Categories
Life

Happy Things #7

Persuasion

Sobrang enjoy ako sa bagong film ni Dakota Johnson. Naalala ko yung Enola Holmes kasi period piece rin sya tapos nag-break din ng fourth wall si Millie Bobby Brown. Dito sa Persuasion mas madaming ganun tapos kilig ako sa love story nila. Di ko pa nababasa yung book so parang gusto ko rin basahin.

Since super natuwa ako, gusto kong basahin yung reviews. Turns out, halos lahat ng reviews negative. Whyyy? Basta and dami nilang comments about not being true to the book. Anyway, buti na lang di muna ako nagbasa ng kahit ano before sya panoorin dahil baka maapektohan yung panonood ko. Basta ako nag-enjoy.

It’s a Boy!

Sobrang cute ng baby shower slash gender reveal nila Piya at Luke. Congrats again!🤍

Kenedien

After 3 days of pagre-review, nag-take na ng citizenship test si Kenneth. Balak ko pa sana sa katapusan eh dahil tinatamad pa kong mag-aral at alamin ang history ng Canada. Nung nag-take na sya at nakapasa sya, parang na-FOMO ako. Gusto ko na rin. So nag-cram ako.

Part pala ng British Commonwealth ang Canada so queen dito si Queen Elizabeth II. Now I know.

15 correct answers dapat out of 20 questions para pasado. So nagbasa ako ng dire-direcho (mga 2 hours) hanggang na-feel ko na makaka 15 akong tama. Napaka daming dates at mga tao na ngayon ko lang nadinig. Si Queen Elizabeth lang kilala ko. Naka-16 ako! Hahaha. 19/20 si Kenneth pero 3 days naman syang nag-review so niyabangan ko pa din sya. Napatalon pa ko kasi kala ko di ako aabot ng 15 😆

Summer Sunrise and Sunsets

Cozy Rainy Days

Siguro ang perfect weather ay sisikat yung araw para ma-witness ko yung sunrise, tapos uulan hanggang maghapon. Tapos titigil yung ulan para makita ko naman yung sunset at uulan uli sa gabi. Super cozy kasi ng feeling pag gloomy at maulan.

PS: Used my non-dominant hand to draw the icons para maka-recover na yung kanang braso ko

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s