Categories
Life

What Happened to My 2021 Goals

At the beginning of this year, nag-set ako ng 2021 Game Plan. Gusto kong i-review kung anong mga na-accomplish ko at yung hindi. Yung format nung ginawa kong game plan ay “Do’s and Don’ts”. Eto yung mga do’s.

DO’s

  • Read at least 40 books 👎🏼

Akala ko talaga malalagpasan ko ‘to. Kasi end ng January naka anim na libro ako agad. Middle of the year on track pa ko. Pagdating ng August, wala akong natapos. Tapos yung reading habit ko unti-unting nagc-crumble. Pero I made peace with it nung September. Kasi medyo nas-stress na ko non.

Overall, masaya at proud pa din ako na nakatapos ako ng 32 books this year. Kasi eto pa rin yung pinaka madaming libro na nabasa ko sa isang taon. So hindi dapat ako ma-disappoint. Happy pa rin ako dito kahit hindi ko sya na-achieve 😊

Outcome: Fell short at 32 books but still happy with it

  • Invest atleast $5,000 CAD 👍🏼

Eto ang rason bakit hindi ko na-reach yung reading goal ko. Kasi sobrang na-consume na ko ng crypto news at paglalaro ng Axie starting nung middle of the year. Pero eto yung goal na akala ko hindi ko maa-achieve.

I’m happy to report na more than double dun sa goal yung na-invest namin. Initially sa stocks yung nasa isip ko pero sa crypto napunta almost lahat.

Outcome: Unexpectedly doubled the goal amount (pero counting yung in-invest namin sa Axie baka triple pa)

  • Learn 5 new piano pieces 👎🏼

Natawa ko nung nakita ko ‘to. May natutunan naman akong bago pero putol. Mostly mga lumang pyesa ko pa din yung mga tinutugtog ko pero at least I think nag-improve naman ang piano playing ko compared nung wala pa kong sariling piano.

Outcome: I will try harder next year

  • Learn basic French 👍🏼

Ano bang meaning ng basic French. Kung gagawan ko ng sariling meaning ang basic French, I would say na-accomplish ko ‘to. Lawl.

Outcome: Tres bien! 😆

  • Donate regularly to WWF 👍🏼

I am also happy to report na hindi lang sa WWF kami nakapag-donate. Pero gusto ko ring i-try yung sinasabi ni Dany na adoption tapos hindi sya symbolic. Yung may tutulungan ka talagang specific animal. Magri-research ako about it.

Outcome: Good job! Sana mas madami pang matulungan next year.

  • Go outside more 👍🏼

Na-accomplish naman namin ‘to pero feeling ko may ii-improve pa. Special thanks kay Trix at Kris kasi sila yung masipag magyaya na pumunta kung saan-saan. Talagang home buddies kami pareho ni Kenneth. Pero kelangan lang talaga ng initial push kasi pag nasa labas na kami, super enjoy naman kami.

Outcome: Success!

  • Create new sticker designs 👎🏼

Natawa nanaman ako. Ang hadlang din sa goal na ito ay yung pagiging involved ko masyado sa crypto at Axie. Actually almost 7 months na kong hiatus sa pagd-drawing. Pero few days ago nakapag-drawing ako out of tradition. I-post ko sya sa January 1st.

Hindi na rin masyadong active yung sticker shop ko kasi hindi ako nagre-restock. Inuubos ko na lang yung mga na-print ko dati. Undecided pa ko kung anong gagawin ko sa kanya. Distracted ako sa ibang bagay na importante din naman. May umo-order pa rin kahit hindi ako active which means may potential pa din talaga. Wala lang talaga ko sa focus ngayon.

Outcome: Unfortunately, it’s a fail

  • Play with the kitties more 👍🏼

Hindi ko ma-quantify masyado pero parang na-achieve naman. Kasi na-maintain naman nila yung weight nila at bumili kami ng bagong toys kasi minsan madali silang maumay.

Outcome: I think it’s a yes

  • Journal 👍🏼

Madali lang naman ‘to.

Outcome: Hindi na ‘to mawawala sa do’s

  • Eat healthier 👍🏼

Na-achieve din ‘to. Nag-cut back kami sa processed foods. Naka-ilang months din kaming walang tocino, bacon at corned beef (pero bumalik na ulit ☹️). Nag-increase din yung fiber intake ko. Nag-switch kami sa brown rice. Mas bumibili na ko ng prutas.

Pagdating sa sweets, hindi ko talaga mapigilan. Kulang talaga pag walang matamis. Pero ginagawa ko na lang minsan, pinipili ko yung healthier option.

Outcome: Success pero same dun sa kanina, may ii-improve pa

  • Stick to the budget 👎🏼

Outcome: Hahahays

DONT’s

  • I will not buy any piece of clothing this year 👎🏼

Hindi to na-achieve pero isang beses lang ako namili ng damit this year. Two items lang ata pati yun.

Outcome: Fail but I’m still proud

  • Hindi ako iinom ng milk tea for the first 6 months of 2021 👎🏼

Ang condition sa goal na ‘to ay pwede akong uminom kung bigay. Si Trix mahilig mamigay ng milk tea so yes nakainom ako during the first few months. Pero nung ika-5th month ko, bumigay na rin ako at bumili ng sarili kong milk tea hehe.

Outcome: Failz

  • I won’t exceed 2 hours on my daily screen time 👎🏼

Nakakatawa. But I was doing a great job nung first few months. Kaso nung nahumaling na nga ako sa crypto, imposibleng 2 hours lang yung screen time.

Chineck ko yung daily average ko this week: 4.5 hrs. I think it’s better than most people still?

Outcome: Triple fail

  • I will not buy a new MacBook Pro and iPad Pro this year 👎🏼👍🏼

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko na hindi ko na-achieve ‘to. Haha. Hindi ako bumili ng MacBook Pro pero bumili ako ng iPad Pro hihihi. Padating na bukas! Pero in fairness, ang dami kong binentang gadget this year. I sold my:

– Camera
– Wacom Cintiq
– AirPods 2 and AirPods Pro
– iPhone XS

Since marami-rami rin akong nabenta, hindi naman ako nag-shell out ng extra funds. Pwede na.

Outcome: Technically hindi ko na-achieve pero na-achieve ko naman yung purpose na hindi gumastos ng extra. So success?


Okay yun na yung last. Out of 15 goals, 8 yung success. More than half pwede na! Pwedeng pwede na. Happy ako. Kasi mababa lang naman yung expectations ko. Pero sana mas madami yung ma-achieve ko next year. Pagiisipan ko munang mabuti ang 2022 Game Plan ko.

Categories
Canada Ramblings

Bukas

Tuwing umaga pagkagising ko, lagi kong sinasabi sa sarili ko na, “Bukas ng umaaga lalabas ako ng mga 8AM tapos magiikot lang ako sa labas kahit mabilis lang.” Kasi feeling ko hindi man lang ako nasisinagan ng araw. Tapos pansin ko lagi akong lambot at tamad gumalaw. Low energy palagi kahit wala naman akong ginagawang nakakapagod. Kaya yun lagi ang dialogue ko sa umaga. Na mags-start ako bukas maglakad lakad. Pero kinabukasan, sasabihin ko ulit na bukas. Lagi na lang bukas tapos hindi natutuloy.

So kahapon, yun ulit ang sinabi ko. Maglalakad ako sa labas bukas ng umaaga. This time sinabi ko rin kay Kenneth. Nag-check ako ng weather bukas ng 8AM: -30, feels like -40. Tumawa si Kenneth. Alam na daw nya ang mangyayari. Pareho kami ng iniisip.

🥶

So kinabukasan (kaninang umaga) nagising ako ng past 8AM. Parang ine-evaluate ko yung sarili ko kung tototohanin ko na ba yung matagal ko nang balak. Siguro dahil gusto kong i-prove kay Kenneth na mali sya. Tsaka mabilis lang naman ako. Pero parang tanga lang kasi sa dinami-rami ng araw na gusto kong lumabas, pinili ko pa talaga yung araw na sobrang lamig na.

Full gear 😄
Nag-grocery na rin ako

Bukas ulit?

Categories
Canada Life

Christmas 2021

Grabe. Wala lang kasi binasa ko yung Christmas posts ko nung 2017, 2019 at 2020. Iba-iba yung mood.

Nung Christmas of 2017 wala akong idea na last Pasko ko na pala yun sa Pinas. Tapos hindi ko pa super nasulit kasi pareho kami ni Kenneth na nagttrabaho sa Maynila at may pasok na sya ng Dec 26. Kaya kelangan namin lumuwas agad ng Dec 25 kasi traffic. Hays kung alam ko lang. Pero masaya pa din naman kasi ang dami kong nakasama. Yung theme ng Christmas 2017 is: bittersweet. Pero natawa ko dito:

Favorite kong kasama si Benson pag may videoke kasi pareho kaming pasikat. Baka ganun talaga pag nangarap kang maging famous singer pero hindi ka naman naging ganun so dinadaan mo na lang sa videoke.

Excerpt from Christmas 2017

Tapos wala akong post nung 2018. Feeling ko distracted pa ko kasi nakatira pa kami sa mga tito ko non. Feel pa yung holiday spirit kasi ang daming niluto nung tita ko tapos may Christmas tree and decorations. Pero wag ka. Pagdating ng Christmas 2019 ang theme ay: devastated. Sobrang lungkot ko pala talaga nung Pasko na yun. Tapos wala akong concept of time. Teary eyed ako after kong basahin.

Sana phase lang to. Hirap na hirap kasi akong humugot ng saya sa mga bagay na meron dito at meron ako ngayon. Lahat na lang naiisip ko yung mga wala.

Excerpt from Christmas 2019

Pero. Bumawi naman nung Christmas 2020. Ang saya ko non haha. Ang theme siguro ay: revitalized?

Hindi ako palabati hangga’t hindi ako binabati, pero that time ang dami kong binabati ng Merry Christmas. Feel na feel ko lang.

Excerpt from Christmas 2020

Ngayon namang 2021. Ang theme ay: neutral. Hehe. Hindi ako super lungkot pero wala din ako masyado sa mood mag-celebrate ng Pasko. Tinatanong ako ni Kenneth ano daw plano namin sa Pasko. Wala talaga akong masyadong thoughts about it. Sabi ko kumain na lang kami sa labas kaso nahirapan kaming maghanap ng makakainan.

Si Kenneth halata ko, gusto nyang magluto kami. Kaso naisip ko, ininvite naman kami ng tito ko sa bahay nila na maghapunan ng Christmas Eve. Hindi ba pwedeng yun na yun? For sure ang daming food dun. Tapos nag-book naman kami ng movie tickets ng Spider-man: No Way Home ng mismong Christmas day. Ok na ko dun.

Christmas Eve kina Kuya Jon2
Busog!

Nung Pasko na sa Pinas, nakita ko nanaman yung mga pics ng pamilya ko na magkakasama. Kung noon pure bitterness yung nararamdaman ko, ngayon kaya ko nang maging masaya para sa kanila. Pero few minutes into browsing ng pictures nila sabi ko kay Kenneth, “Nakakaiyak naman.” So teary-eyed nanaman ako. Kaya hindi ko na rin tiningnan lahat ng pics.

Naalala ko last year nung ang theme ay revitalized, nagpapatugtog ako ng Christmas songs nung malapit nang mag-Pasko. Ngayon wala sa isip ko. Pero nung nakita ko nga yung mga pics nila na magkakasama, naligo ako after at napakanta na lang ako ng, “Diba’t kay ganda sa atin ng… Paskoooo… Naiiba ang pagdiriwang ditoooo…” “Ang Pasko ay kay sayaaaa… kung kayo’y kapiling naaaaa…” Hays. Yung next next uwi ko talaga, pipilitin kong makauwi ng Pasko at Bagong Taon.

Pero nung binihisan ko na ng Christmas costume yung mga pusa namin, dun nagpick up yung mood ko. Super cute nilaaa.

May pics din ako ni Almond at Whiskey.

Naisip ko naman hindi lang naman ako ang nalulungkot samin pag Pasko. Kasi nag-video call ako sa Mommy (lola) nung andun kami sa mga tito ko. Ayun sa kanya talaga ko nagmana.

I got her cry baby genes 😅 We miss you Mommyyy ❤️

3PM yung movie kaya naggayak na kami nung hapon. Halos puno din yung theatre. Ang ganda ng No Way Home. ANG GANDA. Sulit na sulit yung 2 hours. Balak ko next year ganto ulit. Nood ng movie. Parang eto na yung magiging tradition 🙂

HANGGANDA TALAGA

Medyo naasar pa ko kay Kenneth kasi gusto kong mag-picture kami dun sa photo booth as Christmas souvenir namin. Tapos sya ang unenthusiastic nya. Di naman nya ayaw. Parang wala lang yung reaction nya. Kaso di na rin natuloy kasi wala kaming $5 na cash. Meron akong $10 pero hindi daw nagbibigay ng sukli yung machine.

Nung nakalabas na kami naisip ko, eh di bibili ako ng kahit ano para ma-break yung $10. Kaso paglingon namin “ang haba” na daw ng pila papasok. Tapos si Kenneth parang ayaw na tumuloy. Yung mahaba sa kanya eh limang tao. Kaya tinamad na talaga ko. Medyo nawala ako sa mood.

Tapos nung nasa sasakyan na kami, dinidistract ako ni Kenneth ng mga thoughts nya about dun sa movie. Alam nya kasing nagustuhan ko yung pinanood namin at alam nyang asar ako sa kanya. Tsss.

Anywayyy. Paguwi namin medyo lumipas na rin naman at naging successful yung pag-distract nya sakin kasi ang dami kong thoughts about dun sa movie. Wala naman akong choice kundi sa kanya i-share. At naisip ko mag-picture na lang kami ng mga kitties.

Ayun. Next year mag-eextra effort na ko. Kasi alam kong ma-FOMO nanaman ako sa mga pics nila next year kaya kelangan kong ma-distract at magkaron ng sarili naming thing.


Subscribe to get access

Read more of this content when you subscribe today.

Sorry! This product is not available for purchase at this time.
Categories
Ramblings

Enjoy Lang Kayo Kahit Wala Ako

Pasko na sa Pinas kakainis. FOMO nanaman. Makaligo na nga lang.

Categories
Canada Life

33rd Birthday Bop

Birthday morning lambing from Walnut

Bago ako nag-start magsulat, chineck ko sa blog ko kung meron ba kong post nung previous birthdays ko. Nakita ko meron akong 29th at 32nd. Nung 29th birthday ko, yun pala yung last birthday ko sa Pinas. Tapos nagtaka ko bakit wala akong post for 30th at 31st. Tama yung hula ko kung bakit wala.

Bumawi ako sa birthday ko ngayon this year. Yung past two birthdays ko kasi hindi ganun ka-okey. Kasi nga wala dito yung family and friends ko. Pero ngayon siguro medyo naka-move on na ko kaya nakapag-celebrate ako ng maganda at masaya.

Excerpt from my 32nd Birthday Bop blog post

Parang ngayon pa lang pala ko nakaka-adjust kasi masaya din yung 33rd birthday ko. Hindi ako masyadong na-homesick. Plus hindi rin ako na-stress pagluluto. Kasi last year napagod kami sa festivities kasi nga ang dami masyadong handaan dahil parehong December ang birthdays namin. So ang plano this year, kain lang kami sa labas kung san namin gusto.

Felt cute 🥴
Categories
Books Humor Insights Ramblings

Convenience Store Woman by Sayaka Murata | Book Review

READ THIS BOOK IF…

  • You’re in the mood for something weird and quirky but also dark and disturbing
  • You’re interested in a book that examines identity and conformity. But it’s also a love story between a woman and a store.
  • Kung at one point in your life you felt like you didn’t belong in your inner circle (or the society as a whole) which resulted to a “need” of having to fit in

QUICK AND TAMAD SUMMARY

Keiko is a 36 year-old Tokyo resident who works in a convenience store since she was 18. Masaya naman sya at wala syang balak na mag-quit kasi sobrang kuntento sya sa trabaho nya at sa buhay nya in general. Kaso andaming echosera na sobrang judgmental kasi sa age daw nyang yon, dapat daw may asawa at anak na sya. At dapat daw makahanap na sya ng ibang trabaho kasi minamaliit nila yung trabaho ni Keiko as a convenience store worker.

I would assume you already read the book so hindi na ko magta-try ikwento, pero gusto ko lang i-highlight yung mga moments na meron akong na-feel na strong emotions while reading the book like yung sobrang natawa ako or nagulat ako. Tapos may konting personal stories kung pano ko naka-relate.

At speaking of gulat, matiwasay lang akong nagbabasa kasi sinimulan nung author yung storya na bata pa si Keiko. So na-imagine ko naglalaro sila sa park with her playmates. Cutie cute cute. Tapos may nakita silang patay na ibon. Nung pinakita nya yung dead birdie, at nai-imagine ko pa yung enthusiasm nya, sabi nya sa nanay nya, “Let’s eat it!” At dun ko na-realize na kakaiba ‘tong si Keiko at kakaiba ‘tong librong binabasa ko.

Categories
Art Life

Good Morning + FOMO + Procreate!

Ang ganda ng gising ko ngayon. At ang ganda ng lighting dito sa apartment. Wait picturan ko.

Nung nagising ako ayoko pang bumangon. Tapos biglang nag-tiptoe si Walnut sa likod ko tapos minassage ako. Sarap 🥰

Kagabi sabi ko kay Kenneth bumalik na kaming Pilipinas. Baka mas magandang dun na lang kami. Feeling ko sanay na sya. Kasi parang hindi nya masyadong sineryoso yung sinabi ko. Tapos na-realize ko din na baka eto na talaga ang epekto ng December sakin. Tapos nababasa ko pa sa family group chat namin na may out of town sila. Nalawasan nanaman ako.

Hindi ko pa talaga siguro tanggap. At feeling ko hindi ko talaga matatanggap. Na malayo ako sa kanila at ang daming okasyon na hindi ako kasali. Na tamang tingin na lang ako sa pictures nilang magkakasama at masasaya. At ang worst pa, ako naman ang nagdesisyon na pumunta dito. So bakit ako nagrereklamo.

Wait wait. Nagsimula ako sa ang ganda ng gising ko tapos biglang eto nanaman ako sa pagra-rant ko about sa distance ko sa family. Tigil muna. Isipin ko na lang muna kung anong gagawin ko sa magandang araw na ito.

Magbabasa ako. Mag-eexercise ako bago maligo. Tatapusin ko yung book review ko ng Convenience Store Woman. Maglalaro ako ng AI. Baka manood ako ng k-drama. Ongoing na ang paglalaba so that’s good. Nakapag-yoga na rin ako. Gagawa ako ng bagong posters for the book club. Yun. May in-applyan nga pala kong Illustrator job. Ay wait wait wait!

Bakit hindi ko ‘to nakwento. Kinontak ako ng Procreate!! As in legit sila talaga yun kasi nag-DM sila sa IG ko tapos totoong account talaga nila kasi may verified badge.

Procreate slid into my DMs 🤩

Kahit nakita ko na yung badge, hindi pa rin ako makapaniwala. Feeling ko na-hack sila. Ang tagal ko nang hindi nagd-drawing so hindi ko alam bakit out of the blue nahanap nila ko at kinontak nila ako! Ako! Grabe yung validation na na-feel ko. Kaya bigla akong napaisip kung bibili ba ko ng iPad para mag-continue ulit kasi nga wasak yung screen ng iPad ko (thank you Walnut).

Yung home button tanggal na rin kaya nilagyan ko ng washi tape 😅 Naibenta ko naman yung Wacom ko so meron akong kaunting funds pero nanghihinayang pa rin ako. Tingnan natin.

So may in-applyan akong illustrator job pero malabo naman akong makuha dun. Lalo pa ngayon hindi naman ako active. Pero love ko kasi yung company kaya I took my shot. Ayun.

Categories
Books Insights Personal Development

The Obstacle is the Way by Ryan Holiday | Book Report

READ THIS BOOK IF…

  • You’re someone who half-ass a lot of things
  • You dwell too much on the negative side
  • You are overly emotional

DO NOT READ IF…

  • You have more time at your disposal. I suggest you read A Guide to the Good Life instead.
  • You’re already objective and calm and collected when facing stressful situations.

The title of the book is a bit of an oxymoron. Kasi nga pano sya magiging “way” kung may obstacle nga. So title pa lang, it’s clear na ang gustong iparating ng book ay yung mga challenges daw, mga setbacks, mga “obstacles”, yun yung makakatulong satin para mag-improve at mas maging resilient. Yung mga problema, hindi natin dapat syang iwasan. Dapat natin syang daanan.

The impediment to action advances action. What stands in the way becomes the way.

Marcus Aurelius

He says the best way out is always through
And I agree to that, or in so far
As I can see no way out but through.

Robert Frost
Categories
Life Ramblings

Birthday Troubles

Kakatapos ko lang magpakain ng mga pussies. Maglinis ng litter box nila at magvacuum. Lapit na birthday ko pero parang hindi na ganun ka-special. Parang hindi na nagma-matter yung edad pag nasa 30s ka na. Hindi nga ako sure kung pa-32 or pa-33 or pa-34 na ko this year. Para naman kasing walang nagbago. Hindi katulad dati na laging may milestones. Pag ganitong age, highschool na, pag 16 or 17 college na. Pag early 20s job hunting stage. Pag late 20s inaabangan mong mag 30 ka tas feeling mo ang tanda tanda mo na. Pero after 30 parang wala lang. 10 yrs pa yung aantayin para maging significant ulit kasi 40 ka na.

Ang gusto ko lang sa birthday ko, ayaw kong ma-stress. Gusto kong kumain na lang sa labas. Pero at the same time, gusto ko rin makipag-socialize kaso tinatamad akong magluto. Kaya baka umorder na lang kami ng pizza, bumili ng roasted chicken at cake. Okay na siguro yun. Basta busog. Nakakahiya lang kasi dun sa mga bonggang maghanda. Tsaka nakagawian na ng mga Pinoy na pag nang-invite, madaming food. Kaso since birthday ko naman, ako na lang masusunod.

Bakit kaya nakagawian na magpapadala ka ng pangkain sa Pinas pag birthday mo? Para sakin ang unfair. Maghahanda sila para sakin tapos ang saya saya nila magkakasama sila, tapos kami nandito lang, pinapanood yung mga pictures nilang masasaya at sama samang kumakain. Hindi ba pwedeng i-classify as torture yun. Na-miss out mo na nga yung masayang kaganapan, nagastosan ka pa. Hays bakit ba ganun ang mga Pinoy. Sino bang gumagawa ng tradisyon na yun. Ang pangit pa sa ganitong age, sobrang rare mo na makatanggap ng regalo. Na-miss ko nang magbukas ng regalo sa birthday ko. Puro ako na lang lagi ang nagbibigay.

Na-ooverwhelm lang siguro ako sa gastos ngayong December. Kasi birthday ni Kenneth at birthday ko December, tapos Pasko. Tapos bagong taon. Nakaka-miss yung mga times na favorite month ko ang December. Kasi bibigyan ako ng pera ng magulang ko, ililibre ko mga barkada ko. Tapos reregaluhan ako ng lola ko ng libro. Yung ibang mga tita ko din may regalo. Anyare.

Categories
Books Non-Fiction Wellness

Lifespan: Why We Age—and Why We Don’t Have To by David Sinclair | Book Report

READ THIS BOOK IF…

  • Interesado kang pahabain ang buhay mo
  • Ang concepts na “aging is a disease” at “we have the right to choose how we die” ay controversial sayo at gusto mong malaman bakit nasabi yun nung author
  • You don’t mind learning a few scientific terms (like methionine and epigenome) and some scientific explanations (the longer your telomeres are, the better)

May shinare yung author about sa lola nya:

She told me to enjoy my youth, to savor the feeling of being young. Adults, she said, always ruined things. Don’t grow up, she said. Never grow up.

Lola nung author

Wala naman ako masyadong realization about dun sa sinabi ng lola nya. Shinare ko lang kasi interesting and I kind of agree. Wag maging laging seryoso sa buhay. Minsan kelangan natin maging playful at mag-try ng mga bagay bagay. Kasi ang mga bata diba laging curious.