After graduation, nung una, habang di pa ko tinatawagan ng mga ospital regarding sa application ko sa kanila, nag-aapply ako sa mga call center. Bale dalwa na naging trabaho ko bago maging staff nurse. Sa PLDT, nag-uuli kami sa mga bahay-bahay sa Quezon Province para mang-alok sa mga tao na magpakabit sila ng landline or internet. Nakakapagod. Pero joke-joke lang yung trabaho naming yun. Wala lang talaga ko magawa nun. Di ganun kaseryoso. Pagkatapos nun, nag-call center kami sa isang maliit na company sa Lucena. Mga 4 or 6 months ata ako dun. Di ko maalala. Pagkatapos nun, na-hire na ko sa Mt. Carmel Diocesan General Hospital. Eh di ok na. Tuwa na mga kamag-anak ko kasi nagtatrabaho na talaga ko as staff nurse.
One and a half years na ko sa Mt. Carmel. Mula una pa lang hanggang ngayon, di ko talaga nakikita ang sarili ko na magiging nurse ako hanggang mag-retire ako. Dati, nasa isip ko lang yun. Tamang nasa isip ko lang yung thought na yun pero di ko inaaksyonan. Pero ngayon, nagkaron ako ng strong feeling tungkol dito. Ngayon, desidido na talaga kong mag-quit sa pagiging nurse at maghanap ng ibang trabaho. Basta ayoko na sa ospital. Ok lang sakin maging company nurse pero talagang inayawan ko na ang ospital. Hindi ko kaya ang stress ng ospital. May mga araw na sa buong 8-hour shift, hindi man lang ako naka-inom ng tubig, nakakain, naka-ihi, di ko man lang nasulyap phone ko para malaman kung sino yung nag-text. Basta 100% pure trabaho. 110% pa nga kasi minsan, tapos na ang shift, di pa tapos ang trabaho kaya kelangan pa tapusin. Tapos may mga extra-curricular activities pa tulad ng CME (Continuing Medical Education), para syang mini seminar. Minsan kelangan na mag-renew ng BLS at ACLS. Kaya imbis na uuwi na ko para magpahinga, imbis na day off ako, kelangan ko pa umattend sa mga ganun. Tapos minsan, tatawagan ka pa ng station kapag may kulang ka or may nangyaring kung ano. Hindi naman araw-araw na ganto. Pero ayoko nang magkaron ng araw na ganun. Kaya parang hindi ko na kinaya.
Balak ko last day ko na sa June 8. Magpapaalam na ko sa kanila. Ang pinakamamimiss ko syempre sa trabaho ko eh yung mga kasama ko. Nakakalungkot lang. Mamimiss ko sila lahat, kahit yung mga hindi ko ganun ka-close at kasundo.
After ko umalis sa Mt. Carmel, ano na kaya mangyayari sakin. Magiging ok kaya ako? Makakahanap kaya ako agad ng trabaho? Ng magandang trabaho?
Basta. Hindi ako papayag na hindi.
Categories