Categories
Free Posts Insights Life

To Be.. Or Not To Be.. A Mother.

Meron akong ka-chikahan na friend. Kinekwento nya sakin yung conversation nila ng kapatid nya. Their shared complaint was, “Kelan ba sila magkakaanak? (kami raw and this other couple from our friend group) Tayo lang ba ang mahihirapan?? Hirap na hirap na tayo, etc…” Alam naman nya na decided kami ni Kenneth na ayaw namin magkaanak, but I think nabibilang sya dun sa group na nirerespeto nya yung ganung desisyon ng mga couples, pero hindi pa nya fully gets kung bakit. For them, being a parent is the default choice. Baka andun pa sya sa ganung level of understanding.

But it was enlightening. Sharing that conversation with me—between her and her sister—was an insight. May ganun palang thoughts ang ibang mga nanay. “Mag-anak na rin kayo para mahirapan na rin kayo tulad namin.” I get it. I don’t take it against her. Totoo namang nakakapagbigay ng comfort pag may kasama ka sa paghihirap. Pero karamay na nya yung kapatid nya diba? Bakit lahat dapat kasali? Dun papasok ang, “The more, the merrier.” Haha.

Categories
Ramblings Free Posts

Artemis II

Tingnan mo, wala akong kaalam-alam, papunta na pala ulit ang mga tao sa moon! Lumalabas sa feed ko yung new pictures ng Earth from space galing daw sa Artemis II, pero wala akong idea na moon mission pala yun. Kala ko basta spacecraft lang na nagte-take ng photos. May tao palang nakasakay. Nag-start daw yung voyage nung April 1, at kung nakita ko man yun that day, iisipin kong April Fool’s joke lang at hindi ako maniniwala.

📸: NASA
Categories
Free Posts Life

March Recap

Despite the tumultuous beginning, March turned out to be a fun, social month. I enjoyed March. We tried new food spots, had a movie date with friends (we watched Wuthering Heights), and leaned heavily on food deliveries. So, expectedly, it was also the most expensive month thus far huhu. Bawi na lang ngayong April.

Categories
Happy Things Life Secrets Wellness

Happy Things #32

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Cat Mom Tings

Nagiging pihikan nanaman yung mga pusa namin at bigla na lang hindi kinakain yung wet food nila. After doing some tweaks, iba yung saya pag nakikita kong kumakain na sila ulit. Every time nakikita kong ubos yung food bowl nila, ang satisfying.

Tapos kahapon, bumili ako ng bagong cat toy nila. Sa kanilang tatlo, si Almond lang yung masipag maglaro (kung sino pa yung may hika). Nagwo-worry ako dun sa dalwa kasi wala sila masyadong physical activity. Kaya nung nilalaro nilang tatlo yung bagong cat toy, sobrang saya namin. I really wish them a happy and long life please!

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Free Posts Life

Life in Canada (Kenneth’s Version)

Kinikwento ko kay Kenneth yung mga sinulat ko dito at tinanong ko sya kung meron ba syang madadagdag. Ang dami ko pa palang hindi naisama. Interestingly, yung mga naisip nya ay puro positives about Canada. Yung sakin kasi napansin kong may bias pa rin ako sa Pilipinas. Buti na lang pinaalala sakin ni Kenneth yung iba hehe.

Categories
Life Secrets

Life in Canada (After 8-ish Years)

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Free Posts Life Ramblings TV

Thoughts Medley

May mga times na gusto kong magsulat dito pero sabog-sabog yung thoughts sa isip ko. Di ko alam kung san ba ko magfo-focus. May mga times din na instantly, alam ko agad kung tungkol saan ang gusto kong isulat. Sa mga times na ganito, na wala akong mahagilap na topic pero andun yung desire kong magsulat, nagsisimula ako sa kung ano bang nararamdaman ko.

Ano bang nararamdaman ko?

“Ang lamig!”

So pwede akong magsulat tungkol sa weather at ikwento na nag-s-snow nanaman.

Iyak nanaman si Kenneth pag-shovel ng snow
Categories
Hobbies Pals Secrets TV

Life Updates: Crylaloo + AI Antidotes + Currently Watching

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

1.

I intend to write last Thursday kaso sobrang bothered ako by something. Tapos kinabukasan maghapon akong nagiiyak. Literal na mula umaga hanggang hapon. Ang sakit tuloy ng ulo ko. Magaganda pa naman mostly yung ikikwento ko kaya hinintay ko lang na maging better ang kondisyon ko bago ko sila isulat.

Hindi pa rin ako sobrang okay. Medyo mabigat pa rin ang dibdib ko at may konting sakit pa rin ng ulo. Tingin ko okay na yung isip ko—I’m thinking more positively now. Pero yung katawan ko feeling ko napagod kahapon kaya meron pa rin akong residual physical symptoms na nararamdaman. I will try to eat healthier today at mag-workout para maka-recover na rin physically. Nag-yoga na ko kaninang umaga so that’s a good start.

2.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Free Posts Life

February Recap

Nami-miss ko na ang ulan. Maganda namang tingnan pag bumabagsak ang snow, kaso wala syang tunog. Ang ulan kahit hindi ka nakatingin sa labas, ramdam mo pa rin. Excited na kong mag-spring.

Categories
Life Secrets

Thursday Letter #17 | Skincare and Sopas

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

It’s Thursday Letter on a Friday! Di ko na kasi namalayan ang araw. Parang ang bilis. San ba ko magsisimula. Ang dami ko kasing kwento. Kung iisipin ko kung anong nangyari ng February, ang unang pumapasok sa isip ko ay yung frustration ko sa paghahanap ng trabaho. Gusto ko na kasing lumuwag-luwag ang finances namin kaya siguro nagiging desperado na ko. Pero ayoko nang pagusapan yun. Nasasawa na rin ako.

Two days na lang malapit nang mag-March! Which means patapos na ang winter. Hindi nanaman kami nakapag-tubing huhu. Ito ang nag-iisang favourite kong gawin pag winter. First time namin ‘to na-experience sa Winnipeg at tuwang tuwa talaga ko. Ang sarap ulit-ulitin. Padalwang winter na namin ngayon sa Calgary at mukang maghihintay kami ng isa pang winter bago pa ‘to ma-experience ulit.

March 2022

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.