Categories
Canada Life Today's Log

Today’s Log 15 | Tanginang Road Test

9:15 AM

Hindi ko inexpect na iiyakan ko ‘tong driving. Every after practice, gusto kong umiyak (twice yung totoong umiyak talaga ko). Frustrate na frustrate na kasi talaga ako kasi hindi ko sya magawa ng tama. Kung tumama man ako, hindi naman ako consistent. Pano na ko papasa?

Kahapon kasi nag-practice kami ulit at nilampasan ko nanaman yung stop sign (yung 4-way stop). Hindi ko alam bakit hindi ko napansin. Tapos ang daming comments nung tito ko sa pag-drive ko pero hindi ko naman minamasama kasi totoo. Nakaka-frustrate lang talaga kasi ginagawa ko naman yung best ko at naka-focus naman ako pero ang bulok ko pa din. Ang bulok ng coordination ko. Siguro oo expected naman, kasi nga baguhan pa lang ako. Pero eto yung mga moments na gusto mo nang umayaw at ang tumatakbo sa isip ko ay baka hindi ko talaga ‘to kaya.

Ang dami ko lang talagang feelings sa driving ngayon. Kasi ngayon na yung road test ko kaya extra hindi ako mapakali. Hay gusto ko nang matapos. Gusto ko nang mag fast forward sa 5 PM tapos malalaman ko na lang kung pasado or bagsak ba ko. Ayokong i-experience yung mismong road test, gusto ko na lang malaman yung result.

Hindi ako makapagisip ng maayos at hindi ko magawa yung mga gagawin ko dahil dito. Basta after nito, bagsak man o pasa, sobrang luluwag na yung pakiramdam ko. Pero sana naman pumasa na ko para wala na talaga kong iisipiiiiin. Kasi kung bagsak nanaman, prolonging the agony nanaman until mag road test ako uli.

Buti pa ‘to walang kaproble-problema

Ah pota tama na nga. Ayoko nang bigyan ng emphasis masyado ‘tong road test na ‘to. Gusto ko lang i-address yung current kong nararamdaman. Mukang nakatulong naman ang pagsusulat (as always).

Okay magbabasa na ko. Ang fitting pa nung binabasa ko, Anxious People. Pero feeling ko hindi ako ma-aanxious dito kasi funny yung book.

Orayt tingnan na lang natin mamaya. Mamayang 3:40 PM ang road test ko.

6:10 PM

So eto na nga. Bagsak nanaman ako 😂 Laughing emoji pero umiyak nanaman ako kanina. Hahaha. Kay Kenneth lang ako nakakaiyak pero pag iba yung kausap ko napipigilan ko. Pero pag kay Kenneth, bagsak lahat ng defenses. Ang bilis ko umiyak. Tsaka iyakin naman talaga ko di lang halata. Tapos chinat ko yung tito ko nangasar pa lalo.

Tanginang driving talaga ‘to. Hindi ko magawa gawa. Mas okay pa sakin hindi matanggap sa trabaho kasi may ibang companies naman or pwede akong mag-change ng career. Pero etong road test, dun at dun pa din ako babalik. Wala akong kawala.

Kaya din siguro extra extra yung frustration ko dito, kasi sa mga major happenings na na-experience ko, hindi ako bumabagsak. So hindi ako sanay sa ganitong feeling. Board exam, pasa. IELTS, pasa. Japan at Korean visa, approved. Application pa-Canada, approved. Kaya naman siguro ganito na lang yung iyak ko dahil lang dito sa road test na ‘to. Siguro it’s about time daw na makatikim naman ako ng sunod sunod na failure. Masyado na daw akong na-spoil ng universe.

Categories
Canada Life

Yabang = Stress

Kahapon, hindi naging maganda ang driving lesson session ko. Sa sobrang stressed ko at dahil ngayon na yung road test ko, naiyak ako habang kinekwento kay Kenneth. Siguro yung pent up nerbyos ko, kahapon lumabas. Pinapaulit ulit ko na lang na sinasabi na, “Eh di kung bumagsak ako, may 2nd take naman and 3rd and 4th and so on. Tsaka hindi naman sobrang kailangan na magka-license ako ngayon kasi work from home naman kami pareho.” Tapos sabi ko din na, “I-eexpect ko na lang na bagsak ako para mawala yung pressure.” Pero hindi umeepek. Stressed pa din ako.

Kasi ang totoo, super gusto ko talagang pumasa. Gusto ko na ‘tong matapos. Gusto ko din ipagyabang na first take ako kasi si Kenneth at yung mga pinsan kong lalake at yung tito ko rin, naka-second take. Gusto ko na rin makapag-drive din talaga kasi si Kenneth tamad mag-drive. Pag meron akong gustong puntahan na trip ko lang and walang ibang purpose, most of the time tinatamad sya. So madaming benefits kung makapasa ako.

Pero, naisip ko ngayong umaga habang nagbabasa ako, na kung bumagsak ako, ang ibig sabihin lang nun ay: hindi pa talaga ko ready mag-drive. Kung bumagsak ako, ibig sabihin, hindi pa enough yung driving skills ko para maging less prone ako sa aksidente. So bakit ko gugustuhing pumasa kung hindi pa naman talaga ko ready? Sabi nga ng kuya ko during our almost everyday video calls, isang reason daw siguro kung bakit ang daming pasaway na drivers sa Pinas ay dahil dinaya yung pagkuha ng lisensya. Unlike dito na legit talaga. Makes sense. Dito disiplinado. Rare kang makarinig ng busina. Nagbibigayan pati madalas.

At isa pa, driving test lang naman ‘to. Hindi naman ‘to board exam na talagang masakit sa puso kung bumagsak ako.

Yun kasi ang mahirap pag gustong magmayabang. Since ang dami kong narinig na kwento na sila ay naka-second take, gusto kong maging angat at ipagyabang na nakuha ko sya sa first take. Kayabangan naman pala ang umiiral. O eh di ngayon, na-sstress tuloy ako dahil sa kayabangan ko. Hahaha. Yun lang pala yun.

May final driving lesson ako in 25 minutes so magre-ready na ko maya-maya. Tapos few hours after road test ko na. Badtrip nag-snow pa. Madulas ang kalsada. Hays we’ll see!!!

UPDATE:

Yung snow talaga yun eh!😆

Bagsak si yabang. Hahaha. Yung mali ko is dumulas ako sa snow. Dapat daw mas pinabagal ko pa yung sasakyan nung paliko ako. Dumulas tuloy ako. Badtrip kasi. Kahapon naman walang snow. Kung wala sigurong snow baka may chance pang pumasa ko. Oh well.

Tapos may kasabay ako mag-road test. Babae din na mas matanda lang siguro sakin ng konti. Mas nauna sya sakin tapos bumagsak din. Ang masaklap, birthday nya ngayon 😅 Haha ang sad. Bigo kami pareho.

Pero ang nakakasama ng loob ay hindi yung pagbagsak ko. Masama ang loob ko kasi gastos nanaman pag nag-road test ako uli. $110 din yun. Mga 4k sa peso. Sana maipasa ko na sa next para di aksaya sa pera 😭