Categories
Life

34th Birthday Bop

Bago ako magsimula, binabasa ko muna yung mga nakaraang birthday bops ko. Mahilig na pala talaga ko gumawa ng birthday checklist kasi meron din akong ginawa nung 29th birthday ko (last birthday ko na pala yun sa Pinas). This year, eto ang plan of activities ko:

  • Open my gifts
  • Get my free Starbucks birthday drink
  • Get a massage
  • Birthday dinner with family at Chop

Ang dami kong regalo this year kasi sabi ko pala nung last birthday ko, gagawa uli ako ng birthday wish list kasi nakakatuwang magbukas ng regalo. Lampake kahit ang kapal ng muka ko basta ang goal ko ay maka-receive ng gifts.

Listening to this and I can relate a bit. Funny how my birthday was a Thursday too.

Pansin ko lagi na lang pag December, nagiging wary ako. Laging may inclination to protect myself from FOMO and loneliness. Ang coping mechanism ko nung 32nd birthday ko, maging busy para hindi ko sila maisip, so halos maghapon akong nagluto.

Nung 33rd, pinilit ko yung Mama ko at kapatid ko na regaluhan ako. Tinuruan ko sila na pwedeng umorder through Amazon Canada para free shipping papunta dito. Ewan ko sabik na sabik talaga kong makatanggap ng regalo. Siguro since wala akong magawa sa fact na wala sila dito, babawi na lang ako sa gifts. At ngayong 34th birthday ko, ganun din ginawa ko. Dinaan ko sa gifts.

At hindi dahil nagmamadali akong makumpleto yung mga nasa wish list ko, kasi yung iba naman dun nag-isip lang ako ng ilalagay para iba-iba yung price range. Gusto ko lang talaga yung act of receiving gifts. Yung ma-feel ko lang na may care sila at naisip nilang pasayahin ako sa birthday ko tulad nung nasa Pilipinas pa ko. Simula kasi nung dumating kami dito wala na. Ang expectation na lang eh ako ang magbigay pag merong may birthday at pag Pasko.

Nagiging bitter nanaman ako. Wala eh, yun talaga ang nararamdaman ko. May pag-asa pa kaya ako?

Lalong gumanda yung kanta nung nabasa ko yung lyrics. Don’t worry I’m not suicidal, ang ganda lang talaga nung melody at lyrics.

The night before, naka-receive na ko ng mga tawag sa Mama at Papa, tapos maya-maya ang Kuya naman ang tumawag. Dec 14 pa lang dito pero technically birthday ko na kasi sa Pilipinas naman ako pinanganak. Ang cute nung pamangkin ko, kantang kanta ng ‘Happy Birthday’. Bago pala yun, kinantahan na rin ako ni Kenneth ng ‘Happy Birthday’ nung tanghali kasi birthday ko na nga raw sa Pilipinas.

Nung mismong birthday ko na, medyo malakas yung snow. Nagbabasa lang ako nung umaga (Recapture the Rapture) tapos nung nagising na si Kenneth, kinantahan nya uli ako. Nilapit nya yung mga kitties tapos nagboboses pusa sya ng, “Happy birthday Mommy.” Cute.

Ayoko pang i-open yung Messenger at Instagram ko kasi gusto ko muna ng peace and quiet. Ang saya lang sumulyap sulyap sa bintana at makitang bumabagsak yung snow habang nagbabasa. Tapos ang background music ay yung pampa-relax playlist ko.

Sabi ko kay Kenneth kung pwede na nyang kunin yung free Starbucks drink ko tapos nagpabili na rin ako ng breakfast wrap. Kahit alam kong tinatamad sya, wala syang magagawa. Ganun din kasi kami nung birthday nya, ako naman yung hindi pwedeng humindi. ‘Slave for a day’ namin ang isa’t isa pag birthdays namin.

Nagbasa na ko ng birthday messages at sabi nung kaibigan ko (hi Aryan!), buksan ko na raw yung regalo nya. Haha sabi ko maliligo muna ako. Di ko alam ba’t gusto ko munang maligo bago magbukas ng gifts. Una kong binuksan yung from Sephora.

May na-receive din akong gift few days ago galing sa friend namin dito.

Thank you Piya!❤️

Tapos binuksan ko na yung galing sa kaibigan ko na nasa US, sunod yung kay Kenneth (na ako rin naman ang pumili kasi di raw sya magaling mag-isip or tamad lang talaga sya).

Thank you Aryan 😘
I love you Poopie 🥰

Tuwang tuwa ako dun sa speaker. Ganito na pala ang mga portable speakers ngayon. Simula kasi nung nasira yung last ko, di ko na pinalitan. Basta na-bano ako dun sa nasa sides (ginoogle ko at subwoofer pala ang tawag dun). Ang sarap sa tenga makinig ng music dito. Parang nagkaron ng new level of listening experience.

Nung gabi, nagpa-dinner lang ako sa mga tito at pinsan ko dito tapos may gift pala samin yung pinsan ko at asawa nya! Dami ko pala talagang nabudol 😂

😍😍😍

Tapos may free birthday dessert dun sa restaurant na kinainan namin at may pa-birthday card pa sila na may kasamang free appetizer coupon para sa next visit namin. Saya!

Nung nakabalik na kami sa bahay, nakaramdam ako ng mental pagod. Sabi ko nga sa previous post ko, parang gusto ko na lang maging low-key next year. Parang confident ako na kahit wala ang family ko, at wala akong gifts, kaya ko nang maging masaya on my birthday. Haha ano kaya. Parang di pala ko confident pero tingnan natin. Try ko.

Pansin ko naman na as years go by, padali na ng padali mag-deal sa home sickness ko. Pero feeling ko hindi mawawala yung part na hindi ko sya matatanggap. Kaya nagre-resurface pa rin yung mga ganitong feelings, especially pag December. Siguro imbis na pilitin kong wag damdamin, tanggapin ko na lang na eto ang buwan ng pagdaramdam. Kasi the more na nire-resist ko yung pagkamiss ko sa kanila, at the more kong nilalabanan by distracting myself with busyness and gifts, the more the loneliness persists. Siguro I’ll just let myself feel.

At siguro wag ko na lang lagyan ng pressure na best day ever dapat pag birthday ko. Kasi yung mga totoong ‘best day ever’ days ko naman, nangyayari sya any day. Oo nga, feeling ko eto ang the best gawin. Di na ko magiging pa-special sa future birthdays ko. Try pa rin namin mag-celebrate pero low-key lang. Try kong hindi mangingibaw ang ego ko, especially pag December.

“The ones” = Kenneth 🤍

May nabasa akong quote from James Clear’s newsletter at ang perfect nyang basahin every birthday:

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s