Categories
Life

32nd Birthday Bop

Nakakatawa yung comment ng former officemate ko dun sa birthday pics ko. Sabi ko kasi sa caption ‘Wala na sa kalendaryo’ tapos sabi ni Ate Milanie, nasa lotto pa daw. Hahaha. Feeling ko lumang joke na rin yon pero ngayon ko lang yun nadinig 😅

So ang saya ko kahapon, ang taas ng energy ko. Tapos excited nga akong magluto tapos pasayaw sayaw pa ko. Dumaan pa ulit kaming grocery store (Sobey’s) kasi naisipan kong bigyan ng ribs yung tito ko at yung kapitbahay namin na couple. Naghehesitate lang kasi ako nung una kasi nga baka hindi masarap. And at the same time nahiya din ako na walang bigay kasi yung tito ko laging nagdadala dito ng food. So yun bumili pa kami ng isang slab. Tapos pinick-up na ni Kenneth yung cake habang nagluluto ako.

After matapos ang lahat ng lulutuin, nag-picture taking muna kami tapos direcho drop ng food sa kanila. Kaya pagbalik namin dito sa apartment gutom na kami. In fairness, masarap yung ribs! Buti na lang. Pero siguro next time dadagdagan ko pa ng tamis. Parang kulang sa pineapple juice.

Ang hirap makakuha ng matinong pic with the kitties haha. Habulang habulan kami tapos kukunin namin yung treats para lumapit samin. Siguro naka-10 takes kami bago makuha ‘tong pic na ‘to na lahat kami nakatingin sa camera.

Take 10

At yung birthday cook off namin, ayaw lang aminin ni Kenneth pero feeling ko ako ang nanalo. Haha pero syempre di sya papatalo. Masarap daw yung handa ko pero mas masarap daw yung kanya.

Nakakaasar lang kasi nalimutan namin i-claim yung free birthday drink ko sa Starbucks. Ang dami ko pa naman add-ons tapos umabot ng $7 yung drink pero free pa din 😂 Sayang talaga. Sa mismong bithday lang ata kasi sya pwedeng i-claim.

Wala kaming gift sa isa’t isa. Parang lately hindi na nauso samin yung ganun. Kasi wala din naman akong gusto tapos sya wala din. Siguro yung “birthday gift” na lang namin eh yung rocking chair na inorder ko sa IKEA.

Naisipan kong bumili kasi parang ang perfect habang nagbabasa ako. Medyo alangan lang sa space kasi maliit lang yung living room area namin tapos occupied na sya ng sofa, tv stand, cat tower at piano. We’ll see. Sa Dec 28 pa ang dating.

Bumawi ako sa birthday ko ngayon this year. Yung past two birthdays ko kasi hindi ganun ka-okey. Kasi nga wala dito yung family and friends ko. Pero ngayon siguro medyo naka-move on na ko kaya nakapag-celebrate ako ng maganda at masaya. Ang wish ko makapag-celebrate ako ng birthday ko, Pasko at New Year sa Pinas. Hays kelan kaya.

Nagpaparamdam nga pala ang Mama at Papa na gusto akong pauwiin next year. Magpapa-lechon daw ang Papa pag umuwi ako 😂 Parang nagbabalak kasi yung tito ko dito at yung nasa UK ng uwi. Sabi ko pag sure silang uuwi, sasabay ako. So sana okay na ang lahat at okay yung vaccine para safe na kaming mag-travel. Excited akong umuwi ulit! Sana hindi ganun ka-mahal ang ticket at sana i-refund na ng PAL yung tickets namin. Napakatagal. $3k din yun.

Sya magbabasa na ako. 7:57AM dito ngayon. 2AM na ata kami nakatulog kasi nag-midnight snack pa kami ni Kenneth tapos habang nagpapahindag nanood muna kami ng Santa Clarita Diet. Season 3 na kami kaya patapos na ☹️

Tumakbo si Walnut 😅😅
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s