
Ang goal ko ngayon ay magising ng 5 or 5:30AM. Pagmulat ko ng mata kanina, medyo na-disappoint ako kasi ang liwanag na. Hula ko mga 6:30AM na. Pero pagtingin ko sa relo ko, 5:35AM pa lang! Yes! Nami-miss ko kasi yung mga quiet moments sa umaga na ako pa lang yung gising. Kaya kagabi, pinilit kong makatulog agad. 9:30PM, nakahiga na ko sa kama.

Ang sarap. Excited ako sa mga pwede kong gawin. Una nagbasa muna ako ng The Daily Stoic. Kelangan ko ng words of wisdom ngayong umaga. Tapos nag-meditate ako ng mga 5 minutes. Kaso kung ano-anong naiisip ko kasi nabo-bore ako. Hindi ata talaga para sakin ang meditation. So nag-yoga na lang ako para makapag-unat ng masarap. Bawat stretch, na-iimagine ko yung pag-release ng mga feel-good neurochemicals sa utak ko. Ugh sarap.

At para maging happiness overload ang umagang ito, nagsindi ako nitong sobrang bango na kandila na bigay sakin ng kaibigan ko nung umuwi ako (thanks Dyn!) Tapos kinuha ko yung art journals ko. Ilang years na sila sakin pero ngayon ko pa lang gagamitin. Eto yung mga prompts:


Sa sobrang inspired ko, nag-drawing ako agad! Sobrang rare kong mag-drawing sa umaga. Never pa nga ata ako nag-drawing ng ganito ka-aga kasi mas feel ko sa gabi. Nag-drawing lang ako ng mga random objects na nakikita ko.

Maya-maya, nagising na si Kenneth. Bukas ulit!