Categories
Free Posts Life Ramblings TV

Thoughts Medley

May mga times na gusto kong magsulat dito pero sabog-sabog yung thoughts sa isip ko. Di ko alam kung san ba ko magfo-focus. May mga times din na instantly, alam ko agad kung tungkol saan ang gusto kong isulat. Sa mga times na ganito, na wala akong mahagilap na topic pero andun yung desire kong magsulat, nagsisimula ako sa kung ano bang nararamdaman ko.

Ano bang nararamdaman ko?

“Ang lamig!”

So pwede akong magsulat tungkol sa weather at ikwento na nag-s-snow nanaman.

Iyak nanaman si Kenneth pag-shovel ng snow
Categories
Pals TV Hobbies Secrets

Life Updates: Crylaloo + AI Antidotes + Currently Watching

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

1.

I intend to write last Thursday kaso sobrang bothered ako by something. Tapos kinabukasan maghapon akong nagiiyak. Literal na mula umaga hanggang hapon. Ang sakit tuloy ng ulo ko. Magaganda pa naman mostly yung ikikwento ko kaya hinintay ko lang na maging better ang kondisyon ko bago ko sila isulat.

Hindi pa rin ako sobrang okay. Medyo mabigat pa rin ang dibdib ko at may konting sakit pa rin ng ulo. Tingin ko okay na yung isip ko—I’m thinking more positively now. Pero yung katawan ko feeling ko napagod kahapon kaya meron pa rin akong residual physical symptoms na nararamdaman. I will try to eat healthier today at mag-workout para maka-recover na rin physically. Nag-yoga na ko kaninang umaga so that’s a good start.

2.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Food Hobbies Pals Secrets TV

Life Updates | Chef Bumburumbum + Disappointing K-Drama + Protein Bar Wrapper

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

1.

My cooking enthusiasm continues! Tuwang tuwa ako sa pagluluto ko recently. Ang dami nya kasing benefits:

  • hindi nasasayang yung mga binili naming gulay
  • nakakatipid kami at nasusunod ang food budget namin
  • homecooked meals are healthier
  • happy si Kenneth na laging may food tuwing lunch break nya
  • I feel somewhat creative pag mino-modify ko yung mga recipes na nakikita ko
Chia pudding with blueberry-blackberry jam and peanut butter

Happy ako sa discovery ko na ‘to kasi ang dali lang pala gumawa ng fruit jam! Kala ko kelangan pa ng heat at pakulo, pero may simple version pala. Few months ago, bumili ako ng blackberries at na-disappoint ako kasi ang asim. Yun din yung nangyari sa blueberries na binili namin last month. Hindi matamis. Hindi ko titiisin na kainin yung mga yun kasi bukod sa hindi enjoyable, magkaka-heartburn lang ako sa asim, so nilagay ko na lang sila sa freezer. Gagawin ko na lang silang smoothies in the future para hindi masayang. Kaso hindi nangyari kasi nawala na yung hilig ko sa smoothies. Kaya ang perfect na nakita ko yung simple jam recipe na yun. Nagkaron ako ng idea kung pano i-consume yung sour frozen fruits. Na-counter nung honey yung asim kaya palatable na sya for me.

Since puro karne kami last time, naisipan kong lutuin naman yung salmon. Simpleng bake lang with garlic butter. I partnered it with quinoa and veggies para ma-utilize ko yung zucchini at bellpeppers. Gusto ko lang ng konting crunch kaya nilagyan ko ng potato chips on the side.

Binagoongang tokwa’t baboy with talong

Eto mainit-init pa. Kakaluto ko lang kanina. Tofu at eggplant lang talaga yung nasa recipe pero since meron kaming tirang isang slice ng pork belly, isinama ko na. Happy ako dito kasi nagamit ko dito yung kamatis at talong.

2.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Happy Things Hobbies Money Diaries Pals Secrets TV

Happy Things #30

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Binge Galore

Ang daming magagandang series na lumabas nitong January! May mga times na wala na kaming mapanood ni Kenneth (evening routine naming mag-couch potato), pero this time ang daming options!

  • Can This Love Be Translated?
  • A Knight of the Seven Kingdoms
  • Shrinking (season 3!)
  • Frieren (season 2!)
  • Bridgerton (season 4)

Lahat yan sabay namin papanoorin ni Kenneth except Bridgerton (hindi sya fan) kaya nasimulan ko na sya kahapon. Episode 2 pa lang ako at okay naman sya. Mala-Cinderella ang istorya.

Ang pinapanood namin ngayon ay Can This Love Be Translated? Maganda naman. Kaso minsan, nakaka-frustrate yung subtitles kasi parang hindi sya na-itranslate ng maayos to English. Lalo na dun sa isang scene na yung sinabi nung bida, hindi akma dun sa ginawa nya. Kaya may times na naguguluhan kami ni Kenneth, tapos ip-pause muna namin para i-decipher yung words.

Can this show be translated??

New Colours

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.