Categories
Throwback

My 19 Year-Old Playlist

Many years ago, after getting my first iPhone, pinamana ko yung iPod Touch ko kay Illysa (my cousin) because I figured hindi ko naman kailangan both at the same time. But now that she’s no longer using it, I retrieved it for nostalgia purposes (buti na lang hindi nya naiwala or tinapon). Nung binigay ko yun sa kanya back in 2016, ang tanging hiling ko lang ay wag syang magbura ng photos. Thankfully, she didn’t delete them all and I was happy to see some of those old photos again.

Categories
Books Family Hobbies Secrets

Life Updates | Coping Mechanisms

You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

1.

Nung nagkasakit ang Mama, thankful ako sa music ni Chappell Roan. Hindi dahil sa nakaka-relate ako sa mga kanta nya, sobrang ganda lang talaga nung ni-release nyang album. Nakaka-soothe (isa sa mga proof na may healing properties talaga ang music). Basta pag nakakapakinig ako ng music ni Chappell Roan, naaalala ko yung malungkot na moment na yun at kung pano ko sya kinaya.

Ngayong nawala naman ang Mommy, naaaliw akong makinig sa SB19 (thanks Kat sister). Tinatawanan ako ng mga pinsan ko na K-pop fans. Sabi pa ni Isabelle, hindi raw nya gusto kasi mga muka daw maaasim. Hahaha! Basta feeling ko nababaduyan sila sakin. Eh may pagkahilig naman talaga ko sa mga baduy (e.g. Aegis). Basta magaling, kahit baduy, na-aappreciate ko. As in kung may pagkakataon, a-attend talaga ko ng concert nila. Pupunta nga dito sa Calgary ang SB19, kaso nasa Pilipinas ako nun. Sayang.

I’m just extra grateful for music nowadays. It helps me function when it’s too overwhelming to move. Music carries the weight of the difficult emotions and transforms them into something more bearable.

Without music, life would be a mistake.

Nietzsche

2.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Life

Spotify Wrapped 2023

Categories
Life

Spotify Wrapped 2022

Categories
Ramblings

Fake Twitter #12

A few days ago I discovered new music from Austin Kleon’s newsletter. It’s ‘Music for Airports’ by Brian Eno and I super loved it. I added it to my psychedelic playlist. Now I’m continuing to read ‘How to Change Your Mind’ (which is about psychedelics) and it mentions Brian Eno! La lang.

Categories
Life

Dendereren dereren

Okay so. Sobrang excited ako ngayon kasi binili ko yung digital piano ng pinsan ko at dadalhin daw nila dito ngayon. Yahooo!! Sobrang tagal ko nang dream (as in grade 1 pa lang ako) na magka piano. As in ito yung isa sa mga pinaka-aasam asam ko. Digital lang sya pero para syang the real thing. I have been a keyboard snob (naks) kasi para syang laruan pindutin. Since clasically trained ako (sobrang yabang pakinggan nakakajirits), never ko naenjoy magpiano sa keyboard. Pag piano kase, mejo may resistance yung keys (or tiklado). Unlike sa keyboard na soft yung keys. At kahit yung mga piano teachers ko din ang nagsabi hindi daw ako gagaling magpiano sa keyboard/organ. Pero dito sa digital piano, matigas syang pindutin hindi parang laruan. Kaya nung na-experience kong tumugtog dun, sobrang sayo ko! Ang mahal kase ng totoong piano and kahit may pambili ako non, hindi naman yun pwede dito sa maliit na apartment. Pano pati iaakyat yun. So nung nadiscover ko sa pinsan ko tong digital, medyo abot kaya and para na din syang the real deal.

So eto na nga. Tinanong ko kse yung pinsan ko magkano ang bili nya dun sa kanya. Nasa 50-55k daw. Tas biglang sabi, “Wanna buy mine instead?” Tapos half the price daw. Say whaaat? Yayayayayay!! Eh halos hindi nagamit yun. Alam ko kse 6 months kaming nakatira sa kanila dati. Yeheyyy! Sana wag maudlot at dumating na talaga mamaya.

And sa sobrang excited ko, umorder na ko sa Amazon ng piano books a few days ago.

Thanks sa Amazon gift card from our bank

Hays I can’t wait! Kaya siguro hindi pa ako makaligo ngayon. Mamaya siguro tatawag na yung tito ko para sabihing on the way na sila. Hihihi. Hay feeling ko maiiyak ako mamaya. Huhu ang saya kooo 😭

UPDATE:

Sobrang saya ko 😭😭😭