Categories
French Life

Tagalog ng Soup

I had my French skills assessed today and honestly, hindi ako masyadong kinabahan. Hindi rin ako nag-prepare kasi gusto kong ma-gauge talaga yung totoong level ko. Hindi naman ‘to IELTS na dapat mataas yung score. In-evaluate yung speaking, listening, writing at reading skills ko.

Speaking

English pa sya magsalita nung una. Explain explain sya kung anong gagawin namin for the next few hours. Pero nung bigla na syang nag “Bonjour.” Ayan na! Kailangan nang paganahin ang brain cells, kailangan nang halukayin ang mga inaral nung mga nakaraang buwan. Eh di sabi ko rin, “Bonjour.”

Categories
Family Pilipinas

Bye Cousins + AWOL Stories + Zumba sa Restaurant | Pinas 2022 Pt. 5

April 24 – 29

Etong time na ‘to, meron na lang akong 10 days at magbaba-bye na muna ulit ako sa Pinas. Pero bago ako magba-bye, mauuna munang umalis ang mga taga UK. Kelan kaya namin uli sila makakasama 😢

Categories
Art Happy Things

Happy Things #8

Grand Beach

Holiday nung Monday so pumunta kaming beach with the Centinos. Ang saya lang nung change of scenery. Gusto kong bumalik tapos tatambay lang kami ni Kenneth. Sya tutulog, tapos ako magbabasa or drawing.

Categories
Ramblings

Fake Twitter #5

Eto na ata ang pangatlong beses na nabulukan ako ng avocado. Siguro time na para tanggapin ko na hindi talaga ko magiging mahilig sa avocado na madalas kong nakikita sa mga healthy salad at sandwiches sa IG feed ko. Hindi na ko magpapa-influence sa inyo fit influencers.