Month: May 2022
-
Bakit kaya hindi pa ko inaantok. Ang aga kong nagising, hindi ako nag-nap, tapos 3AM na ngayon pero buhay pa yung diwa ko. Mga 5-10% pa lang yung antok ko. Siguro dahil masyado akong nadadala sa mga ganaps sa Stranger Things. Ang galing pa din ng Duffer brothers. Super engrossed at interested pa rin ako…
-
April 16-20 DAY 10 Swimming day again. Days pala kasi overnight kami this time. Commercial muna sa Papa na paglabas ko ng kwarto nasa dining table nagvi-videoke mag-isa hehe. Swimming timeee again! Sa Agdangan naman kami nag-swimming. As usual, ang sasarap nanaman ng pagkain. At as usual, wala uli akong planong mag-swimming dahil tinatamad akong…
-
Gloomy Umuulan. Gumaganda talaga ang mood ko pag umuulan. Yun ay kung umuulan at hindi ko kailangang lumabas. Gusto ko lang syang pagmasdan through the windows.
-
April 11-15 DAY 5 Swimming time! Excited akong magswimming kahit hindi naman ako magsi-swimming. Wala lang. Gusto ko lang tumambay by the beach/pool tapos kakain ng masarap pag nagutom na. Gusto ko lang yung summer vibes kasi sa Winnipeg snow pa rin ng snow that time.
-
Nakasalang na ang maduduming pinagkainan sa dishwasher at ang maduduming damit sa washing machine. Kumain na rin ako. Kaya ngayon.. Hello!
-
April 7-10 DAY 1 My pamileeh Unang araw, ang ganda ng gising ko. Sarap ng ulam eh.
-
Ilang araw na kong atat na atat magkwento dito. Ang dami kasing masasayang nangyari nung uwi ko ng Pinas. Lagi kong pinagpapabukas kasi alam kong matatagalan ako sa pagkikwento pero pakiramdam ko kailangan ko nang magsimula bago pa lumipas. Unang una, ramdam ko na may nagbago. At sobrang wini-wish ko na sana permanente yung pagbabago…
