Categories
Life Manitoba

Summer Activities in Winnipeg

Improving ang aming social life ni Kenneth. Di na kami couch potatoes (for now). Summer din kasi. Di masyadong nakakatamad lumabas. May pinuntahan kaming pinoy festival event, nag-attend kami ng birthday-an at pumunta kami sa parang level-up perya.

Pinoy Street Festival

June 18

Enjoy naman kasi kumain kami ng kwek-kwek, isaw baboy at yung isa sa mga favorite kong desserts. Pero super disappointing nung takoyaki. Ang expectation ko, mainit-init pa kasi kita kong busy sila pagluluto. Pero pagkagat ko (dahan-dahan pa ko kasi baka mapaso), ang lamig! Parang galing sa ref. Tsaka di authentic yung pagkakagawa ng batter. Basta di masarap. Sabi ni Kenneth “tako-yucky” raw 😂

Isaw B
Soft serve ice cream + corn kernels + cornflakes + graham crackers 🤤🤤🤤

Kung walang fireworks ng 11PM, baka umuwi na kami pagkakain kasi wala masyadong makikita dun sa festival. May event sila dun na parang Santa Cruzan pero di kami interested. So habang nagaantay ng fireworks, medyo nakakainip na kasi nakaupo na lang kami.

Pagsapit ng 11PM, may biglang nag-announce sa megaphone na, “No fireworks!” Nyakkkk. Paasa. May kasama na kaming friends neto tapos super disappointed rin sila kasi yun lang yung pinunta nila. So yun. Baka eto yung first and only time na pupunta kami sa Pinoy Street Festival.

Fellow disappointed peeps 🥲

Piya’s Birthday

June 25

Excited ako kasi makikita ko yung dalwa nilang pusa. Pero medyo nahiya kami kasi hindi namin alam na birthday pala yung pupuntahan namin 😅 Akala ko trip lang nila magyaya. Ayun wala tuloy kaming gift. Pero may dala kaming dessert. Haha soriii.

Theo babes!

Medyo nag-creep in ng konti yung social anxiety ko kasi madami palang invited. Inaliw ko na lang yung sarili ko sa mga pusa nila. Super cute tapos takbo lang sila ng takbo sa backyard. Sabi ni Kenneth gusto nya rin magka-backyard para happy din yung mga pusa namin.

New discovery: schmoo torte! Ang sarap! Ire-request ko din ‘to sa birthday ko 😂

Thank you Piya and Luke sa pag-invite!

Red River Ex

June 26

Para pambawi man lang dun sa fail na Pinoy Festival, sabi ko kay Kenneth punta kami sa Red River Ex. Eto yung level-up perya. At thank you again kay Piya kasi binigyan nya kami ng free passes 😄 $30 din yun! So since nakatipid na kami sa ticket, nag-try kami ng kung ano-anong food tapos sumakay kami sa mga rides.

Super enjoy ako sa mga rides. Lalo na yung Mega Drop. Yung dahan-dahan kayong umaakyat pataas tapos biglang babagsak. Sobrang sarap. Na-miss ko yung mga extreme rides sa USJ. Kelan kaya ulit.

Inabot na kami ng 11PM. Medyo mahaba kasi yung mga pila. Habang nakapila kami, naalala ko rin yung mga pila sa rides sa USJ. 4 hours! Dito sa Red River Ex mga 30-40 mins so kayang kaya naman. Pero baka next time i-consider kong bumili nung Express Pass tapos yung ticket na unlimited rides para tuloy tuloy lang. Pero joke lang kasi $75 din yun. Mahal.

This week nagyaya rin lumabas ang aming former neighbors (huhu). Lumipat na kasi sila. Pero malapit pa rin naman 😂 Nagyaya si Trix mag-walking at ice cream. Plus points nanaman sa aming social life score. Susulitin habang maganda ang panahon.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s