Categories
Books Family Hobbies Secrets

Life Updates | Coping Mechanisms

You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

1.

Nung nagkasakit ang Mama, thankful ako sa music ni Chappell Roan. Hindi dahil sa nakaka-relate ako sa mga kanta nya, sobrang ganda lang talaga nung ni-release nyang album. Nakaka-soothe (isa sa mga proof na may healing properties talaga ang music). Basta pag nakakapakinig ako ng music ni Chappell Roan, naaalala ko yung malungkot na moment na yun at kung pano ko sya kinaya.

Ngayong nawala naman ang Mommy, naaaliw akong makinig sa SB19 (thanks Kat sister). Tinatawanan ako ng mga pinsan ko na K-pop fans. Sabi pa ni Isabelle, hindi raw nya gusto kasi mga muka daw maaasim. Hahaha! Basta feeling ko nababaduyan sila sakin. Eh may pagkahilig naman talaga ko sa mga baduy (e.g. Aegis). Basta magaling, kahit baduy, na-aappreciate ko. As in kung may pagkakataon, a-attend talaga ko ng concert nila. Pupunta nga dito sa Calgary ang SB19, kaso nasa Pilipinas ako nun. Sayang.

I’m just extra grateful for music nowadays. It helps me function when it’s too overwhelming to move. Music carries the weight of the difficult emotions and transforms them into something more bearable.

Without music, life would be a mistake.

Nietzsche

2.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Family Free Posts Life

Lulutang-Lutang

Nung nagsasalita ang mga kaibigan ng lola ko sa burol nya, nakakatuwang pakinggan yung kasiyahan na binigay nya sa ibang tao. Nakaka-proud na isa ako sa mga apo nya. Ang paulit-ulit na mga salita na nababanggit ay yung words na thoughtful at generous. Hindi ‘to yung basta mag-eenumerate ka lang ng positive words para may masabi lang. Yun na yun talaga ang character ng Mommy.

👵🏼👩🏻

Nung elementary ako, pag binibigyan nya ko ng pera pangmeryenda, pati kaibigan ko meron din. Kahit nasa ibang bansa na ko—may trabaho at may asawa na—one time nung umuwi ako, nagulat ako na may inaabot sya sakin na envelope. Sabi ko nyek, Mommy wag na. Ay sakin daw yun. Kasi hindi na raw ako nakakapag-Pasko at birthday sa Pilipinas kaya hindi na raw nya ko nareregaluhan. Basta hindi sya pumapayag na hindi ko tatanggapin. Nung binilang ko after, 20k! Sobrang dami pang example. Sya ang punong abala pagpapatahi ng costumes at gowns pag may activity ako sa school. Sya rin ang nag-udyok at nag-finance ng piano lessons ko. Isa sya sa number one na tumulong sa mga magulang ko para makapagtapos ako ng Nursing. Kahit yung pagaasikaso namin pagpunta ditong Canada, naka-assist pa rin sya.

Wala talaga kaming masabi. Sobra-sobra ang binigay nya sa aming lahat, na kahit anong attempt namin, hindi namin kayang matumbasan.

Categories
Family Free Posts Life

Sa Pelikula Lang Yun

Few days ago, may tinatapos akong post about something na medyo fun and light—kasi nga puro malulungkot lang yung nangyayari at ayokong yun na lang lagi ang topic ko. Pero ngayong wala na ang Mommy, pano ko pa yun matatapos? Kelan na kaya ulit ako makakapagsulat about something fun and light?

Hindi naman ako minu-minutong umiiyak. Kaya ko pa rin namang ngumiti at matawa. Kaya ko pang manood ng TV at maintindihan yung pinapanood ko. May mga times na wala akong ganang kumain, pero kumakain pa rin ako nonetheless. In short, kaya kong maging normal sa paningin ng ibang tao. Pero pagkatapos ng few seconds/minutes of distraction, ang Mommy agad ang sumusulpot sa isip ko. Mararamdaman ko ulit yung bigat. Actually, hindi naman sya nawawala. May mga bagay o tao lang na nagpapagaan nung bigat.

Categories
Life Secrets

Skincare Haul: Skin Cycling

You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

I am back home at hanggang ngayon, I’m (expertly) avoiding thoughts about my grandma that’s going to make me breakdown. Nagtataka rin ako bakit hindi ako nagiiyak. Scary. Siguro dahil walang nangangamusta sakin at ayoko ring kamustahin ang sarili ko. Ang lagi lang naman tanong sakin ay, “Kamusta ang lola mo?” So naka-focus yung sagot ko sa kung anong nangyayari sa lola ko.

Gusto ko ring magsulat about something light naman. Ayoko namang every check nyo ng bagong post puro kalungkutan lang ang dala ko. Kaya ngayon, I will share kung ano yung obsession ko recently: skincare. Currently, ito yung mga products na actively kong ginagamit:

Bago ko sya isa-isahin, yes, aware ako na ang OA nya sa dami. Pero hindi ko naman sila ginagamit all at once. Some products I only use on specific days. At dun papasok yung skin cycling. It’s basically rotating skincare products so you can target different concerns without overloading your skin. For me na ang skin concerns ay large pores, signs of aging, and uneven skin texture, skin cycling caught my interest. Merong tatlong routines:

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Family Life Secrets

Saka na Muna

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Family Free Posts Happy Things Life Motherland

Happy Things #26 | Let the Light In

In dark moments, it’s important to welcome every bit of light that makes its way in.

ILY Mommy

More than two weeks na ang Mommy (lola sa Mama’s side) sa ospital. There were bad days, and not-so-bad days. Yung ibang kamaganak namin, ang madalas na tanong sa Mommy ay, “Uuwi na tayo?” kahit super unknown pa naman kung kelan talaga makakauwi ang Mommy. Feeling ko nakukulitan na ang Mommy kasi paulit-ulit na uuwi raw pero hindi naman nangyayare. Hindi nya pa kayang magsalita, pero sa mga times na nasa mood sya or may energy syang mag-respond, tumatango lang sya or umiiling. And if we’re lucky, she smiles 🥹

Tagal nyang nakapisil sa kamay ko 🤍
Categories
Life Secrets

(Late) Thursday Letter #8 | Mommy

You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Bilis ng mga pangyayari. Shocked pa ko na nasa Pilipinas ako ngayon. Parang may mali. Kasi hindi pa naman talaga ako dapat uuwi. Sa July pa ang grand family reunion namin. Kaso may mga bagay talaga na hindi maiiwasan. Ilang taon ko na rin ‘tong pinaghahandaan kasi matanda na rin ang Mommy (lola ko, nanay ng Mama). May mga times na bigla na lang papasok sa isip ko, pano kung magkasakit ang Mommy ng malala? Dapat ready akong umuwi habang medyo okay pa sya, at kaya ko pa syang alagaan bago sya kunin ng universe. Ayokong uuwi lang ako kung kelan huli na. And with her current health status, kelangan ko na talagang umuwi.

Mommy is not just my lola, second nanay ko talaga sya. Sobrang spoiled naming magkakapatid sa kanya, lalo na nung kami-kami pa lang ang mga apo nila. Kaming dalwa ng Kuya ang kanilang unang apos ng Daddy. Unang apong lalake, unang apong babae. Strict sya at medyo mataray, pero sobrang maalaga at mapagbigay. Punong puno ang childhood memories ko with Mommy. Lagi nya kong kabuntot. Sorry muna sa Mama, pero mas ramdam ko yung presence nya nung bata pa ko. Yung pag inaayusan nya ko ng buhok, yung mga times na sya ang nagpapaligo sakin (which I hate kasi sobra syang magkuskos ng buhok ko), sya rin ang punong abala sa pagpapatahi ng damit ko pag may activity sa school, extra baon, pag-enroll sa piano classes, pagkuha ng Math tutor, sobrang involved nya sa lahat ng aspeto ng buhay ko. Since medyo bata ang Mama nung nabuntis sya samin, nado-dominate ng Mommy noon yung pagpapalaki samin. Kaya pag sinabi kong ang Mommy ang pangalwang ina namin, I say it in the most literal sense.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Free Posts Happy Things Secrets

“Ang Lalandi Nyo!”

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Super kinilig ako nung dumating si Kenneth from his 3-week vacation. Pagbigyan nyo na ko dahil minsan lang kami ganito. Kasama ko pagsundo sa airport yung isa naming couple friend (thanks for volunteering sa pagsundo kay Kenneth!) Nung tinanong nila ko ng, “Excited ka na?” Nagpakipot pa ko. Sabi ko sa mga pasalubong ni Kenneth ako excited. Pagdating namin sa airport, nakita ko na sya agad. Pagsakay ni Kenneth sa sasakyan, kausap ko si Kosh tapos si Kenneth nakanguso na. Eh parang nahiya naman ako na kinakausap pa ko tapos bigla kaming sweet-sweetan sa harap nya. Ilang seconds lang naman tapos pinansin ko na rin si Kenneth. Sabi ko, “Hiii.” tapos sabi nya, “Hiiii.” Tapos parang tinawanan kami nung dalwa. Gusto ko syang i-hug pero ewan ko bakit ba ko nahihiya dun sa dalwa haha.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Free Posts Life

March Recap

Out of sorts ako ngayong month na ‘to. Kung ano-anong iniisip ko. Magbabakasyon kasi si Kenneth sa Pilipinas, and although I’m excited for him kasi this is the first time na uuwi sya since nag-move kami dito sa Canada 7 years ago, I will be lying kung sasabihin kong 100% excitement yung nararamdaman ko. I’m just overall worried. Plus first time kong magsosolo sa bahay at hindi ko alam kung anong i-eexpect. Sobrang maiinip ba ko? Magiging mabait ba si Kenneth? Baka may mag-break in dito sa bahay! Kenneth will be gone for 3 weeks and being alone here—especially in this new city—is a foreign concept to me.

Categories
Money Diaries Secrets

Q1 Expenses | Magastos Months

You’re reading this because you are a paid subscriber. Thank you! 🤍

A quarter of the year has passed! Bilis! So instead of the usual weekly spend post, it’s time for our quarterly report. Looking at our numbers always excites me, which is why I’m looking forward to do this overview. Just like last time, I’ll start with the percentages, then move on to the detailed breakdown of the numbers.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.