SATURDAY
5:30 AM
Nagising, nag-poop, nagtimbang.

Nag-gain nanaman ako. And for the first time ever, mas magaan na sakin si Kenneth. Almost 10kg na kasi yung na-lose nya ever since nagstart syang mag-keto diet at mag-workout almost everyday. Ugghh hindi ko kaya yung discipline nya. Minsan nakaka-inspire pero minsan nakaka-demotivate. But ultimately, I’m proud of him because he did this all by himself. Walang nag-push or nag-pressure sa kanya. Nanood lang kami nung docuseries sa Netflix na You Are What You Eat at yun na! Bigla na lang syang nag-decide maging healthy. That was 6 months ago and he never stopped. Hays, sana kaya ko din yung ganun.
But I’m trying. Kaya ang next sa agenda ko ay:
- uminom ng protein drink
- mag-workout
- high protein breakfast
7:15 AM
Tapos na kong mag-yoga at workout. Napakain ko na rin ang mga kitties. Sana laging ganito. Sana lagi akong masipag mag-exercise. Nag-try akong gumawa ng morning routine na kasama yung workout at breakfast na hindi ako nagmamadali. Kaso kailangan gising na ko ng 3:30AM para hindi ako ma-late sa trabaho, which means tulog na dapat ako ng 7:30PM para kumpletong 8 hrs ang tulog ko. At the very least, 8:30PM tulog na dapat ako. Kaso ang hirap nun kasi dun pa lang yung start ng panonood namin ng House of the Dragon. Yun ang everyday bonding namin ni Kenneth nowadays.
May protein obsession ako ngayon. Nabasa ko kasi na hindi porke’t fasting ako ng matagal o nag-eexercise ako, automatic fat na yung nabu-burn. Minsan daw, sa muscles kumukuha yung katawan ng energy. At once ma-breakdown daw yung muscle, mahirap na syang ibalik. It’s possible daw na mawala na yung muscle fibers forever kung hindi ako mag-eeffort mag-build ng muscle through resistance or strength training while consuming enough protein.
Natakot ako. Ayokong mag-lose ng muscle. Plus yung thought na yung muscle ko pala yung nawawala habang yung fat naka-tengga lang, nakakaasar. Kaya ngayon, yun ang focus ko. So nagkandabili-bili ako ng protein powder, peanut butter powder, yung tinapay na binili ko may protein blend din. It’s time to start building those muscles back.

Naisip ko tuloy, kaya siguro after kong mag-fast ng matagal at mag-lose ng konting weight, bumabalik din agad. Baka muscle breakdown pala ang nangyayare. Sa mga ganitong bagay ako namo-motivate maging healthy: nung narinig ko sa isang podcast ito ngang breaking down of muscles instead of fat, nung natutunan ko yung mechanism ng autophagy through fasting, nung na-encounter ko sa isang book yung importance of lengthening our telomeres… Kapag nalalaman ko yung science behind it, mas napu-push ako to action. Pero sa mga days na ang motivation ko ay dahil gusto ko lang pumayat or magka-abs, the motivation falls through. Si Kenneth, ang motivation nya magka-abs, at effective yun sa kanya. Kaso sakin hindi. Baka kelangan kong isulat yung mga scientific learnings ko para ma-remind ako lagi.
8:00 AM
Kinain ko yung tira kong fried chicken at red rice, plus another half of the protein drink. Maya-maya gising na rin si Kenneth. Paglabas nya ng kwarto, nakangiti. Gets ko na. Nagtimbang sya at nag-lose ulit. Bumalik pa sya ulit ng kwarto at tinawag ako. Gusto nyang magtimbang sa harap ko para ipakita yung weight nya since ito raw yung lowest weight nya. Haha kainis yung smug face! Almost everyday syang ganito kaya may umay factor na. Aware naman sya. But I humored him by pressing his abs and congratulating him. He declared na cheat day daw nya ngayon.
8:35 AM

It’s time for Almond’s inhaler. She has been diagnosed with asthma a week ago huhuhu. Imbis na ma-sad, iniisip ko na lang na at least she’s getting treatment now. Medyo tricky yung pag-administer nung inhaler kasi kelangan nakasuot ng maayos yung mask, tapos 10 breaths para makumpleto yung isang dose.
Mas behave na sya ngayon compared nung first few tries. Hindi na sya malikot. We have to do this twice a day, probably for the rest of her life. Kasi wala daw cure ang asthma. Hindi ko alam kung maniniwala ako dun sa vet. Parang gusto ko pa rin isipin na phase lang ‘to at gagaling din sya. Kasi sobrang sigla nya naman. Mahilig maglaro, kumakain at umiinom ng maayos, malambing, so I would like to think na mawawala din yung asthma nya eventually. Ewan ko rin. Sana.
10:35 AM
I’m fresh! Kakatapos ko lang maligo. Nag-scoop na rin ako ng litter, nag-vacuum, nag-load ng dishwasher, at nag-skin care. Ngayon nakaupo ako sa desk ko habang nakikinig ng Chappell Roan, ready to do the Diaz Mansion’s July expense report.
* a few minutes later *
I got my period. Kaya siguro ang taas ng energy ko. Kanina pa ko sayaw ng sayaw. Tapos na pala ang PMS ko. Anyway, may bago akong favorite artist bukod kay Chappel Roan. Si beabadoobee. Tagal na kong sinasabihan ng kapatid kong Gen Z na pakinggan sya. May 2 songs lang akong alam from her at okay naman.
Pero nung isang araw, may sinend na TikTok video yung kapatid ko:

Sobrang cute nya dun sa video!! Tapos yung pronunciation nya sa name nya beeyah-bajubee hahaha. Cute! So naging interested akong pakinggan yung latest album nya at yun! Legit fan na ko. Ang soothing ng voice at music nya na may konting 2000’s rock elements. Favorite ko yung Talk, Pictures of Us, at fairy song.

Tapusin ko muna ‘tong expense report. Journal ng konti. Or madami. Depende kung gano ako kasipag today. Hindi pa ko nagche-check ng messages. I’m going to enjoy this high energy dancey mood first in case may mabasa akong pambasag.
* a few minutes later *
WAIT. I was rewatching the beeyah-bajubee video for the nth time and I saw in the comments na Pinay pala sya!!! Huhu I love her even moreeee.. Okay back to the expense report.
12 PM
Lunch break! Nagpadeliver ako ng favorite salad bowl ko from Nu Burger. Sarap!


3:45 PM

Tapos na ko sa journaling hanash ko. Mamaya na lang ulit. I posted my July expense report here. Gusto kong mag-edit ng podcast next kaso nagkaka-problema dahil ubos na yung storage ng iPad ko. Kakatamad magbura. Manonood na lang muna kami ng K-drama ni Kenneth. Sisimulan namin yung Lovely Summer. Maganda daw.
4 PM
Una, Lovely Runner pala haha! Pangalwa, hindi available sa Netflix Canada. Boooo! Magiisip pa ko ng iba habang si Kenneth, nagbbrowse ng dessert sa DoorDash. Sinusulit ang cheat day. Magchecheck na rin muna ako ng messages.


4:30 PM
We settled for Modern Family. As usual tawa ako ng tawa. Napansin kong malapit nang mag 5PM kaya kakain na ko ng dinner. Inubos ko na yung salad ko at sana, last meal ko na yun today. Sana wag na kong mag-crave mamaya. Kung mag-crave man ako, sana makaya ko. I will surf into the urge.
5:45 PM
Poops got his dessert. Nag-order sya ng apple caramel creme brulee ice cream at ako, cookies & cream cake. Masarap daw yung order nya, yung sakin bukas ko na kakainin.

6:10 PM
Katatapos lang namin mag-video call ng Mama, Kuya, at Tricia. Kinamusta lang namin ang Mama, konting kwentuhan, tapos nagba-bye na rin. Si Kenneth nasa home office nya, naglalaro ng bago nyang game. Iniisip ko kung tatawagin ko ba sya para ituloy ang panonood namin o itutuloy ko ang journaling ko.
8:15 PM
Wala akong ginawa dun sa dalwang yun. Kakagising ko lang. That was a nice 2-hour nap.
Time na din para sa gamot ni Almond. May antibiotics sya sa gabi, plus the inhaler. Sana matapos na yung antibiotics nya para less stress for her.

Manonood na kami ng House of the Dragon. Nire-reserve namin sa gabi yung HOTD kasi mas maganda syang panoorin pag medyo madilim na. Episode 7 na kami. Up to date na kami pagkatapos nito. Sinimulan na namin sya kagabi so may 30 minutes na lang.

10:30 PM
After manood ng HOTD at isang episode ng Modern Family to lighten things up, natulog na ko. Bukas, it’s going to be a chill day. Day 2 ng period ko yung pinaka-intense at nakakapanlambot kaya I’mma relaks. Good night!
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.

4 replies on “Today’s Log #21 | Protein Obsession + Current Faves + Expense Tracking”
Omg adik din ako kay beabadobee these days! Inaabangan ko sobra ‘yung papa-release n’yang album haha! ❤
LikeLiked by 1 person
Anong favorites mo??😊
LikeLike
Sa ngayon Ever Seen talaga hehehe. Ikaw? 🙂
LikeLike
Sa new album nya eto din 🙂
LikeLike