Ang cool ng date na to. 121212 (Dec. 12, 2012). Matagal na ulit bago magkaron ng ganto kasi 2013 na ang kasunod. 12 lang naman ang months.
Malapit na birthday ko. Sana makabili na ko ng iPod touch na 5th gen. Tanda ko na 24 na ko. Parang dati sabi ko mag-aasawa na ko ng gantong edad. Tas ngayon kung iisipin mo, parang antagal pa nun mangyayari. Wala pang pera. Wala pang ipon.
Limang oras na ko dito sa office at limang oras na din akong walang ginagawa. Wala pa kong chat kahit isa. Inaantok na ko. Nagttumblr lang ako, internet ng konti. Kain.. Yun na yun. Parang gusto ko na ng mahirap-hirap na trabaho. I want to be a medical coder. Kelan kaya yun.. Hai.
Pangit ng balat ko. Wawa naman magiging anak ko.
Uuwi na ko sa Pagbilao bukas 🙂 Halos isa’t kalahating buwan na din nung huli kong uwi samin. Kaya ko pina-adjust VL ko, para makauwi na ko bukas.
Ang boring ng buhay dito sa Maynila pag wala kang kasama. Pag solo ka lang sa bahay. Nakakadepress. Feeling mo andami mong problema. Konting pangyayari na di mo nagustuhan parang nagiging malala. Pag nagkasakit ka, nakakaiyak kasi wala ka man lang kasama para alagaan ka. Maaawa ka na lang sa sarili mo. Nakakatamad din maglinis ng bahay kasi wala naman ibang makakakita ng kalat mo kundi ikaw lang. Kahit nakakatuwa dahil pauwi na si Kenneth, di pa din ako matuwa ng lubusan dahil alam kong aalis din sya. Baka mas matagal pa. Hai. Nakakalungkot. Nakakainip. Pag nagluto ako ng kakaibang potahe, nakakalungkot din kasi ako lang ang kakain. Gusto kong ipatikim sa iba kung masarap ba, kung kulang pa o kung patapon yung niluto ko. Buti na lang din samin muna nakatira si Nick, pero madalang din kami magkita dahil sa shift ng trabaho namin. Dadating ako ng bahay, wala sya. Dadating sya ng bahay, tulog ako. Pag gising ko, tulog sya. Pag gising nya, nakaalis na ko. Pero ok na din, iba pa din yung pakiramdam na alam mong may kasama ka sa bahay kesa sa wala talaga.
Kaya natutuwa na kong umuwi samin. Madami ako kasama sa bahay. Miss ko na ang Mama, ang Papa, mga kapatid ko, Daddy, Mommy, Tito at Tita ko, mga pinsan ko, si baby Gilian, mga barkada ko, mga Pagbilaoins, etc.
Napaka-ironic. Dati rati, naiisip ko nang magsarili. Tas natutuwa ako sa idea na solo lang ako sa bahay tas parang ang saya. Naiimagine ko dati parang mas sasaya ako sa ganung buhay. Siguro dahil dati, hindi ko naiimagine yung mga parts na kelangan mong maglinis, magluto, magbayad ng bills, magtipid at kung ano ano pa. Haha nakakatawa lang. Parang dati winiwish ko yung buhay na ganun. Yung magnenet lang ako, magbabasa ng libro tas solo lang ako. Mali pala. Di pala nakakatuwa.