Categories
Family Food Free Posts

Luto ng Papa

Noong bata ako, hindi ko naman na-aappreciate masyado yung luto ng Papa ko. Although oo, masayang kumain na masarap ang ulam, pero normal na kasi samin na magaling syang magluto. Hindi na bago samin ang halos araw-araw na pagkain ng masasarap na luto nya. So I took it for granted.

Nung nagtrabaho na ko sa Maynila, dun ko na-realize yung nawala. Isa sa mga looking forward ako pag umuuwi ako ng probinsya namin ay ang mga luto nya. Since once or twice a month na lang ako nakakauwi, mas special. Kasi most likely, tatanungin pa ko kung anong gusto kong ulam. By special request na. Pero alam na rin naman nila na favorite ko ang binagoongan (samin mas common syang tawagin na inalamangan), anything na may hipon o kasag o bangus, minanok, shutsa (or batchoy), pochero (na specialty naman ng Mama), at ang latest specialty ng Papa na sobrang paborito ko: spanish-style bangus. Nakakagutom ‘tong ginagawa ko. Pero tuloy ang kwento.

So eto na nga. Andito na ko ngayon sa Canada. Nakakauwi na lang ako once every two or three years. Everytime may makikita ako sa family group chat na luto ng Papa, sobrang nakaka-FOMO. Tamang “Huhu ang sarap!” na lang ang ma-rereply ko. Tapos sasabihin ng Papa or Mama, “Pag-uwi mo…” Huhu ang tagal paaaa.

Andito ngayon ang parents ni Kenneth para bumisita at mamasyal. As much as excited ako na makarating sila dito at makapag-bonding sila with their only son, mas excited ako sa dala nila hehe (churi po!) Few days before their flight, pumunta ang parents ko sa bahay ng parents ni Kenneth para i-abot ang mga ipapadala samin, at kasama dun ang spanish bangus ng Papa!! AHHHH!

Ito yung chat sakin ng Mama habang niluluto pa lang ng Papa yung bangus. Takam na takam ako lalo. Tapos syempre puro bangus belly pa yun, so kitang kita ko yung makakapal na taba ng bangus. SARAP!! Lalo akong na-eexcite. Pati kapatid ko excited para sakin.

Ang amazing isipin na ang layo ng binyahe nung spanish bangus. At nung kinakain ko na sya, muntik na kong maiyak. Para kasing hindi ako makapaniwala na ang layo-layo ko sa kanila, pero andito sa harap ko yung luto ng Papa. Hindi agad ma-grasp ng utak ko. Parang magic.

Papa’s tipid reaction is clear. Hindi words of affirmation ang love language nya 😂

As much as ayokong i-share yung dalwang tub na punong-puno ng bangus belly, with a heavy heart (wow), syempre kelangan ko ring ipatikim sa kanila. Para naman ma-experience nila kung gano kasarap magluto ang Papa. Ang makatikim ng luto ng Papa ay isang pribilehiyo. I will not take it for granted ever again.


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment