Categories
French Hobbies

Learning French Update

Last month ko pa gustong magsulat ng dedicated post sa pag-take ko ng French classes. Super excited ko talaga nung first few days. Ngayon, nawala yung excitement. Ang pumalit na emotions ay challenged at determined. Kasi kahapon parang napahiya ako sa sarili ko after nung class namin. Hirap na hirap pa rin akong mag-construct ng sentences. Yung alam ko yung words, yung vocab, pero super challenging sakin na i-piece sila together.

Nung ang tagal ng dead air kasi hindi ako makasagot dun sa question nung teacher, naramdaman ko na nakakasayang ako ng oras. Kasi 1 hour lang per session. May mga former classmates naman ako na nagkakaganun pero ayokong ako yung ganun. Siguro may kasama ring kaba kaya naba-blangko ako pero ayoko nang maulit.

My Notion page dedicated for learning French

Nakatulong yung podcast episode ni Dr. Andrew Huberman sa mood ko na mag-aral pa lalo. About boosting attention and memory yung episode. Kahapon kasi after nga nung class, na-discourage ako. Yun yung initial reaction ko. Naisip ko pa, baka masyado na kong matanda para mag-aral ng bagong language which is hindi naman totoo. Pero after kong mahimasmasan, na-challenge ako lalo kaya until 10PM ako nag-oorganize ng class notes.

Pero eto yung notes ko from the podcast episode so far. Halfway pa lang ako sa pakikinig. Tapusin ko bukas.

Super nagustuhan ko yung term nya na ‘brain bubblebath’ 😊

Yung pag-aaral ng ibang language for me, hindi na nagma-matter kung madali ba sya or mahirap. Parang ang question na ay hanggang kelan ko kayang maging consistent? Na hindi aabot sa point na puro negative feelings na yung mararamdaman ko everytime mahihirapan ako? Kaya yung napulot ko dito sa podcast episode na pampa-improve ng mood, malaking tulong. Kasi kung okay ang mood ko, mas mataas ang threshold ko sa mga komplikadong bagay.

Naka 3 weeks and 1 day na kong nagte-take ng classes. In terms of progress, yung pag-iintroduce ng sarili super easy na sakin kasi araw-araw naming ginagawa. Kaya ko na rin mag-construct ng very simple sentences tulad ng, “I have cats.” “I work for 2 hours.” “I’m an illustrator.” or “I like chocolates.” Pero yung, “I wake up at 8AM and then I’m going to do yoga. After that, I will take a shower then cook our lunch…” Hindi pa. Kaya ko siguro pero mali-mali at kulang-kulang.

Yung vocabulary, madami na rin akong alam. Baka more than 100 words na yung alam ko pero ang struggle ko lang talaga ay mag-construct ng sentences!! Grr. At dahil yan ang struggle ko, balak kong mag-blog in French. Susubukan ko talaga kahit mali-mali yung spelling at grammar. Mga simpleng statements lang para ma-practice ako. Tapos I hope in the future pag nabasa ko yung mga pinagsusulat ko, matawa ako. Kasi kung natawa ako, ibig sabihin gumaling na ko.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s