You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
1.
We watched Stranger Things season 5 volume 1 at sobrang na-excite ako sa volume 2! Kaso ang tagal i-release. Sa Pasko pa. Pero perfect timing na rin kasi on-call ata si Kenneth ng Christmas at malabo naming magawa ang aming Christmas movie tradition sa cinema, so manonood na lang kami ng Stranger Things kasi para na rin namang movie ang bawat episode.
Yung last Christmas movie namin ay Nosferatu. Para tuloy nagkakaron na ng monster theme ang Christmas movies namin (and I think I like it).
Stranger Things volume 1 spoiler alert:
Nung first time pinakita na na-eexperience ni Will yung POV ng demogorgon, naisip ko na yung possibility na maco-control nya yung mga monsters, at yun nga ang nangyare sa ending ng volume 1! (maybe even controlling Vecna sa season finale??) Sobrang satisfying. Will deserved this moment. After being helpless sa mga naunang seasons, yung tipong sya na lang lagi ang kelangang i-save, now it’s his time to shine! I love this for Will.
The thing I’m dreading is yung mga mamamatay before this final season ends (for sure meron!) Ito yung list ko ng mga characters na hindi ako sobrang magiging heartbroken pag nadedz sila:
- Nancy
- Lucas
- Joyce or Jonathan (dapat may isang matira kasi kawawa naman si Will)
- Maybe Eleven and Robin??
Habang naghihintay mag-Pasko, sinimulan ko ulit panoorin yung season 1 (I’m now on season 2).
2.
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.





















