You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
Feeling Pro
First time kong makagamit ng stand mixer nung nag-bake ako sa bahay ng friend namin (Hello Aryan and Hudas!) Ang saya pala talaga nyang gamitin! As in konting seconds lang combined na lahat ng ingredients. Walang kapagod-pagod. Sobrang bano ko. Noon, ang tingin ko sa stand mixer ay pang-pro levelzz lang. Napapanood ko lang yun sa mga experienced bakers. Pero nung nakita ko sya sa bahay ng friend namin, at ginamit ko sya pang-bake ng revel bars, napaka-smooth and convenient pala talaga!
Nung una nga na-intimidate pa kong gamitin. Plano ko na talaga na i-mix lang yung dough using a spatula. Pero sa sobrang thick nung mixture, sumuko na ko. Sinubukan ko na yung stand mixer kahit hindi naman ako marunong mag-operate ng ganun. Pero siguro sa dinami-rami ng napanood kong baking videos sa buhay ko, na-figure out ko sya agad. Na-amaze din ako sa sarili ko kasi alam ko kung pano i-tilt yung head, kung pano i-detach yung mixing bowl sa base, kung pano yung pag-push and turn to remove the beater—all in one try. I was practically a natural at it. Meant to be talaga kami! Haha! Kaya naman sa isip-isip ko, “Gusto ko nitoooo!” And that’s what I got for my birthday!!


Hindi ko pa naman birthday pero in-advance ko na hehe. At buti na lang merong 12 months to pay, 0% interest sa Amazon (may kamahalan din baga). Sa sobrang excitement ko, chinat ko si Aryan para i-share ang good news. And her response made me cryyy…
I Love My Friends
This is my second happy thing. Literal na naiyak talaga ko sa reply ni Aryan:
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.







