
Habang fresh pa:
Kakatapos lang ng huling French class ko (for now). Medyo lost ako ngayon kasi hindi ko na alam kung pano ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko without Lingoda huhu. At the same time, masaya at proud din ako kasi natapos ko yung Super Sprint at never akong na-late (which is hindi normal para sakin). Malaking halaga kasi yung mawawala pag di ko natapos kaya motivated rin talaga ko na mabalik yung pera ko π Ngayon, waiting na lang ako sa refund (baka daw sa October pa).

Bukod sa sepanx ko sa Lingoda, balik nanaman ako sa mga araw na walang structure. Wala na yung daily 2PM classes ko π Kelangan ko nanaman maging extra disiplinado sa oras ko. Pero dahil alam kong dadating ang araw na βto, may plano na ko para mapagpatuloy yung learning ko. May free French classes kasing ino-offer ang Manitoba for permanent residents. Pero di ko pa sure kung qualified talaga ko. Malalaman ko sa August 8 after nila kong i-assess.

Medyo nag-aalala talaga ko sa upcoming days. Baka bumalik nanaman ako sa dati kong state of mind na toxic. Gusto kong magkaron ng part-time job (nag-apply na ko sa ilan). Kelangan ko talaga ng konting structure sa buhay ko (konti lang kasi hindi ko rin kaya yung Mon to Fri, 9 to 5 schedule). Sana matanggap ako dun sa in-applyan ko.
Napapatulala ako. Success, kasi natapos ko yung 60 days which means mare-refund ako plus natuto na talaga kong mag basic French, pero sad din kasi 61st day na bukas which means wala nang klase. I think nanamnamin ko muna yung accomplishment tapos saka ko na iisipin ang kasunod. Bye!