
Pag nakakakita ako ng mga videos ng mga farmer’s market haul, natutuwa ako. Parang ang saya nyang activity. Na-experience ko na sya dito pero hindi ako natuwa. Hindi kasi maganda yung farmer’s market dito sa Calgary—to be fair, isa pa lang naman yung napupuntahan ko. Pero ang layo rin kasi dito sa lugar namin. Tapos hindi sya yung farmer’s market na na-iimagine ko. Ang gulo dun sa napuntahan namin. Ang isa ko pang dilemma, once andun na ko, na-o-overwhelm ako sa nakikita ko at hindi ko alam kung anong mga bibilhin ko. But I think nakahanap na ko ng solusyon.






