Categories
French

French Classes: Day 32

Ambilis 1 month na agad. Masasabi ko na nakatulong naman yung Duolingo days ko ng very slight. Pero ibang-iba yung value at quality ng learning kapag may kaharap kang teacher, may classmates ka, at naka-focus talaga yung attention mo for one whole hour. Tapos everyday pa yung classes—including weekends—so maganda yung retention.

Hindi lahat ng teachers effective or gusto ko yung teaching style pero madalang naman yung mga ganung teachers. Halos lahat naman sila competent. May mga classmates din ako minsan na hindi ni-review yung lesson prior class so medyo bumabagal yung pace ng klase (may few instances, maybe one or two, na ako yung classmate na yun pero natuto na ko hehe). Each class, iba-iba yung makakasama mo so paswertehan din sa classmates and teacher.

Cashew kasali ka din? 😄

Pero ang gusto ko talagang sabihin, bukod sa natututo ako ng ibang language, I am thankful for these classes kasi binibigyan nya ng structure ang daily life ko. Dati kasi anything goes. Akala ko non masaya pag flexible yung oras pero hindi rin pala maganda pag sobrang flexible. Ang daling mag-give in sa mga temptations, walang magagalit kahit mag-procrastinate ako. Tapos pagtagal, tsaka mo mare-realize na ang dami mo palang sinayang na oras. At pag tinamaan ka ng realization na yun, sobrang depressing. Ampangit sa pakiramdam.

Eto pala yung kelangan ko. Na meron akong isang bagay sa araw ko na non-negotiable. Inaayos ko yung schedule ko around my classes. At ang ganda rin sa pakiramdam na pag may nagtanong sakin ng availability ko, hindi laging ang sagot ko ay, “Go lang. Anytime pwede ako.” Minsan masaya din palang tumanggi. Mas feel ko na valuable yung oras ko.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s