Pasko na sa Pinas kakainis. FOMO nanaman. Makaligo na nga lang.
Category: Ramblings
READ THIS BOOK IF…
- You’re in the mood for something weird and quirky but also dark and disturbing
- You’re interested in a book that examines identity and conformity. But it’s also a love story between a woman and a store.
- Kung at one point in your life you felt like you didn’t belong in your inner circle (or the society as a whole) which resulted to a “need” of having to fit in
QUICK AND TAMAD SUMMARY
Keiko is a 36 year-old Tokyo resident who works in a convenience store since she was 18. Masaya naman sya at wala syang balak na mag-quit kasi sobrang kuntento sya sa trabaho nya at sa buhay nya in general. Kaso andaming echosera na sobrang judgmental kasi sa age daw nyang yon, dapat daw may asawa at anak na sya. At dapat daw makahanap na sya ng ibang trabaho kasi minamaliit nila yung trabaho ni Keiko as a convenience store worker.

I would assume you already read the book so hindi na ko magta-try ikwento, pero gusto ko lang i-highlight yung mga moments na meron akong na-feel na strong emotions while reading the book like yung sobrang natawa ako or nagulat ako. Tapos may konting personal stories kung pano ko naka-relate.
At speaking of gulat, matiwasay lang akong nagbabasa kasi sinimulan nung author yung storya na bata pa si Keiko. So na-imagine ko naglalaro sila sa park with her playmates. Cutie cute cute. Tapos may nakita silang patay na ibon. Nung pinakita nya yung dead birdie, at nai-imagine ko pa yung enthusiasm nya, sabi nya sa nanay nya, “Let’s eat it!” At dun ko na-realize na kakaiba ‘tong si Keiko at kakaiba ‘tong librong binabasa ko.
Kakatapos ko lang magpakain ng mga pussies. Maglinis ng litter box nila at magvacuum. Lapit na birthday ko pero parang hindi na ganun ka-special. Parang hindi na nagma-matter yung edad pag nasa 30s ka na. Hindi nga ako sure kung pa-32 or pa-33 or pa-34 na ko this year. Para naman kasing walang nagbago. Hindi katulad dati na laging may milestones. Pag ganitong age, highschool na, pag 16 or 17 college na. Pag early 20s job hunting stage. Pag late 20s inaabangan mong mag 30 ka tas feeling mo ang tanda tanda mo na. Pero after 30 parang wala lang. 10 yrs pa yung aantayin para maging significant ulit kasi 40 ka na.
Ang gusto ko lang sa birthday ko, ayaw kong ma-stress. Gusto kong kumain na lang sa labas. Pero at the same time, gusto ko rin makipag-socialize kaso tinatamad akong magluto. Kaya baka umorder na lang kami ng pizza, bumili ng roasted chicken at cake. Okay na siguro yun. Basta busog. Nakakahiya lang kasi dun sa mga bonggang maghanda. Tsaka nakagawian na ng mga Pinoy na pag nang-invite, madaming food. Kaso since birthday ko naman, ako na lang masusunod.
Bakit kaya nakagawian na magpapadala ka ng pangkain sa Pinas pag birthday mo? Para sakin ang unfair. Maghahanda sila para sakin tapos ang saya saya nila magkakasama sila, tapos kami nandito lang, pinapanood yung mga pictures nilang masasaya at sama samang kumakain. Hindi ba pwedeng i-classify as torture yun. Na-miss out mo na nga yung masayang kaganapan, nagastosan ka pa. Hays bakit ba ganun ang mga Pinoy. Sino bang gumagawa ng tradisyon na yun. Ang pangit pa sa ganitong age, sobrang rare mo na makatanggap ng regalo. Na-miss ko nang magbukas ng regalo sa birthday ko. Puro ako na lang lagi ang nagbibigay.
Na-ooverwhelm lang siguro ako sa gastos ngayong December. Kasi birthday ni Kenneth at birthday ko December, tapos Pasko. Tapos bagong taon. Nakaka-miss yung mga times na favorite month ko ang December. Kasi bibigyan ako ng pera ng magulang ko, ililibre ko mga barkada ko. Tapos reregaluhan ako ng lola ko ng libro. Yung ibang mga tita ko din may regalo. Anyare.
Ilang beses ko na na-encounter yung, “Be kind. Everyone is fighting their own battle.” Agree naman ako. Minsan lang ka-disappoint na nagttry kang maging kind at may pakealam pero dedma. Ok lang. “Be kind.” nga eh.
Ang daming posers. Tama na ang pagsisinungaling.
Lately, nawawalan na ko ng time and energy magbasa. And nafi-feel bad ako about it until narealize ko na hindi naman dapat. Initially, I felt bad dahil baka hindi ko ma-reach yung goal ko na 50 books this year. Napatigil ako bigla and napaisip. Sa mga bago at interesting information na natutunan ko from reading this past few months, ilang percent yung na-retain sakin? Parang ang konti lang. Hindi kaya sa sobrang dami kong nabasa, na-jumble na masyado yung utak ko which resulted to less retention? Hindi ba mas maganda kung I read less books pero mas madami akong naaalala?

At yung isa pa, I already read 27 books this year and I have to remind myself that it’s nothing to scoff at. For a lot of people, it’s already an achievement. So parang ang useless nung pagka feel bad ko. But I would still like to be able to read more than I usually do. Pero siguro less pressure from myself na lang.
I’m currently reading The Healing Self (my non-fiction pick) and Tokyo Ever After (our book club book of the month). So far nag-eenjoy ako pareho sa kanila and malapit ko na matapos yung The Healing Self. I chose this book dahil baka makatulong sa chronic condition ko. I’m taking meds pero gusto kong samahan ng ibang approach para holistic yung pag-improve ko.

Ayun. Kelangan ko nang mag-exercise para makaligo na ko para makakain na ko para makapag farm na ko ng SLP. Good morning!
Jennifer Lawrence
While doing some chores, I randomly thought of Jennifer Lawrence and what happened to her. I guess I was missing her (close kami??) And now she has a new movie with an all-star cast (Leo, Meryl Streep, Cate Blanchett, Ariana G, even Matthew Perry!) I just wasn’t sure about the trailer. Parang hindi maganda. May pagka sci-fi pero ang vague. We’ll see.
Nalaman ko rin na buntis na pala sya! Hindi naman ako super fan pero ang tagal nya kasi nawala tapos wala pa syang social media. Yun lang.
- Nakabenta kami ng 3 axies within the past 24 hrs
- Hindi na ko adik sa Instagram
- Ang gloomy ng panahon ngayon

- Nabawasan ang timbang ko
- Heart to heart talks with Kenneth
- Nakatikim uli ako ng Irvins salted egg potato chips

- Dumating na yung order kong cookies
- Tapos na sa chemo ang tita ko

- Ang sarap nung kare kare na gawa ng tita ko (different tita from above)
- Tapos ko na yung pina-design na invitation ng kaibigan ko at na-receive ko na yung physical copy

- IA Patreon subscription
- Nakalipat na ng company yung kapatid ko (sana mas okay)
- Anniv pasyal

- Na-convince ko yung tatlong kapatid ko na mag-invest sa crypto
- Mukang mas matino na yung tumitingin na doktor sakin. Start ng new treatment next month.
- Na-discover ko na favorite pala ni Cashew magpa-brush

- May matino na kong mouse
- All green na ang portfolio namin
- Yung niluto ni Kenneth na shrimp boil

As much as ayokong i-label ang sarili ko na procrastinator kasi hindi sya nakakatulong, madalas talaga ganun ang nangyayari. Or gagawin ko yung isang bagay ng full force for the first 3 days up to a week tapos biglang bababa yung enthusiasm. Alam ko na we have it in us to edit these traits (referencing Atomic Habits) and it’s up to us if we will continue to be like this or have enough willpower to change.
Kaya naman natutuwa ako dito sa binabasa ko ngayon. The title is The Willpower Instinct. Ang dami kong natutunan on how the human mind works in terms of giving in to temptations and gaining self control.

May isang pinaka tumatak sakin which is to utilize our ability to remember what we really want. I always find myself craving sweets. All day everyday. Pero try to question daw if it’s what I really want. Gusto ko ba talaga ng ice cream ngayon or mas gusto kong mag-lose ng weight? Gusto ko ba talagang magspend ng time sa social media or matapos yung librong binabasa ko para mareach ko yung reading goal ko this year?
So siguro try to see the bigger picture and ask myself kung ano ba talaga yung gusto ko. Cookies or abs? 😅 Kasi kung ganun yung line of questioning, nagiging unappealing na yung mga temptations and short term wants. So isa siguro ‘tong magandang tool na gamitin pag naliligaw ako ng landas papunta sa ice cream at cookies at chichirya at kung ano ano pang tukso.
Since madalas na kong tumambay dito sa blog ko, inaayos ko yung mga categories ng every post para mas organized and mas madaling magpaka-senti pag feel kong mag-reminisce. Tapos nakita ko yung post ko nung October 2017. Ang title ay Art Day Fun Day + I’ll Be Careful on October 2020. Tapos bigla kong naalala kung bakit. Kasi every October… Pano ko ba i-eexplain. Basta 3 years yung interval ng mga hindi magandang kaganapan tapos nangyayari sya every October 22. Nagsimula nung 2011 tapos may nangyari ulit nung 2014 (the worst!) tapos nung 2017 ulit.

So napa-check tuloy ako kung anong ginawa ko nitong October 22, 2020. At sakto meron akong blog post on that day. Pero wala namang nangyari, sobrang uneventful. Haha. Nanood lang ako ng documentary ng BLACKPINK tapos konting hanash lang sa buhay. The curse is broken!!!
