Categories
Career Hobbies Life

Life Updates | New Work + Skincare + Missing My Blog

Ang dalang ko na magsulat dito. Nagsusulat pa rin ako araw-araw pero dun sa analog journal and app ko na lang sa phone. Pero naisip kong i-recap ang mga kaganapan kasi parang ang bilis ng mga nangyayari.

1.

Second week ko na sa work! So far so good. Ang kinatatakot ko lang naman ay maranasan ulit yung intense boredom tulad nung nangyari sakin sa last office work ko. Pero ngayon madaming iba. Kaya feeling ko mag-eenjoy ako:

  • Una ang dali ng trabaho. Or baka ngayon lang kasi di pa sila strict sa mga baguhan 😂 Essentially madali naman pero nakaka-pressure dahil sa targets.
  • Nakakapag-music ako habang nagwo-work. Ngayon nag-try akong mag-podcast. Nagagawa ko rin ‘to sa dati kong work pero mas madali na ngayon.
  • Maganda yung office. Ang uninspiring kasi nung office ko dati. Although dun sa dati may personal locker kami, dito wala. Pero dito sa bago, merong cafeteria, ang lawak ng pantry, ang daming lounge areas tapos may mini puno sa loob.
  • Mas type ko talaga pag evening shift kasi konti ang tao. Ang chill lang nung vibe.
  • Ang lapit lang ng office ko sa apartment namin. Konting lakad lang tapos 10-minute bus ride. Sana gumanda na ang weather para di na sobrang lamig maglakad papuntang bus stop.
  • Mas malaki ang hourly rate.
  • Hindi ako permanent employee. Kaya siguro super enjoy lang ako kasi alam kong magla-last lang ‘to for 2-3 months.
Today’s baon 😋

2.

Nag-start na ako sa French classes with Lingoda ulit (huhu I miss teacher Angela) kaya mas busy na ang mga araw ko. Everyday din ‘to kaya weekends na lang talaga ko magkakaron ng extra me time. Pero sobrang natutuwa ako kahit busy kasi nadidiretso ko yung pagaaral ko.

3.

Naaaliw akong mag-online shopping ng mga skincare. Nung naubos yung ginagamit kong moisturizer, gusto kong mag-try ng bago. Eto na siguro ang pinakamahal na moisturizer na nabili ko.

Si Kenneth na-convince magkaron ng skincare routine nung pinapanood ko sa kanya yung 22-step skin and hair routine ni Niall. Nung minsan kasi, nagpapa-picture para raw sa bagong profile pic nya sa Linkedin. Tapos na-frustrate kasi ang tanda raw ng itsura nya (nagiging vain din pala si Kenneth 😆). So after nya panoorin yung video, pumayag syang bilhan ko sya ng serum in addition sa kanyang facial wash. 2-step skincare muna yung kanya haha.

4.

Everyday ko pa rin sinisilip si Jackie and Shadow to check kung may bago na silang eggs. Kaso nag-snow nanaman sa area nila so natabunan ng snow yung nest.

5.

Di na ko masyadong nakakapanood ng TV kaya looking forward ako sa weekends para masubaybayan namin ang nangyayari sa The Voice. Eto ang bonding TV show namin ngayon ni Kenneth. Team Kelly/Niall ako, si Kenneth Team Chance 😂

Di na rin ako masyadong nakakapag social media which is good. Pero nabawasan na rin ang reading time ko. Kaya ang strategy ko, pumapasok ako sa office ng 30 minutes earlier para makapagbasa ako ng walang distraction. Pag dito kasi sa apartment, may WiFi. Since inalisan ko na ng data yung phone ko, wala akong choice kundi magbasa pag nasa labas ako.

Na-miss kong magsulat na unlimited yung space. Hanggang sa muli!

Leave a comment