Categories
Art Canada Life Today's Log

Today’s Log 9 | Agawan ng Taba + Art Diaries

MONDAY

8:49 AM

Nag-snow.

Kakatapos ko lang magbasa. Inaantok ako sa binabasa ko. Deep Work pa rin ni Cal Newport. Medyo nadisappoint ako sa book nyang ‘to. Sobrang nagustuhan ko kasi yung isa nyang libro. Yung Digital Minimalism. Try kong ituloy yung pagbabasa pero pag inantok pa rin ako, magbabasa na lang ako ng ibang libro.

10:19 AM

Nagluto akong sinigang na bangus belly. My favorite. Kahit ano namang luto ng bangus paborito ko. Kala ko hindi masarap tapos kulang pa sa sahog. Pero in fairness masarap naman.

Sa bangus compatibility test, compatible kami ni Kenneth. Kasi mahilig ako sa taba tapos sya ayaw nya. Pag sa bahay sa Pinas madami akong kaagawan. Lahat gigil sa taba. Pero nakakamiss makipag-agawan ng taba huhu. Eto nanaman nagiging senti nanaman ako. Gusto ko nang makauwi 😭😭

11:57 AM

Finally, something productive. I packed a few orders. Ship ko na lang mamaya pag sinisipag na kong lumabas. Ang lamig nanaman. Kahapon 16 na tapos -10 ngayon. Nakakatamad maligo. Mag-Duolingo na lang muna ako.

12:34 PM

It’s a joke. Hindi ako nag-Duolingo. Nadistract na ko sa new episode ng WUWJS.

Tungkol sya sa astrology. After nito maliligo na talaga ko.

2:03 PM

Good news. Nakaligo na ko. Kakatapos ko lang din mag-lunch. Ang sarap nitong binili namin sa Sobeys. Kaso hindi healthy.

So eto na ang simula ng pagiging super productive ko. Magaaral na ko nung mga binili kong online courses. Sana ma-apply ko yung “deep work” na sinasabi ni Cal Newport. Hindi ko pa rin natapos yung book. Pero mga 70% done na ko.

2:37 PM

Nakapanood na ko ng 2 videos about Character Design. Nabili ko ‘tong course na ‘to for $5 lang kasi naka-sale. Yung instructor is nagtrabaho sa Disney for 21 years, si Aaron Blaise.

So far, sa 2 videos na napanood ko, ang natutunan ko sa character design ay to do research first. “Don’t draw too soon.” sabi nya. Yung initial reaction ko is, “Katamad.” Bakit kelangan pang mag-research? Drawing na agad! Pero kung iisipin mo, pano magkakaron ng dynamic or richness yung characters kung magbe-base lang ako sa kung anong alam ko ngayon.

And ngayon ko lang talaga naa-appreciate kung gano pinagiisipan ng mga artists or ng studio yung bawat characters sa mga movies nila. Sobrang daming elements na kelangan i-consider para hindi lang sya magmukang maganda, kundi para din makapag-evoke sya ng emotion. Kasi kung maganda nga yung visual pero wala namang feelings, hindi naman bebenta yung movie.

Okay next video.

3:20 PM

Video #3 is all about expressions. At this point, medyo inaantok na ko. Wala pang 1 hour bumababa agad yung focus and energy ko. Gusto kong manood ng isang animated film para makita ko kung pano in-apply yung character design dun sa movie. Pero parang too early pa kasi 23 videos ‘to. Nangangalahati pa lang ako sa 3rd video. Need to focus!!

3:44 PM

Nag-break lang ako at nagbasa ng 3 chapters ng Anxious People. G na ulit.

Pampagana

4:31 PM

On our third winter:

After ko matapos yung video #3, sinipag na kong lumabas para magship ng orders. Nagpapabili rin ng bawang si Kenneth.

Buti nasa tapat lang ng apartment ‘tong mailbox

5:20 PM

Ang kalat talaga magluto ni Kenneth

7:21 PM

Haysss nakakafrustrate. Nagpaint ako ngayon (yung photo sa taas as reference) tapos sabi ko hindi ako map-pressure. Sabi ko for fun lang. Pero nag-end up na nastress nanaman ako kasi hindi ako natuwa sa result. Pag nasstress kasi ako, sumasakit yung batok ko tapos parang nangingimi yung muka ko. Yun ang indication na kelangan ko munang tumigil. Anyway, pinost ko pa rin kahit dismayado ako sa gawa ko. Kelangan ko pa talagang magaral.

Makakain na nga. Or Cozy Grove. Or Gilmore Girls. Or all of the above.

8:06 PM

Kaya sya nagpabili ng bawang

9:15 PM

Currently reading Anxious People. Ang ganda talagaaaa. No dull moment 😍

9:50 PM

Took a break from reading.

11:13 PM

I purchased another course from this great artist. Sobrang fan ako ng style nya 🤩 Nasimulan ko yung first video dun sa course pero since malapit nang mag-hatinggabi, inaantok na me. Kaya ko pa naman pero gusto kong magising ng mas maaga bukas. Lagi na lang akong past 7AM nagigising. Gusto ko yung dati kong gising na mga 6AM.

Orayt goodnight!

Categories
Career Games Life Today's Log

Today’s Log 7 | LF: Artist Friend

Bigla kong naisip na gawin ulit ‘to pero late na ko nakapagsimula.

5:18 PM

Nasimulan ko na yung step #1 sa “The Steps”. And true enough, mas lalo ko ngang na-appreciate ang animation. Sobrang daming moving parts para makapag-produce ng isang animated film. From an outsider’s point of view, akala ko basta may magddrawing lang tapos i-a-animate nila yung drawings. Yun pala merong in charge sa pag-design ng characters, props and background. Tapos merong gagawa ng 3D models nung characters and all tapos may tinatawag na sculptors. Meron ding term na “rigging” na lagi kong nadidinig pero wala akong idea kung ano. After non merong in charge sa surface or texture nung characters, may in charge sa visual effects, lighting, sound, etc. Basta ang dami pa!!!

So after ko panoorin yung video na yun, mas trip ko talaga yung visual development department especially yung sa background design. Pwede ko rin siguro pagaralan yung sa characters and props. Pero isa pang interested ako eh yung matte painting. Sana talaga mapili ako as mentee dun sa WIA Mentorship Program! Yung visual/character effects mukang okay din.

May mga iba pa kong pinanood after. Super favorite ko yung movie na Inside Out so nakakatuwa na makita yung behind the scenes.

6:22 PM

Tumawag yung kapatid ko. Si Tricia, yung bunso namin. Nagusap lang kami about exercise bikes at yung dysmenorrhea nya. Sabi ko magpa-ultrasound na sya. Nakausap ko rin ng very light ang Mama at Papa. Minanok na baka ang ulam nila. Kakamiss sila. COVID matapos ka na!!!

7:11 PM

Watching an animation online course and I’m learning about this “squash and stretch” thing. The kitties are being distracting though.

Super nac-curious sila pag binubuksan ko yung bintana

7:23 PM

Watched another YT video about different animation softwares.

7:30 PM

I might try to learn how to use Blender. Magcheck out pa ko ng ibang videos about it.

For now, magbabasa muna ako ng The Midnight Library. Popular sya sa book community so na-curious ako. Yung genre nya ay fantasy. Medyo wala akong idea kung tungkol saan so excited akong simulan.

8:11 PM

Finished reading. Kumakain na ko ng dinner. Pero instead of reading The Midnight Library, I continued reading Norwegian Wood. Nafeel ko lang. Tapos habang binabasa ko yung Norwegian Wood, may naisip akong concept for a movie. Tapos parang magandang Pixar ang mag-produce. Hahaha. Nag-iimagine ako ng mga scenes sa utak ko habang kumakain ng tocino at dinuguan.

8:55 PM

Duolingo time after eating.

In fairness madami na kaming vocab na alam at nakakapag-construct na din kami ng sentences. Je suis content! 😂

Maglalaro muna ako ng Cozy Grove tapos siguro papanoorin namin yung new episode ng Vincenzo. Sana makapagbasa ako uli mamaya.

10:10 PM

Ngayon pa lang ako maglalaro ng Cozy Grove kasi humanash pa ko kay Kenneth. Kinekwento ko sa kanya na gusto kong magkaron ng friend na nakakarelate sa ginagawa ko ngayon. Gusto kong magkaron ng isang person na kachikahan ko about the world of illustration tapos masusubaybayan namin yung journey ng isa’t isa. Kaso nga sa ganitong age, ang hirap. And mas lalo syang pinahirap ng COVID.

Medyo tanggap ko nanaman kaso nakakamiss lang na magkaron ng work friend tapos same kayo ng struggles and makakarelate kayo sa achievements ng isa’t isa. Mas masaya sana kung may ganun.

Categories
Art Career

The Steps

So unti-unti nang nagkakaron ng linaw ang gusto kong mangyari sa career ko. Ngayon, gusto kong mag-focus sa animation. Admittedly, kaya ako nagka-interes sa kanya kasi nakita ko lang sa iba and of course, ang cool makapag-trabaho sa isang studio na gumagawa ng mga animated films. Yun talaga yung unang motivation. Feeling ko hindi naman ako nagiisa.

Pero ngayon gusto kong mag-go deeper than that. Siguro kaya ako nalo-lost kasi naka-focus ako masyado dun sa glorious feeling pag nakapasok ako sa isang studio. Yun agad yung naiisip ko eh wala pa nga akong napapatunayan. Tsaka hindi sya magandang basis in the long run. Kelangan ko muna syang gustuhin talaga for what it is. Good and bad. Kasi for sure stressful yung trabaho and sobrang competitive.

So ngayon nakakaisip na ko ng mga concrete first steps plus yung ideal mindset ko going forward with it:

  • Watch behind the scenes kung anong nangyayari sa isang animation studio (understand the different pipelines, the workflow and really appreciate what they’re trying to create)
  • After understanding the different pipelines, choose 1 or 2 areas of focus. You have to choose kahit mukang cool lahat! Saka ka na magbranch out pag na-master mo na yung iba
  • Find online resources to learn your chosen areas and apply “deep work” (currently reading Cal Newport’s book Deep Work). Be thankful that you have the privilege to do this in the first place. Don’t waste time.
  • While doing all this, keep in mind that the primary reason why you’re doing this is because you’re a creative person and that you’re curious. That’s it and that’s true. Stop distracting your mind. Just do your thing and do good work (reread the book Big Magic to be reminded of this)
  • Share your best work and don’t think too much about how people will receive it. Remember that you’re primarily doing this for your own pleasure’s sake. If something good comes out of it, that’s just a bonus.
  • Lastly, prioritize your physical and mental well-being. Because you can’t do all these if you’re frail and don’t know how to cope with stresses of life.

Let’s see what happens!