Categories
Family Ramblings

121212 and other things

Ang cool ng date na to. 121212 (Dec. 12, 2012). Matagal na ulit bago magkaron ng ganto kasi 2013 na ang kasunod. 12 lang naman ang months.

Malapit na birthday ko. Sana makabili na ko ng iPod touch na 5th gen. Tanda ko na 24 na ko. Parang dati sabi ko mag-aasawa na ko ng gantong edad. Tas ngayon kung iisipin mo, parang antagal pa nun mangyayari. Wala pang pera. Wala pang ipon.

Limang oras na ko dito sa office at limang oras na din akong walang ginagawa. Wala pa kong chat kahit isa. Inaantok na ko. Nagttumblr lang ako, internet ng konti. Kain.. Yun na yun. Parang gusto ko na ng mahirap-hirap na trabaho. I want to be a medical coder. Kelan kaya yun.. Hai.

Pangit ng balat ko. Wawa naman magiging anak ko.

Uuwi na ko sa Pagbilao bukas 🙂 Halos isa’t kalahating buwan na din nung huli kong uwi samin. Kaya ko pina-adjust VL ko, para makauwi na ko bukas.

Ang boring ng buhay dito sa Maynila pag wala kang kasama. Pag solo ka lang sa bahay. Nakakadepress. Feeling mo andami mong problema. Konting pangyayari na di mo nagustuhan parang nagiging malala. Pag nagkasakit ka, nakakaiyak kasi wala ka man lang kasama para alagaan ka. Maaawa ka na lang sa sarili mo. Nakakatamad din maglinis ng bahay kasi wala naman ibang makakakita ng kalat mo kundi ikaw lang. Kahit nakakatuwa dahil pauwi na si Kenneth, di pa din ako matuwa ng lubusan dahil alam kong aalis din sya. Baka mas matagal pa. Hai. Nakakalungkot. Nakakainip. Pag nagluto ako ng kakaibang potahe, nakakalungkot din kasi ako lang ang kakain. Gusto kong ipatikim sa iba kung masarap ba, kung kulang pa o kung patapon yung niluto ko. Buti na lang din samin muna nakatira si Nick, pero madalang din kami magkita dahil sa shift ng trabaho namin. Dadating ako ng bahay, wala sya. Dadating sya ng bahay, tulog ako. Pag gising ko, tulog sya. Pag gising nya, nakaalis na ko. Pero ok na din, iba pa din yung pakiramdam na alam mong may kasama ka sa bahay kesa sa wala talaga.

Kaya natutuwa na kong umuwi samin. Madami ako kasama sa bahay. Miss ko na ang Mama, ang Papa, mga kapatid ko, Daddy, Mommy, Tito at Tita ko, mga pinsan ko, si baby Gilian, mga barkada ko, mga Pagbilaoins, etc.

Napaka-ironic. Dati rati, naiisip ko nang magsarili. Tas natutuwa ako sa idea na solo lang ako sa bahay tas parang ang saya. Naiimagine ko dati parang mas sasaya ako sa ganung buhay. Siguro dahil dati, hindi ko naiimagine yung mga parts na kelangan mong maglinis, magluto, magbayad ng bills, magtipid at kung ano ano pa. Haha nakakatawa lang. Parang dati winiwish ko yung buhay na ganun. Yung magnenet lang ako, magbabasa ng libro tas solo lang ako. Mali pala. Di pala nakakatuwa.

Categories
Ramblings

deonat

Na-curious kase ako. Tas ang description pa eh non-sticky, non-staining, alcohol at paraben free. Di ko lang alam kung ano yung paraben na yun. Search ko mamaya.

Mabilis sya matuyo. Ewan ko lang kung ok yung mismong action nya. Nagsisisi ako kung ba’t yung spray form ang binili ko. Ang hirap pindutin tas napapa-spray pa sa muka ko yung iba. Sa susunod roll-on na lang. Yun eh kung maganda ang effect.

Categories
Ramblings

perfect life

A perfect life would be:

• Makabili ng Nikon Coolpix AW100, 13-inch Macbook Pro, Canon PowerShot S100, HTC One S at piano

• Manood ng series, movies, mga gusto kong reality shows at cooking shows kahit kelan ko gusto

• Mag-tumblr at mag-blog

• Mag-piano

• Mag-travel around the world at mag ala pro photographer

Categories
Ramblings

buong 500

Nakasakay ako sa jeep. Wala akong barya. Buong 500. Ibinayad ko kay manong driver. Problemado si manong kasi wala sya panukli. Ipinabalik nung pasaherong babae yung 500 sakin. Ibabayad na daw nya ko. Kakatuwa si ate eh ambait. May ganun pala…

Categories
Ramblings

gusto ko

Eto yung mga araw na parang andami kong gustong gawin. Gawin ang mga gusto kong gawin sa loob ng isang araw. Gusto kong magbasa ng libro, gusto kong pumunta sa malayo, gusto kong mag-beach, gusto kong mangolekta ng seashells, gusto kong kumain ng masarap, gusto kong mag-bake, gusto kong manood ng series, gusto kong mag-tumblr, gusto kong mag-inom, gusto kong mag-videoke, gusto kong mag-sugal, gusto kong magpa-tattoo, gusto kong magpatayo ng bahay, gusto kong bumili ng libro, gusto kong mag-marijuana, gusto kong sumakay sa Hogwarts Express, gusto kong manood ng concert, gusto kong kumain ng Ben & Jerry’s, gusto kong gumawa ng pizza, gusto kong bumili ng water proof camera, gusto kong mag-bowling, gusto kong magsagot ng mga puzzles, gusto kong mag-drawing…

Pero ngayon, nakahiga lang ako sa kama. Walang ginagawa.

Categories
Ramblings

alitaptap

tangina kanina pa ko nagiisip ng short story o kahit ‘character sketch’ man lang wala talaga ko maisip. parang natatawa lang ako sa mga naiisip ko. gusto ko kaseng maging isang magaling na writer. pero hindi ako magaling sa gawa-gawang storya. mas madali saken yung nagkekwento lang. kahit gano pa kadetalyado. pero ang hirap gumawa ng short story. ayan bigla ako may naisip. itutuloy ko na lang yung napanaginipan ko dati.

nagiinom sila sa isang maliit na bahay. gawa lang sa kahoy. simple lang. parang halos kubo na. tas hindi ko alam yung ibang parte ng bahay basta ang nakikita ko lang eh isang malaking bintana. gabi nun. nagiinom lang sila dun. masaya sila. pero hindi ko lam pinaguusapan nila. parang mahal nila ang isa’t isa. sigurado pala. na mahal nila ang isa’t isa. tapos hindi ko alam kung ba’t sila tumalon dun sa bintana. basta parang ang pagkakakita ko eh magka-hawak sila ng kamay habang sabay silang tumalon sa bintana. di ba sabe ko nga kanina malaki yung bintana. kaya kasya sila dun. mababa lang yung bintana kaya di sila nasaktan.

tas sa labas ng bahay eh kagubatan na. parang isolated lang yung bahay na yun. parang sila lang ang may alam kung san yun. sakto sa kanila yung kanta ng keane na ‘somewhere only we know’. tas nung nakatalon na sila palabas nung bintana eh tumakbo sila sa kagubatan. parang apak pa nga sila ih. tas magka-hawak pa din sila ng kamay. hanggang dito lang yung panaginip ko. try kong ituloy.

tas inexplore lang nila yung kagubatan. siguro first time nilang makalabas ng bahay kahit any time naman eh pwede silang lumabas dun sa bahay na yun. siguro nakainom sila kaya naisipan nila na lumabas. first time din siguro nila maginom nun. san kaya galing yung alak nila. wala ding nakakaalam. sila lang. ang misteryoso naman nung dalwa. tapos mukang nasisiyahan naman sila sa pageexplore ng gubat. madameng puno. walang wild animals. ayoko ng may wild animals. gusto ko relax lang. may nakikita silang mga aliptaptap. tuwang tuwa si..ano kaya pangalan nung babae..uhmm. crea na lang. parang creatinine lang. haha. tas yun tuwang tuwa si crea dun sa mga alitaptap. first time nya kaya makakita ng alitaptap? uhmm hindi siguro. baka nakakita na din sya last week nung minsang nakatambay sya sa may bintana nila. nakita nya siguro sa malayo. tas ngayon nakita na nya up close and personal. haha. tuwang tuwa na nga sya. tas nakita ni…ano kaya pangalan nung lalake. uhmm..sodiu na lang (pronounced as ‘soju’). parang sodium lang. haha.

eh di nakita nga ni sodiu na tuwang tuwa si crea sa mga alitaptap. sinubukan nya manghuli. kahit isang alitaptap lang. tas ilalagay nya dun sa maliit na garapon na nasa bulsa nya. oo may garapon dun sa bulsa nya. ewan ko din kung bakit all this time eh may maliit syang garapon sa bulsa nya. baka ganun lang talaga sya. eh di sinubukan nya manghuli. lalo tuloy naiinlab si crea kay sodiu. tapos nakahuli na nga si sodiu ng alitaptap. hindi lang isa. dalwa pa. tas nilagay na nya dun sa maliit na garapon.

uuwi na kaya sila after? parang gusto ko na sila umuwi. la na ko maisip eh. tumakbo ulit sila papunta dun sa bahay nila habang magkahawak ulit ang kamay. nasa kabilang kamay ni crea yung maliit na garapon na may dalwang alitaptap. kelangan nilang butasan yung garapon kase nabasa ko na kaya nailaw ang alitaptap eh may isang klaseng kemikal ang alitaptap na nasa katawan nila na pag nagkaron ng interaction sa oxygen eh mag-gglow.

* Copy pasted from my old blog. Forgive my jeje writing style.