Doing this para ma-distract ako sa kalungkutan.
TUESDAY
6:55 AM
Nagising ako ng 4:44 AM at si Almond agad ang una kong naisip. Chinat ko yung vet clinic slash pet hotel kung kumakain ba si Almond. May chat din ang Mama tungkol sa crypto na scam daw.
Natulog ako ulit pero pilit. Nagising ako ng 6 AM pero wala pa ding reply yung clinic. Baka maaga silang magsara.
Kaya nga pala nasa pet hotel si Almond kasi mangangasal ang in-laws ko at 3 days silang wala. Pinagisipan na namin at wala talagang ibang paghahabilinan kay Almond kaya no choice na dun sya iwan. Pwedeng sa iba, OA yung lungkot at iyak ko, pero wala akong time at energy mag-explain kung gano ko sya kamahal.


