Categories
Art Career Life

June 2020 Updates

Medyo madaming happenings compared sa mga nakaraan na linggo. Diba nag-apply ako sa Digital Media Design program. At medyo mabusisi yung requirements nila so big deal makapasok dun. Nagsubmit ako ng mga drawings, logo, game cover design, etc. So in short, nakapasok ako. At sabi nung ibang applicants, marahil daw isa ako sa mga matataas ang scores kasi isa ako sa mga naunang i-e-mail. Di na ako nagtaka. Jooooke.

Pero ayun nga. Nang dahil sa COVID, ito yung first time na gagawin nilang online yung program nila. Hindi pa din pwedeng magbukas ang mga schools. At dahil sa fact na yun, nawalan ako ng gana na tumuloy. Sobrang excited ako nung una pero kung pure online lang yung mangyayari, naisip ko na hahanap na lang ako ng ibang online courses at mag-self study na lang ako. Mas mura pa. Ang reason ko naman bakit gusto kong makapasok dun sa program ay hindi dahil para magkaron ako ng diploma na mailalagay ko sa resume ko. Ang rason talaga ay gusto yung sense of collaboration kapag nasa isang classroom kayo. Makikita ko yung gawa nila, matututo ako sa kanila, tapos may konting competition. Feeling ko yun ang makakapagpa-motivate sakin. Pero kung nandito lang ako sa bahay at solong gumagawa ng projects, bakit pa ko mageenroll. Hindi sulit. Tapos hindi pa nagbaba yung tuition. Ipambibili ko na lang ng magandang computer yung ipangti-tuition ko sana. So yun ang decision ko. Agree naman si Kenneth.

Ang mga supposed classmates ko na very Gen Z

Isa pa pala, since first time nga nilang gagawin na online ang lahat, parang magiging experimental ang year na to sa kanila. So wala ako masyadong tiwala na smooth and organized ang lahat sa end nila. Basta hindi talaga to yung ineexpect ko. Nakaka-disappoint. Pero ang good news pa din, nakapasok ako! Nakaka-validate lang. Kasi out of 100+ na nagsubmit ng portfolios nila, isa ako sa mga natanggap. At nakita ko yung mga gawa nung ibang applicants, magaling din yung iba tapos yung iba sakto lang.

Sobrang daming resources ngayon online at may mga magagaling na artists na hindi naman pumasok ng art school. Ang kalaban ko lang talaga dito ay yung katamaran ko. Ang tamad ko kasi. Hays. Minsan pag nanonood ako ng online courses aantukin ako agad. Ang dali na maglaro na lang ng Coin Master or manood ng Modern Family sa Netflix. Please naman sana naman wag na akong magpadala sa katamaran ko. Ilang beses ko na to sinulat dito. Nakasalalay ang kinabukasan ko dito.

Speaking of Coin Master, adik na adik kami ni Kenneth sa Coin Master. Mobile game sya na inintroduce ni Nick samin. Ang galing nung gameplay at sobrang naappreciate ko yung graphics at illustrations dun sa game. Kaya naman nung unang araw ng paglalaro ko, nagising ako ng 7am tapos hanggang 3pm naglalaro pa din ako. Halos hindi ako nakakain ng maayos kaka-spin. At isa pa pala, ang saya din nung community ng Coin Master players sa Facebook. Ang supportive nung mga players. Okay tama na ang tungkol sa Coin Master.

Say bye to your balls Cashew

Isa pang balita, pinakapon na namin si Cashew nung isang araw. Nakaka-stress kasi nagkaron ng complication. Kaya awang awa ako kay Cashew at naiyak. Nagdadalwang isip tuloy ako kung dun pa namin ipapa-spay si Walnut at baka ang bulok nung clinic na yun. Mabuti naman at nakaka-recover na sya ngayon. Wala nang masyadong dugo sa incision site. Ang nakaka-stress lang ngayon ay ang sungit ni Walnut kay Cashew. Nagtataray pag nakikita si Cashew. Kasi nga sensitive ang pangamoy ng pusa at dahil galing sa vet si Cashew at meron syang wound, iba yung amoy nya para kay Walnut. Hindi narerecognize ni Walnut yung kakaibang amoy kaya feeling nya intruder si Cashew. Sana naman ay magbati na yung dalwa bukas kasi ang hirap din lagi ka dapat nakabantay tapos hindi pwedeng nasa isang kwarto lang sila. Kahapon kasi kinalmot ni Walnut si Cashew sa muka buti hindi tumama.

Still a cutie with his cone on

So ang plan of action ko ngayon, manood ng manood ng online courses, matuto, i-apply ang natutunan at mag-drawing ng mag-drawing as much as I can. Kung gusto kong makatipid, yan dapat ang mga gawin ko. Sisimulan ko na after nitong post ko na to. Kung kailan 11pm na itutulog na. Hay nako.

Ito ata ang pinaka-mahal na cookie na natikman ko pero isa sa pinakamasarap (if not the best)

Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment