Kamikazee! Sa Friday na yung concert nila tapos yung binili naming ticket, may kasamang meet and dine two days before the concert date. So ngayon yung meet and dine at excited akong magpa-pic kay Jay at Jomal.

Na-late sila ng 1.5 hrs pero ok lang. Kumain na kami habang naghihintay sa kanila. Sulit na sulit yung additional charge for the meet + dine kasi buffet yung dinner tapos ang sarap ng food. Sarap nung kare-kare at shanghai! Naiinis ako nung nabubusog na ko kasi ang dami ko pang gustong kainin.

Anyway, walang structure yung “meet” part ng meet and dine. Parang di nga ako sure kung sinabi ba sa kanila na may mga fans na magpapa-picture š Hindi organized so mabilisan lang ang lahat. May pic na ako with Jomal, with the band, ang kulang ko na lang ay kay Jay. Buti na lang nakasingit ako ulit kasi kung may isang chance lang ako para magpa-picture, kay Jay yun hehe. Pero mas accommodating si Jomal nung nagpa-pic ako kaya baka sya na yung mas favorite ko.
Plus napansin ko lang, ang kikinis ng muka nila. Parang skin ng baby na may konting pulboooos!! (IYKYK)

Sabi nung isa naming friend (hi Hudas!) na nag-attend ng concert nila last month sa LA, hindi daw nila tinugtog yung Girlfriend. Kaya ang goal ko din today aside from the pics ay i-request kay Jomal na isama yung Girlfriend sa lineup nila. Kaso since mabilisan nga lang lahat, di ko na nasabi. So nag-DM na lang ako sa IG nya š Fingers crossed!
Sa Friday ko na ike-kwento bakit sila ang favorite banda ko. Inaantok na ko. Excited na ko sa Friday!!