagot namin, pinataas nung prof kung sino daw ang in favor sa large intestine. Lahat sila halos tumaas. For a split second, nag-doubt ako baka mali ang stock knowledge ko. Tapos pinataas na kung sino ang sa small intestine so tumaas ako ng kamay eh di tinginan sila kase ako lang ang tumaas. Yung iba pa ang sama ng tingin. Sure na sure siguro sila sa sagot nila. Kung alam ko lang na papatayuin ako para i-explain yung sagot ko, hindi na sana ko tumaas ng kamay. Eh first day kase tapos super di pa ko komportable at hindi ko naman kilala ang 95% sa kanila. At hindi ko naman alam pano i-explain. Basta alam ko lang na yun ang tamang sagot. Grr. So inulit ko lang yung statement nya kanina (words not exact), “Sa small intestine naa-absorb yung nutrients from food tapos sa large intestine napupunta yung waste.” Kahit di ko na-explain ng very hard, mukang good enough na sa kanya yung sagot ko kase sabi nya, “Correct. The small intestine absorbs nutrients and minerals blah blah blah…” Tapos after nya mag-explain tinawag pa nya kong “Miss Genius” Arrghh. Cringe. Genius hindi naman ako genius. Baka sobrang mag-expect sila na sobrang talino ko hindi naman. Ayun 80 lang yung final grade ko sa Anatomy haha. Genius pala ha.

Kala nya siguro nung first day na yun isa ko sa mga magiging butihing estudyante nya pero after ilang weeks lang nakita nya din ang totoo kong kulay. From Miss Genius naging Miss Problematic. Lagi nyang sinisita yung black nail polish ko na minsan nagtutuklap tuklap na. Isa yun sa mga hindi nya nagustuhan. Tapos yung pinaka-worst ko sigurong ginawa sa klase nya, at ngayon eh hindi ako makapaniwalang ginawa ko yun kase sobrang rude, eh nung habang nagdidiscuss sya, nag earphones ako kase meron akong gustong pakinggan na kanta. Sa isip ko nun, ok lang yun kase hininaan ko naman yung volume para makinig ko pa din yung dini-discuss nya. Ang tanga nung argument 😂 Pero nung na-look back ko sya after ilang years, sobrang mali talaga haha. Napaka-rude. Nung nakita nya kong naka-earphones, “Miss Abadilla, naririnig mo ba ko?” Sabi ko, “Yes po.” Tapos hindi ko pa din tinanggal yung earphones. Nagtino na naman ako ng konti lalo nung sinabing 85 na daw ang passing. Parang 2nd year college pinatupad yun. Buti na lang.

Medyo madami pa kong naaalala pero tinamad na ko kasi nagising na si Kenneth tapos sa kanya ko na nakwento lahat tinamad na kong ulitin for now. Babayu.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s