Categories
Life

Favorite Conversations #2

Hindi ko na alam kung anong pinapanood namin basta ginaya nya yung sinabi nung actor na:

“I appreciate you.”

Tapos sinundan nya ng:

“You’re the best wife ever.”

Di ko napigilan yung luha ko 😭❤️

Categories
Insights

Motivation Hack #1

Haha eto nanaman ako sa blog series ko. Masundan kaya tong ‘motivational hacks’ ko na to. Basta may nadinig kase ako sa isang podcast na sobrang na-inspire ako and up to now nag-stick sya sakin.

Sya daw ay everyday pumupunta sa gym. So tingin siguro ng mga tao sa kanya ay “this guy enjoys working out”. Pero hindi daw. Sobrang hate daw nya mag-gym. Pero kaya pa din nya ginagawa is kasi yun yung type of person na gusto nyang maging — a person who goes to the gym. And that keeps him going. So yun. Kaya everytime tinatamad ako o ano man (whether drawing, reading or exercise), naiisip ko yun lagi.

So yun lang ang motivational hack for the day. Sobrang kelangan ko ng mga ganito kasi nga fulltime freelancer na ko. Hindi ako pwedeng parelax relax lang. Okay goodluck!

Categories
Life

Dendereren dereren

Okay so. Sobrang excited ako ngayon kasi binili ko yung digital piano ng pinsan ko at dadalhin daw nila dito ngayon. Yahooo!! Sobrang tagal ko nang dream (as in grade 1 pa lang ako) na magka piano. As in ito yung isa sa mga pinaka-aasam asam ko. Digital lang sya pero para syang the real thing. I have been a keyboard snob (naks) kasi para syang laruan pindutin. Since clasically trained ako (sobrang yabang pakinggan nakakajirits), never ko naenjoy magpiano sa keyboard. Pag piano kase, mejo may resistance yung keys (or tiklado). Unlike sa keyboard na soft yung keys. At kahit yung mga piano teachers ko din ang nagsabi hindi daw ako gagaling magpiano sa keyboard/organ. Pero dito sa digital piano, matigas syang pindutin hindi parang laruan. Kaya nung na-experience kong tumugtog dun, sobrang sayo ko! Ang mahal kase ng totoong piano and kahit may pambili ako non, hindi naman yun pwede dito sa maliit na apartment. Pano pati iaakyat yun. So nung nadiscover ko sa pinsan ko tong digital, medyo abot kaya and para na din syang the real deal.

So eto na nga. Tinanong ko kse yung pinsan ko magkano ang bili nya dun sa kanya. Nasa 50-55k daw. Tas biglang sabi, “Wanna buy mine instead?” Tapos half the price daw. Say whaaat? Yayayayayay!! Eh halos hindi nagamit yun. Alam ko kse 6 months kaming nakatira sa kanila dati. Yeheyyy! Sana wag maudlot at dumating na talaga mamaya.

And sa sobrang excited ko, umorder na ko sa Amazon ng piano books a few days ago.

Thanks sa Amazon gift card from our bank

Hays I can’t wait! Kaya siguro hindi pa ako makaligo ngayon. Mamaya siguro tatawag na yung tito ko para sabihing on the way na sila. Hihihi. Hay feeling ko maiiyak ako mamaya. Huhu ang saya kooo 😭

UPDATE:

Sobrang saya ko 😭😭😭
Categories
Canada Food Pilipinas Wellness

Cooking Skills + Virus

Lately, sobrang nahihilig akong magluto at magbake. Hindi ko sure kung nahihilig ba o kelangan lang kasi wala naman ibang magluluto dito. Sino bang madaming free time saming dalwa, syempre yung walang trabaho. Pero parang mixed na hilig at no choice kase natutuwa din naman ako lalo na pag masarap yung gawa ko (which is 90-95% of the time). Yun eh sa panlasa ko lang ha. Baka kay Kenneth lang pumapasa yung luto ko. But nevertheless, na-upgrade talaga yung cooking skills ko habang tumatagal and lalo ngayon na mas napapadalas ang pagluluto ko. Exhibit A to C:

Crispy pork binagoongan. Sarap!
Chewy chocolate chip oatmeal cookie. Ang sarap!
Lomi. Sabi ni Kenneth masarap pero sakin sakto lang.

Tapos thank you saking Etsy shop, hindi zero ang nacocontribute ko sa household na to. May ilan pa din na bumibili ng stickers despite of COVID-19. Madaming nagsu-support sa mga small businesses. Pero syempre, konti lang ang kinikita ko dun. Kelangan ko pang mag-isip ng ibang source of income. Sa ngayon, pagiging illustrator na talaga ang tina-target ko. May special place pa din sakin ang graphic design pero mukang nage-enjoy akong magdrawing nowadays. We’ll see kung sa ang punta nito.

My messy desk

And konting balita lang sa mga nangyayari ngayon para sa future self ko pag binalikan ko tong post na to:

  • Pataas pa din ng pataas ang cases ng COVID-19 positive. Sa Pinas, naka-lockdown pa din sila and mukang maeextend pa din ang quarantine. Dito naman sa Canada, specifically sa Manitoba, pwede naman lumabas pero strict ang pag-observe ng social distancing.
  • Isa sa mga struggles nila sa Pinas ay ang pagbili ng pagkain. Kung san makakapag-grocery. Tapos may schedule din kasi ang pag-labas. Ang Papa naman, ang struggle nya ay kung pano makakatiis na wag umalis ng bahay. Napagalitan ko nga nung minsan kasi lumabas daw tapos naginom. Sinumbong sakin ni Tricia. Eh di chinat ko pinagsabihan ko. Pero sineen lang ako hehe. Baka tampo sakin.
  • Yung isa sa mga pinakamasaklap na nabalitaan ko eh yung mga bangkay na nakatambak lang sa hallways ng ospital kasi hindi na kasya sa freezer sa sobrang dami. Grabe yung video nakakapanindig balahibo. Grabe talaga. Kaya Papa please wag kang makulit. Kasi kahit sabihin na ayos kami dito, hindi ka naman masasatisfy ng ganun kung alam mong yung mga kamaganak mo sa Pinas ganun ang sitwasyon. Hays. Kung pwede lang talagang dito na kami lahat.
  • Madaming galit sa gobyerno at madaming nagaaway-away.

Okay wala na kong maisip. Hanggang sa muli.

Categories
Art Food

Productivity + Chef Bumburumbum + Underwhelming Ramen

First of all, medyo naffrustrate talaga ako sa productivity ko simula nung nagresign ako. Sabi ko nung may trabaho pa ako, nasasayang yung oras ko sa office. Imbis na nakakapag-art attack ako and maka-attract ng potential clients, nasa office ako. Sabi ko, makapagresign lang ako, ang dami ko sanang oras para makapag create. Pero ngayong resigned na nga ako, hindi ko ma-utilize yung oras ko ng maayos. Sobrang distracted ako sa Instagram. Hays. The temptations.

Although hindi naman ako naging zero percent productive, ang konti pa din ng nagagawa ko. Nakaka-disappoint. Tapos magi-guilty ako eh kasalanan ko naman talaga. Kanina, kakatapos lang nung ginagawa ko na art set. Ang theme is baking cookies. Happy naman ako sa kinalabasan.

Set 1: Objects
Set 2: Experience

So yan lang yung nagawa kong productive. And 2 weeks ko syang ginawa. Pero feeling ko kaya ko tong gawin in 2-3 days. Hindi ko alam kung bakit pero wala talaga ako sa mood gumawa sa umaga. Yung pag maliwanag. Mas gising yung utak ko and mas nakakapagisip ako pag gabi. Kaso ang tendency ko, pag tapos na si Kenneth sa trabaho, gusto kong mag-bonding kami kaya sinasabayan ko syang mag-chill. Pero ang lame ng excuse ko kaya kelangan ko pa din magbago.

Pagdating naman sa cooking skills ko, feeling ko ang tino ko na talagang magluto. Sobrang nakaka-proud kasi almost everytime nagluluto ako, wala nang sukatan. Tancha tancha na lang. Dati kasi for example magluluto akong nilaga, pag sinabing 1 tsp salt, susukatin ko talaga. Sobrang noob. Pero ngayon hindi na. Tsaka minsan hindi ko fina-follow yung recipe unlike dati na kung ano yung nandun, yun lang yung gagawin ko. Kaya nung sinabihan ako ni Aryan na gumawa na daw akong ng separate IG account para sa mga niluluto ko, gumawa nga ako kasi naisip ko din magandang reference pag nauubusan ako ng ideas ng mga lulutuin. Chef Bumburumbum yung pangalan, si Kenneth ang nakaisip. Bumburumbum kasi kilala ang mga Pagbilaoins sa word na to. Mga niluto ko the past 2 weeks:

Frittata cups
Baked macaroni
My favorite, maja blanca

Since naka self-quarantine pa din kami, hindi ako makapag-grocery. So naubusan na ko ng mga lulutuin. Ubos na ang mga gulay namin so ang limited lang ng mga recipes na pwedeng lutuin, wala nang pangsahog. Eh as much as possible ayaw ko pang lutuin yung mga de lata namin. So madalas nagpapadeliver din kami sa labas which is isa pang gusto kong iwasan kasi mahagad talaga. Pero minsan wala din talaga kong disiplina. Tapos yung latest pinadeliver namin ni Kenneth eh yung medyo matinong ramen dito sa Winnipeg. Pero compared mo sa ramen places sa Manila, sobrang inferior pa din netong nandito. High yung expectation namin nung una kase chef daw from Japan so ine-expect ko, yung lasa, at par dun sa mga ramen na natry namin sa Japan or at least yung sa Pilipinas. Pero ang waley pa din. Matabang yung broth. Kaya sobrang na-appreciate ko yung mga ramen places sa Manila. Ganun pala talaga siguro kahirap gumawa ng masarap na ramen.

The underwhelming ramen
Hinati ko yung ramen kasi alam kong hindi ko mauubos yung buo

Balak ko nga palang gumawa ng Youtube channel about sa art ko. Why not. Malay mo may manood. Pero naiisip ko ang matrabaho masyado. Hindi pa nga ako nakaka-gain ng momentum sa art stuff ko tapos sisingitan ko pa ng iba nanamang activity. Hays. Kakaasar. Nakaka-disappoint talaga. I will try my best pa din.

Ordered some books. Yung graphic design book lang talaga ang intended kong bilhin. Extra lang yung iba para umabot ng $45 para free shipping.