It’s Daddy’s birthday today. I miss you 🥺
Month: September 2023
Cozy Autumn
Sobrang daming geese kanina! Naririnig ko sila so binuksan ko yung bintana. Feeling Mary Oliver ako kasi napapansin ko, pag madaming geese sa sky at papunta sila sa isang direction, uulan. I’m sure maco-confirm ko ‘to sa Google pero ayoko. Natutuwa lang akong i-observe yung activity nila.
And true enough, after a couple of minutes, umulan nga. Ang sarap ng moment na ‘to. Kanina pa kong 6AM gising, 8AM na ngayon at tulog pa rin ang mga tao, gloomy at umuulan, pagsilip ko sa bintana, ang gandang tingnan nung orange-yellow-brown leaves ng mga puno, pinatugtog ko yung ‘No Lyrics Chill’ playlist ko sa Spotify, at ito, nagsusulat. Hays ang saraaaap.
Jasper, AB • August 12

Eto na ang last day. Pero hindi ko pa ramdam na last day kasi ang layo pa ng iba-byahe namin pauwi. 16 hours.
Also, side note, ilang days (or weeks?) akong na-delay sa pagsulat ng araw na ‘to kasi siguro pakiramdam ko lipas na. Ang dami nang bagong nangyayari sa buhay ko. Almost 1 month ago na ‘to pero kelangan ko ‘tong tapusin for my own peace of mind. Kasi tuwing makikita ko yung 7-day Japan blog series ko at hanggang day 5 lang yung natapos ko, naiirita ako.
Fake Twitter #35
Merong bumabagabag sa isip ko at yun ay:
“Tinatamad akong tapusin yung Day 14 ng ginagawa kong travel series..”
Kung kelan patapos na! Yun na yung last day ng trip tapos bigla pa kong tinamad! Wait. Parang nagkaka-motivation na ko ulit. Sisimulan ko na bago pa mawala.
Read, Listen, Watch #1
A collection of things I want to be reminded of:
📖 The church of minding one’s own business
👀 Stop obsessing about the future, let things flow
📖 Routines are not chores, they are life + Finding solace in books (idea #3 and quote #2)
It’s already September (ambilis) and I am revisiting my 2023 Game Plan today. June pa lang naiisip ko na ‘tong gawin pero may work ako so wala talaga ko masyadong time magmuni-muni. Basta yung past few months I am always preoccupied with something at nag-procrastinate ako to do my mid-year review. I feel like ngayon, ito na yung tamang moment.
Let’s start with the theme
Ang theme ko this year ay:
Planning is a Luxury

I was doing my very late mid-year review a while ago (yet to be published) at after kong matuwa sa mga na-accomplish kong goals, na-stress ako after. Dun kasi sa 13 goals na sinet ko in the beginning of the year, dalwa lang yung fail, tapos isa na lang yung natitirang work in progress. So parang sa isip ko, isa na lang? Meron pang 4 months na natitira this year. Ano pang dapat kong gawin?
Jasper, AB • August 11

Another day in another town. Ang saya ko na napapalibutan nanaman ako ng bundok. For two days, we’re going to explore Jasper and hands down, Alberta na talaga ang paborito kong province. Albertans are so blessed to have easy access to these beautiful mountains and lakes and all things nature.
