Ilang beses ko na na-encounter yung, “Be kind. Everyone is fighting their own battle.” Agree naman ako. Minsan lang ka-disappoint na nagttry kang maging kind at may pakealam pero dedma. Ok lang. “Be kind.” nga eh.
Ka-chat ko yung bunso naming kapatid. Tinanong ako kung hindi daw ba ko nasasamid kahapon dahil may bago silang nilalaro na board game tapos hindi daw nila maintindihan yung rules. Paulit ulit daw sila na, “We need ate Gleniceee!” Bigla akong nahomesick at humagulhol ng iyak. Hays.
UPDATE: May kadamay na ako pagiyak 😂

Tapos tumawag yung tita ko, pinakita sakin ang Mommy (lola ko), nagiiyak din 😄 Uwi na daw ako. Yung pagkakasabi pa ng Mommy lalong nakakaiyak. Sabi ng Mommy habang umiiyak, “Uwi na!” tapos parang galit na frustrated. Huhuhu. Hays. Kung ganun lang kadali 😭

Ang daming posers. Tama na ang pagsisinungaling.
Just now ginoogle (nag-struggle ako pano i-spell), ni-Google? Ginugel. Basta nag-search ako sa Google ng, “how to be less tense” dahil nga pansin ko, parang lagi akong gigil. Gigil ako maligo, mag-toothbrush, mag-luto. Yun bang feeling ko nauubusan ako ng oras so kelangan kong magmadali kahit hindi naman. Hindi ko alam bakit yung mga ordinary activities like maghugas ng pinggan, magtiklop ng kumot, parang nastress ako. Basta yun yung feeling ko. Na kelangan kong magmadali. Na hinahabol ko yung oras. Kahit alam ko naman na wala naman akong hinahabol, hindi ko kelangan magmadali. Hindi ko maintindihan.
So based sa Google, expected ko na yung mga usual advice na meditate, breathing exercises, na hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita yung benefit kahit na-try ko na sya ilang beses. Siguro dahil hindi ako consistent. Pero yung isang advice ay: mag journal. Kaya nandito ako ngayon. Kasi ito yung tried and tested method na gagaan yung pakiramdam ko once magsulat ako dito.
Hindi ko lang maintindihan bakit may ganun akong tendency and almost everyday sya. Parang everyday nga talaga. Pero recently mas nagiging aware na ko so sinasadya kong bagalan yung galaw ko pero yung utak ko sinasabi pa rin na, “Bilis bilis!” So hinahayaan ko lang sya basta sinasadya ko pa ring bagalan yung paggalaw. Pero hindi pa rin sya nakakatulong kasi ang gusto kong mawala is yung pagiisip kong magmabilis. Kelangan kong rumelaks.
*after some more googling*
Isa daw reason is perfectionism. Which I can agree. Siguro may tendency yung utak ko na isipin na, “Today should be a productive day. Today should be a perfect day.” Parang totoo nga. Whether I think about it consciously or subconsciously, mukang ganun nga yung nangyayari.
Not only is this pursuit fruitless – “perfect” simply doesn’t exist – but it’s also exhausting.
When we’re living in permanent “chaser” mode, hankering after what comes next – we miss the moment. We’re going to find ourselves struggling to find contentment with what’s happening right now.
https://myonlinetherapy.com/why-am-i-so-tense-all-the-time/
May tina-try akong i-apply na mantra before (actually hanggang ngayon naman) dahil hindi naman ito yung first time na na-notice ko ‘to sa sarili ko. Yung mantra is: Slow, intentional living. Nahihirapan lang akong i-apply dahil nga hindi ko pa rin maiwasan makaalis sa “chaser mode”. I think the only thing to do is, try better next time. Try lang ng try. Parang yun lang talaga ang magagawa ko.
What’s more, it reaps havoc on our physical health. Chronic tension pushes our body into an almost constant state of “fight-or-flight” with heavy consequences (headaches, digestive issues, high blood pressure etc).
https://myonlinetherapy.com/why-am-i-so-tense-all-the-time/
I bet it also causes chronic low grade inflammation—which I’m trying to avoid. Lastly from this article:
Perfectionism has been passed down by the generations before you – but it’s not your weight to carry. Shifting the focus to getting your deeper needs met – rather than the superficial ones – is going to help you gradually restructure your life in a way that allows space for fun, love and connection, bringing with it more lasting fulfilment.
https://myonlinetherapy.com/why-am-i-so-tense-all-the-time/
Ugh gusto ko yung “Perfectionism is not your weight to carry.” at “getting your deeper needs met”. Ganda. So yun. Sinasabi ko na nga ba pagsusulat lang ang sagot (and Google). See? I feel so much better. Self therapy is the best. I guess yun nga. Just try to be better. And again, self compassion if I screw up. Be patient with myself. Thanks self!
Lately, nawawalan na ko ng time and energy magbasa. And nafi-feel bad ako about it until narealize ko na hindi naman dapat. Initially, I felt bad dahil baka hindi ko ma-reach yung goal ko na 50 books this year. Napatigil ako bigla and napaisip. Sa mga bago at interesting information na natutunan ko from reading this past few months, ilang percent yung na-retain sakin? Parang ang konti lang. Hindi kaya sa sobrang dami kong nabasa, na-jumble na masyado yung utak ko which resulted to less retention? Hindi ba mas maganda kung I read less books pero mas madami akong naaalala?

At yung isa pa, I already read 27 books this year and I have to remind myself that it’s nothing to scoff at. For a lot of people, it’s already an achievement. So parang ang useless nung pagka feel bad ko. But I would still like to be able to read more than I usually do. Pero siguro less pressure from myself na lang.
I’m currently reading The Healing Self (my non-fiction pick) and Tokyo Ever After (our book club book of the month). So far nag-eenjoy ako pareho sa kanila and malapit ko na matapos yung The Healing Self. I chose this book dahil baka makatulong sa chronic condition ko. I’m taking meds pero gusto kong samahan ng ibang approach para holistic yung pag-improve ko.

Ayun. Kelangan ko nang mag-exercise para makaligo na ko para makakain na ko para makapag farm na ko ng SLP. Good morning!
Jennifer Lawrence
While doing some chores, I randomly thought of Jennifer Lawrence and what happened to her. I guess I was missing her (close kami??) And now she has a new movie with an all-star cast (Leo, Meryl Streep, Cate Blanchett, Ariana G, even Matthew Perry!) I just wasn’t sure about the trailer. Parang hindi maganda. May pagka sci-fi pero ang vague. We’ll see.
Nalaman ko rin na buntis na pala sya! Hindi naman ako super fan pero ang tagal nya kasi nawala tapos wala pa syang social media. Yun lang.
- Nakabenta kami ng 3 axies within the past 24 hrs
- Hindi na ko adik sa Instagram
- Ang gloomy ng panahon ngayon

- Nabawasan ang timbang ko
- Heart to heart talks with Kenneth
- Nakatikim uli ako ng Irvins salted egg potato chips

- Dumating na yung order kong cookies
- Tapos na sa chemo ang tita ko

- Ang sarap nung kare kare na gawa ng tita ko (different tita from above)
- Tapos ko na yung pina-design na invitation ng kaibigan ko at na-receive ko na yung physical copy

- IA Patreon subscription
- Nakalipat na ng company yung kapatid ko (sana mas okay)
- Anniv pasyal

- Na-convince ko yung tatlong kapatid ko na mag-invest sa crypto
- Mukang mas matino na yung tumitingin na doktor sakin. Start ng new treatment next month.
- Na-discover ko na favorite pala ni Cashew magpa-brush

- May matino na kong mouse
- All green na ang portfolio namin
- Yung niluto ni Kenneth na shrimp boil

So far, I’m doing a good job na hindi mag-scroll sa social media. Hindi ko alam kung kelan nagsimula basta bigla ko na lang ulit naisipan na burahin ang Instagram, Messenger at Facebook sa phone ko. Na-try ko na ‘to several times pero so far eto yung pinaka-successful. And yung amazing pa is, hindi ko sya nami-miss. Hindi ako hindi napapakali.
Burado yung mga apps sa phone ko pero nasa iPad ko sya. Pero ang maganda kasi sa iPad, malaki sya at mabigat. Hindi sya katulad ng phone na easy access. Tapos ang hirap pa mag-type sa iPad so nakakatamad gawin yung mga typical na ginagawa sa phone.
Pag nagch-check ako ng Instagram sa iPad, yun eh dahil gusto ko lang makita kung may bagong IG story or DM yung bunsong kapatid namin. Kasi kalimitan dun sya mahilig mag-chat hindi sa Messenger (ganun ata pag Gen Z) tapos gusto kong makita yung mga post nya kay Whiskey (pusa nila). As in yun lang ginagawa ko. Hindi na ko nagch-check ng feed at stories ng iba.
Sa rare occasion naman na mag-check ako ng FB, ganun din hindi rin ako nags-scroll ng feed ko. Check ko lang kung may importanteng notification tapos titingnan ko yung Memories para makapag-reminisce ng konti tapos yun na.
May healthier relationship na rin ako sa Messenger. Hindi katulad noon na maya’t maya yung pagcheck ko. Tapos yung mga My Day, yung sa mga kapatid at kamaganak ko lang yung tinitingnan ko. Yun eh pag trip ko lang maningin kasi minsan wala naman sa isip kong mag-check.
Wala akong strict rules simula nung dinelete ko yung mga apps na ‘to sa phone ko pero ganito yung nangyari. Nakaka-peaceful ng buhay. Hindi ako overstimulated tapos wala masyadong triggers. Nakakatuwa nga minsan kasi yung iba magse-send ng pictures ng baby or pet nila. Nakahalata ata sila na hindi na ko ma-social media. At least yung ganun mas special. Direct yung communication. At pinaalam ko na rin naman dati sa mga close friends ko na tawagan lang nila ko anytime since flexible naman yung oras ko.
Yung mas ginagamit ko ngayon eh Twitter at YouTube. Para lang maging updated sa latest crypto news. Minsan magt-tweet ako pag naisipan ko. Parang ngayon.
Yung pinaka amazing pala, I don’t feel like I’m missing out. Eto na ata talaga yung sinasabi nila na JOMO (joy of missing out).
READ THIS IF…
- You don’t want to miss out on a really really amazing, brilliant story
- Kung gusto mong magkaron ng madaming feelings (mostly matawa)
QUICK AND TAMAD SUMMARY
A bank robber has taken hostage a group of strangers. Bank robber sya pero sa apartment viewing naganap yung hostage situation. From an outsider point of view, kakabahan ka kasi baka kung anong mangyari, but what happens inside that apartment is something else.
Funny and heartfelt. Memorable and quirky characters.

Akala ko, Big Magic na ang top book ko for 2021. Pero after ko ‘to basahin, wala na. Sobrang nalito na ko. Sobrang ganda!!! Book of the month namin ‘tong Anxious People and ang dami rin nila na na-inlove sa story, sa writing, sa cleverness, sa characters at kung ano pa mang namiss ko. Ang galing talaga.
I’m back to vlogging! Pero this time mukang legit. Yung mga nauna kasi parang joke time. Eto mukang matino na.
Grabe yung oras na ginugol ko pag-edit para makuha yung color grading (naks!) na gusto ko. Pero ang saya. Sobrang worth it. 3 days ako nag-edit ng paputol putol tapos nung 3rd day, 2AM na ko natapos. Nung parang satisfied na ko sa final product, ang saya saya ko. Gising pa din si Kenneth non tapos paulit ulit ako sa kanya na, “Worth it! Sobrang worth it!” Haha frustrated na kasi ako nung huli kasi ang daming pasikot sikot.
Disclaimer: hindi sya groundbreaking. Haha. Basta natuwa lang ako na medyo decent naman yung kinalabasan. Extra natuwa din ako nung tinanong ako ng kapatid ko at nung ibang friends ko kung ano daw gamit kong camera at mic. Eh yung phone ko lang ang gamit ko, iPhone 12 Mini to be exact. Ayun! Thank you kung papanoorin nyo 😄
