Categories
Art French Hobbies

Kung Hindi Ngayon, Kailan?

I’m getting my $800 back!

Short back story: Nagbayad ako ng $800 (around 34k sa peso) for French classes knowing na pag complete attendance ako, ire-refund daw nila yung binayad ko.

After 2 months, na-receive ko na (finally) yung confirmation na complete attendance nga ako. Kasi kelangan din daw muna nilang siguraduhin kung wala ba kong late, wala akong nakaaway na teacher or student, mga ganung bagay. Alam ko namang wala akong brineak na rules, nakampante lang ako dun sa e-mail na confirmed na talaga na qualified ako sa refund.

Owye!

Nakakatuwa lang kasi na-afford ko yung $800 na yun dahil sa mga nagpa-drawing sakin (thank you Dany at KC!) Ang saya lang isipin na yung pagdo-drawing ko ang nag-fund nung isa ko pang interest. Tapos ang pinakamasaya pa, mababalik sakin yung binayad ko so bumalik din yung investment.

Nung nagbayad ako for French classes, mabigat ng konti sa pakiramdam. Kasi pagkatapos kong mag-spend ng ilang oras, ilang araw pagdo-drawing—to the point na kelangan kong magpa-physiotherapy dahil nanakit yung kamay at braso ko—hindi ko man lang na-treat yung sarili ko. Parang hindi ko na-feel yung reward dun sa binayad sakin kasi diretso agad sya dun sa French course. Hindi man lang ako bumili ng something tulad ng damit o libro o kung ano mang tangible thing para makita ko lang kahit papano na eto yung katas nung trinabaho ko.

Commercial

After 4 months, ngayon ko sya nararamdaman. Eto na. Marunong na kong magsulat at magsalita in French. Eto yung katas, yung result. Oo sobrang beginner ko pa kung tutuusin, pero para sakin sobrang layo ng agwat kung ano yung alam ko ngayon, kumpara sa kung nag self study lang ako. Buti na lang din na-accept ko agad na hindi ko talaga kayang matuto ng ibang language ng mag-isa lang ako.

Wala naman talagang major goal bakit gusto kong matuto ng ibang language. Pero 10 years mahigit nang nasa bucket list ko ang ‘learn a new language’ so kelan pa ko magsisimula?

My bucket list. Still has a lot of empty space for future goals/plans 🧡
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s