Tingnan mo, wala akong kaalam-alam, papunta na pala ulit ang mga tao sa moon! Lumalabas sa feed ko yung new pictures ng Earth from space galing daw sa Artemis II, pero wala akong idea na moon mission pala yun. Kala ko basta spacecraft lang na nagte-take ng photos. May tao palang nakasakay. Nag-start daw yung voyage nung April 1, at kung nakita ko man yun that day, iisipin kong April Fool’s joke lang at hindi ako maniniwala.

Ang fitting lang kasi binabasa ko yung Atmosphere ni TJR for our bookclub, tapos palabas na rin yung Project Hail Mary ni Ryan Gosling. We’re in a space-y time right now. Mukang magaganda yung reviews ng Project Hail Mary (the film) so na-convince akong tapusin yung book. Na-overwhelm kasi ako sa technical jargon kaya tumigil ako. Maganda rin naman yung reviews nung book mismo, pero hindi sya enough para ganahan akong basahin.
Pero dahil sa movie, gusto ko na syang tapusin. Gusto ko kasi munang matapos yung libro bago ko sya panoorin. Pero what if panoorin ko kaya muna bago ko basahin? Baka mas mag-work for me. Sige, sige, ganun na lang.
May napanood akong clip nung mga astronauts sa Artemis II habang nakalutang sila sa loob ng spaceship. Sabi nung pilot, “Trust us, you look amazing. You look beautiful. And from up here, you also look like one thing. You know, Homo sapiens is all of us, no matter where you’re from or what you look like.”

I hope they all return safely.
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
