Categories
Family Secrets

Thursday Letter #14 | Holiday Funk

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Good morning/evening!

Ang nasa utak ko ngayon ay Pilipinas. Kasi nai-imagine ko kung gano ka-festive dun ngayon. Yung ramdam na ramdam mo yung holiday cheer, lalo na sa mga malls. Ang sarap umuwi! Ang tagal ko nang dream na makauwi ng holiday season. Kaso hindi pa matuloy-tuloy. Sa ngayon, magpapatugtog na lang ulit ako ng “Di ba’t kay ganda sa atin ng… Paskoooo… Naiiba ang pagdiriwang ditooo…” like every other December, habang medyo teary eyed.

If we have unlimited funds, we would spend every Christmas and New Year in the Philippines.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
California Family Travel

California 2025 Highlights Pt. 3

Rainy days in LA

Since sobrang konti nga ng kaalaman ko about LA, nito ko lang nalaman na hindi pala karaniwan umuulan sa LA. Kaya niloloko nila kami na kami yung nagdala ng ulan kasi maulan nung week na punta namin. Ngayon ko lang din nalaman na since hindi nga maulan dito, ito yung ideal place mag-shoot ng movies, plus idagdag mo pa yung varied landscapes like mountains, beaches, and deserts—a perfect shooting location. Good to know.

Categories
Ramblings Family

Maliit na Pulang Speaker

I was connecting to my Bluetooth speaker at nakita ko sa device list yung speaker ng Mommy. My heart sank. Bumalik sakin yung mga days sa ospital na tatanungin ko ang Mommy kung gusto nyang makinig ng music, tapos tatango sya. Papatugtugin ko dun sa maliit na pulang speaker yung mga paborito nyang lumang kanta, o kaya minsan mga piano music. Tatanungin ko sya ng, “Rinig mo Mommy?” kasi nakikipagsabayan sa music yung tunog ng mechanical ventilator nya. Ipi-pwesto ko yung speaker sa may ulunan nya para sure na rinig nya.

Hay sobrang miss kita Mommy 😔

Categories
Family Life Secrets Vietnam

Life Updates | TSITP + HUH?? + VCC

You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

1.

Sa sobrang baliw na baliw yung dalwa kong pinsan sa The Summer I Turned Pretty, hindi nila mapigilan na magkwento sakin kahit wala naman akong gatiting na idea sa story nun. Alam ko lang na libro sya at meron syang TV adaptation pero yun na yun. Alam rin nilang hindi ko alam kung anong pinagsasasabi nila but it doesn’t stop them from talking about Belly, Condrad and Jeremiah. Hindi nga sila yung, “Ate panoorin mo! Maganda!!” Hindi. As in diretso lang sila agad sa mga ganaps kaya litong lito ako. Ang alam ko lang kilig na kilig sila kay Conrad, hate nila si Jeremiah, at super frustrated sila kay Belly. So ako tuloy, mapapatanong sa kanila kung bakit. At sa kaka-bakit ko, nagkaron na ko ng idea at nagkaron na ko ng interes panoorin pagbalik ko ng Canada.

After almost isang oras na kwentuhan about TSITP, sabi ni Isabelle, “Para tuloy gusto ko ulit panoorin mula season 1.” So ayun. Sinimulan din namin at naintindihan ko na rin kung bakit sila nababaliw dun sa tatlo. Hindi pa ko masyadong makausad sa season 2 kasi nasa episode 3 pa lang ako. Pinaparaya ko kasi sa Mama yung TV para hindi sya mainip.

2.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Family Life Secrets

Life Updates | Family Reunion + Zombie Finger + Booked & Busy

You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Two weeks na ko dito sa Pilipinas at kakagaling ko lang sa sakit. Wala pa ko sa isang daang porsyentong lakas kasi medyo punga pa rin ako at may konting sakit ng ulo. Hindi pa rin maayos ang tulog ko. Nagigising pa rin ako ng 2AM then hindi na ko makakatulog ulit. Pati sa pagta-type ngayon hirapan ako kasi na-sprain ko yung daliri ko.

Halos kakagising ko lang at dito ako natulog sa in-laws ko. Everytime umuuwi ako na hindi ko kasama si Kenneth, I make sure na matulog dito ng ilang nights to spend time with my in-laws. Looking forward ako lagi na mag-stay dito kasi dito ako nakakabawi ng tulog. Parang ito ang aking mini spa retreat after ng mga sunod-sunod na activities with my family.

1.

Nung hinahatid pa lang ako ni Kenneth papunta sa airport, di ko talaga maramdaman yung excitement paguwi. Umiyak pa nga ako sa byahe. Hirapan pa rin akong i-accept na hindi ko makikita ang Mommy pagdating ko.

Kaming mga nasa abroad, halos sabay-sabay yung flight namin pauwi kaya medyo kagulo sa family group chat tungkol sa updates kung nasan na kami. At the same time, merong lungkot, kasi na-iimagine namin ang Mommy na nakikigulo sa sobrang excitement. Ito yung pinakahihintay nya. Na makumpleto ang mga anak nya. Pero hindi na nya naabutan.

Merong nag-message sa group chat ng, “Mommy andito na sila 😢 at “Ito ang matagal nang inaantay ng Mommy.” Hays lalo na kong naiyak.

2.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Family Insights Pals Secrets

Thursday Letter #9 | Expectation vs Reality

You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Pag meron akong mga kaibigan na nawalan ng mahal sa buhay, I will say my condolences, sincerely let them know that I’m just here, then give them space. Aantayin ko na lang silang mag-message ulit pag ready na silang makipag-interact sa outside world. Pakiramdam ko kasi yun yung kailangan nila. Ayokong mangulit, ayokong maka-bother, feeling ko pag chinat ko sila ng “Kamusta?” baka mainis lang sila at sabihin nila na, “Ano sa tingin mo?” Pero ngayon na nagkaron ako ng isang major loss sa pagkawala ng lola ko, in my case, mas na-aappreciate ko pala yung kinakamusta ako. Hindi ko pala kelangan ng madaming space. Kasi pag nagsolo lang ako with my grief, ang hirap nyang dalhin mag-isa.

On comforting someone experiencing grief:

I hope we can talk about the truth of the loss, not distract them from that. Because that is what’s going to help them.

The excuse of, “I don’t want to make them feel uncomfortable” but you’re actually making them feel uncomfortable by not speaking about what’s there in plain sight. Don’t be afraid to go to hard places.

— Lori Gottlieb | How to Deal with Difficult Emotions During Tough Times to Support Your Family and Friends Effectively, On Purpose podcast

Nagawa ko ‘to nung nawalan ng kapatid yung kaibigan ko. Siguro dahil sobrang close din namin kaya hindi mahirap sakin to “go to hard places” with her. Kahit few months after, or even years after she lost her younger brother, napaguusapan pa rin namin minsan yung pain at sadness nya. At ngayon na nawalan naman ako ng lola, ganun din sya sakin. Sabi ko sa kanya, kahit ang tagal ko nang pinaghahandaan ‘to at alam ko namang matanda na rin ang Mommy, never pa rin akong naging ready nung nangyari na. At yung pinakamasakit, hindi mo makokontrol yung way ng pagkawala nila. Kahit gano mo pa i-wish na sana hindi sila mahirapan, it’s really out of our hands. Na-comfort ako dun sa sinabi nyang, “Kahit alam naman natin na hiram lang ang buhay, ang hirap-hirap pa rin talaga.” Walang paghahanda ang sapat pag realidad na ang kaharap natin.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Books Family Hobbies Secrets

Life Updates | Coping Mechanisms

You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

1.

Nung nagkasakit ang Mama, thankful ako sa music ni Chappell Roan. Hindi dahil sa nakaka-relate ako sa mga kanta nya, sobrang ganda lang talaga nung ni-release nyang album. Nakaka-soothe (isa sa mga proof na may healing properties talaga ang music). Basta pag nakakapakinig ako ng music ni Chappell Roan, naaalala ko yung malungkot na moment na yun at kung pano ko sya kinaya.

Ngayong nawala naman ang Mommy, naaaliw akong makinig sa SB19 (thanks Kat sister). Tinatawanan ako ng mga pinsan ko na K-pop fans. Sabi pa ni Isabelle, hindi raw nya gusto kasi mga muka daw maaasim. Hahaha! Basta feeling ko nababaduyan sila sakin. Eh may pagkahilig naman talaga ko sa mga baduy (e.g. Aegis). Basta magaling, kahit baduy, na-aappreciate ko. As in kung may pagkakataon, a-attend talaga ko ng concert nila. Pupunta nga dito sa Calgary ang SB19, kaso nasa Pilipinas ako nun. Sayang.

I’m just extra grateful for music nowadays. It helps me function when it’s too overwhelming to move. Music carries the weight of the difficult emotions and transforms them into something more bearable.

Without music, life would be a mistake.

Nietzsche

2.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Family Life

Lulutang-Lutang

Nung nagsasalita ang mga kaibigan ng lola ko sa burol nya, nakakatuwang pakinggan yung kasiyahan na binigay nya sa ibang tao. Nakaka-proud na isa ako sa mga apo nya. Ang paulit-ulit na mga salita na nababanggit ay yung words na thoughtful at generous. Hindi ‘to yung basta mag-eenumerate ka lang ng positive words para may masabi lang. Yun na yun talaga ang character ng Mommy.

👵🏼👩🏻

Nung elementary ako, pag binibigyan nya ko ng pera pangmeryenda, pati kaibigan ko meron din. Kahit nasa ibang bansa na ko—may trabaho at may asawa na—one time nung umuwi ako, nagulat ako na may inaabot sya sakin na envelope. Sabi ko nyek, Mommy wag na. Ay sakin daw yun. Kasi hindi na raw ako nakakapag-Pasko at birthday sa Pilipinas kaya hindi na raw nya ko nareregaluhan. Basta hindi sya pumapayag na hindi ko tatanggapin. Nung binilang ko after, 20k! Sobrang dami pang example. Sya ang punong abala pagpapatahi ng costumes at gowns pag may activity ako sa school. Sya rin ang nag-udyok at nag-finance ng piano lessons ko. Isa sya sa number one na tumulong sa mga magulang ko para makapagtapos ako ng Nursing. Kahit yung pagaasikaso namin pagpunta ditong Canada, naka-assist pa rin sya.

Wala talaga kaming masabi. Sobra-sobra ang binigay nya sa aming lahat, na kahit anong attempt namin, hindi namin kayang matumbasan.

Categories
Family Life

Sa Pelikula Lang Yun

Few days ago, may tinatapos akong post about something na medyo fun and light—kasi nga puro malulungkot lang yung nangyayari at ayokong yun na lang lagi ang topic ko. Pero ngayong wala na ang Mommy, pano ko pa yun matatapos? Kelan na kaya ulit ako makakapagsulat about something fun and light?

Hindi naman ako minu-minutong umiiyak. Kaya ko pa rin namang ngumiti at matawa. Kaya ko pang manood ng TV at maintindihan yung pinapanood ko. May mga times na wala akong ganang kumain, pero kumakain pa rin ako nonetheless. In short, kaya kong maging normal sa paningin ng ibang tao. Pero pagkatapos ng few seconds/minutes of distraction, ang Mommy agad ang sumusulpot sa isip ko. Mararamdaman ko ulit yung bigat. Actually, hindi naman sya nawawala. May mga bagay o tao lang na nagpapagaan nung bigat.

Categories
Family Life Secrets

Saka na Muna

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.